Akala ko dati kung ano yung nakasanayan mo, ganun na talaga yun. Hindi mo na mababago, hindi mo na kayang itigil. Mali pala. Once na may ibang pumasok sa buhay mo at hinayaan mong mag stay siya, kaya niyang baguhin ang lahat. Ang palagi mong ginagawa, yung kinakain mo, pananamit mo yung kilos mo pati yung nararamdaman mo.
Nung una, nakaka asar talaga siya. Lahat ng kilos ko pinapansin niya. Bawat galaw ko sinusundan niya. Hinahanap niya lahat ng mali sa ginagawa ko. Nakaka irita. Araw-araw na magkikita kami, puro ka-bwisitan ang ginagawa niya saken hanggang sa tumagal ng tumagal na na-immune na ko at di ko na lang pinapansin.
Isang araw, nakita ko siya. May nag-iba sa kanya. Hindi ko ma-explain yung pakiramdam. Tinitigan ko siya. Para siyang Anghel na bumaba sa lupa at di pa natatanggalan ng pakpak. Maliwanag yung paligid at tanging siya lang yung nakikita ko. Habang papalapit siya sakin, bumibilis yung tibok ng puso ko. Parang nakikipag-unahan sa paghinga ko yung kabog sa dibdib ko hanggang sa hinampas niya na ko ng ball pen sa ulo. Napalunok ako. Hindi na ko nakapag salita. Kinakausap niya ko pero wala akong naririnig.
Araw-araw ko na siyang iniisip at madalas napapanaginipan pa nga. Hindi na ko masungit at kahit ano mang gawin niya napapangiti ako. Feeling ko para sakin lahat ng ginagawa niya. Yung pang-aasar niya sakin hindi na nakakapikon. Nakakatawa na.
Isang araw, nasa garden ako ng school. Nagbabasa lang. Walang ginagawang mahalaga. Bigla siyang dumating at tumabi sakin. Nakatingin siya sakin kaya tinignan ko din siya.
"pwedeng favor?" sabi niya.
"sige okay lang. ano ba yun?"
"patulong. hehe"
BINABASA MO ANG
Broken Destiny
Romancethere are things that in some incident, even if it's meant to be.. It can't be.