Chapter 52

114 1 4
                                    

3 MONTHS LATER

DANE'S POV

Almost 6 months na si Breeze. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang lagi siyang tulog pero ngayon nakikipaglaro na rin sa amin.

Grabe, sobrang taba na. Bilog na bilog ang mukha at parang marshmallow ang legs at mga braso. Ang lalim din ng dimple ni Breeze, sobrang kamukha na ng Kuya Haven niya. Parang Haven, na ginawang babae. Lalong nag accent sa magandang mukha ni Breeze ang color gray na mata niya. Hindi namin alam san niya nakuha yan dahil brown ang mata ko, dark brown naman kay Ali. Si Blaze, almond ang mata. Pero sabi sa akin ni Ali, si Haven din daw color gray ang mata.

Sa sobrang ganda ni Breeze naiinlove ako. Halos ako na lahat ang gumagawa kasi attach na attach na ako kay Breeze. Sobrang spoiled na sa akin. Most of the times karga ko lang at kasama ko kung saan ako pumunta. Mukhang maraming malolokong lalake kagaya sa Mama niya.

"Dane, start na ba ang operations ng bar niyo?" Tanong ni Ali habang nagtitiklop ng mga damit ni Breeze.

Yung iba kasi hindi na kasya kaya inaayos na niya. Itatabi daw niya dahil wala pa naman daw siyang pagbibigyan.

Sabi ko rin itabi na lang niya dahil malapit na rin naman siya mabuntis ulit. :D

"Oo babe. Operating na. Bakit?" Tanong ko sa maganda kong asawa.

"Ahh wala. Natanong ko lang." Sabi niya sa akin pero parang nahiya na siyang magtanong.

She has all the rights to ask naman kasi she's the one who funded the business. Wala naman akong nilabas na pera dun. Lahat si Ali ang sumagot kaya hindi namin siya tinatanggalan ng rights ni Kenzo if ever gusto niyang makielam or may mga questions siya about sa business na yun. Hindi na nga lang namin sinabi sa kanya pero kasama ang name niya dun. Meron din siya share sa stocks na nirekta namin ni Kenzo sa trust funds ng mga anak namin.

Speaking of Breeze...

Marunong ng dumapa at maupo si Breeze and nagiinteract na rin. Favorite siyang kalaro ni Blaze, grabe siya tumawa pag kinakausap siya ng kuya niya kaya aliw na aliw si Blaze sa kanya.

"Bie, basahin mo nga yung e-mail sa akin ng The Legacy." pakiusap niya dahil busy siya sa ginagawa niya.

Kinuha ko ang phone niya tapos chineck yung emails niya. Ini-invite siya para maging guest speaker sa launching ng Fund Raising Ceremony ng Daddy niya. Meron atang charity na tutulongan ang Dad niya.

"Babe, guest speaker ka raw para sa Fundraising." Sabi ko sa kanya.

"Huh? Bat ako? Anong alam ko diyan? Di ko alam yang mga ganyan. Ikaw na lang." kontra niya.

I read out loud her name para malaman niya na para sa kanya talaga ang invitation.

"Alissandra Icasiano - Eleazar." Sabi ko while enunciating our last name. It feels good and it makes me giddy reading my last name after her first name.

"Ayoko Dane. Hindi ko alam sasabihin sa mga ganyan. Guest speaker? Anong sasabihin ko sa mga ganun." Worried na worried niyang sagot sa akin. "Ikaw na lang magsalita dun Dane. Tutal matagal ka naman ng may alam sa business. Kakausapin ko si Papa. Mas alam mo ang sasabihin sa mga ganyan."

Well she's right. I have been in this kind of industry since I was 15. Maaga akong inexpose ni Mommy sa business industry dahil sa akin talaga nila binalak na ipamana lahat. Si Jeice kasi, nag focus sa Medical Field and ayaw sa mga ganito.

Kinuha naman niya ang phone ko tapos tinawagan ang Papa niya.

"Hello Pa. Nabasa ko na. Si Dane na lang! Di ko alam sasabihin sa mga ganyan. Ha? Bakit iba pa? Siya na lang din sakin! Ayoko!!! Si Xander? Huh??? Hello! Pa!!! Papa!!!"

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon