ALYZSA'S POV
Pagdating ko sa school, syempre magulo pa rin ang classroom. Minsan naiisip kong, wala na ba talagang pag-asang maging mapayapa naman ang section ko?
*RIIIIIIIINNNNNGGGGGGG*
Kanya kanyang bumalik sa upuan nila ang mga kaklase ko at nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon pero sa totoo lang, hindi talaga ako makakahinga ng maluwag lalong lalo na dahil sa first subject namin.
First subject?
MATH.
Nakakalito. Nakakatamad. Boring at higit sa lahat complicated. Isa talaga 'to sa mga problema ko sa buhay. Hindi hindi ko na talaga makakasunod ang MATH na 'to.
Bakit ba nageexist pa ang MATH na y--!
Oh my gosh. Here's my heart beat again. Parang may model na papasok sa classroom namin with parang matching wind effect pa. Grabe, grabe lang talaga.
"Sorry Ma'am. I'm late." Sabi ni Adrian na kakadating lang. Kapag talaga napatingin na ako sa kanya, hinding hindi ko na maaalis ang tingin ko doon.
Si Adrian? Siya lang naman ang ultimate crush ng bayan! Gosh! Sino bang hindi ma-fa-fall sa isang katulad niya?
Maputi. Matangkad. Singkit.Matalino. Mabait. Gentleman. Dancer. Guitarist. Drummer. Varsity ng Basketball. Swimmer.
Saan ka pa? Edi kay Adrian na! Haaaay.
"Alyzsa!" Nawala ako sa pag-iisip ng biglang may sumigaw. 'Yung MATH teacher namin. Syempre, napahiya ako.
"M-ma'am?" Napakamot na lang ako sa ulo.
"Kanina ka pang nakatulala diyan! Tulo pa yang laway mo! Now, answer this!"
Grabe! Bakit kailangan pang sabihing tulo ang laway ko? Agad kong pinunasan iyon at rinig na rinig ko ang pagtawa ng mga kaklase ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Nakakahiya! Pakiramdam ko tuloy mukha na akong sasabog na kamatis.
Pero lalo kong naramdaman ng makita ko ang papasagutan sa'kin ni Ma'am. Hindi ko talaga alam ang sagot. Parang hindi man lang gumagana ang utak ko.
Ang naiisip ko lang ngayon ay kung bakit kailangang pag-aralan ang MATH lalo na ang mga angles at lines na ito. Hindi ko naman siguro susukatin ang upuan namin bago ako umupo doon o ang TV namin bago ko buksan iyon.
Biglang may kumulbit sa likod ko. Halos tumalon na ako nang mangyari iyon.
Nanginginig ako dahil alam kong si Adrian 'yun.
"Line AN!" Sabi niya sa akin ng pabulong. Syempre sinabi ko.
"Line AN Ma'am."
"Okay. Sit down. Nakikinig ka naman pala eh." Nakahinga ako ng maluwag nang makaupo na ako. Grabe lang.
Dahan dahan akong tumingin sa likod. Titingin lang sana ako pero nakita kong nakatingin din siya sa'kin.
"Ah, ano. Thank you!"
"No prob." Ngumiti siya sa'kin at tyaka tumingin na sa harapan.
Binalik ko na rin ang tingin ko sa unahan pero wala doon ang isip ko. Sobra na talaga akong namumula at alam ko iyon.
Actually, lagi niya akong tinutulungan. Sa mga quizzes, talagang tinuturuan niya ako habang nag-q-quiz kami at never niya akong pinakopya, sa mga assignments basta! Lahat! Matalino kasi lalong lalo na sa MATH. Ang kulang na lang sana ay ang mapag-aralan niya kung paano ako mahalin. Sobrang magkabaliktad kami ng mundo. Ako, ayoko ng MATH. Siya, favorite niya ang MATH. Ako, sobrang simple at ordinary lang ako na tao. Siya, perfect.