"Hoy Jane, gumising ka na alas siyete na ng umaga, hindi ba't may pasok ka trabaho mo" Bulalas ng nanay ni jane isang umaga.
"Nanjan na po." sagot nito habang pupungas pungas pa ng mata.
Si Jane ay isang working student na nag tatrabaho sa umaga sa isang burger stand para suportahan ang pag aaral.
"Hala sige bilisan mo jan at mag almusal ka na dito."
"Nga pala Jane, baka pwede mo naman ako isabay ng milktea sa katabing tindahan niyo, masarap ang milktea dun eh, wintermelon 100% sugar extra pearl, bayaran ko nalang dito sa bahay. hehe" Ani ni Kit na kapatid niyang tomboy. habang nag aalmusal sila.
"Hay naku ate, yan ka nanaman, scam nanaman alam ko na mga ganyang galawan mo." Saad nito
"Hehe Babayaran ko promise."
"Whatever, o siya aalis na ko at late na ko." Nasabi nalang nito bago umalis.
------------------------------------------------
"Hi be, muntikan ka nanaman malate ah." Bati ni MC na kaibigan niya sa kabilang stall.
"Hay naku be, alam mo naman sa bansang to, number one talaga ang traffic." ani to.
Lumipas ang buong araw at natapos ang duty ni Jane sa trabaho, at nag hahanda na itong umuwi.
"Nga pala be, paorder daw si ate kit ng milktea, nag rerequest eh."
"Okay be, sige gagawin ko na since pauwi ka naman na." Sagot ng kausap nito.
"Hi miss, open ka pa?" Boses ng isang lalaki sa labas ng stall habang nag aayos siya ng mga gamit.
"Ay sorry sir close na po ka.........me" Natigilian siya saglit ng makita ang isang lalaki na halos kaedad niya lang, matangkad, mestiso, matangkad may kakaibang mata at ang nag pahinto pa lalo sakanya ay ang mga ngiti nito na akala mo'y isang modelo ng toothpaste.
"Sige po sir, ano po ba ang oorderin niyo, pwede naman po kahit ihabol ko bago ako mag close." dugtong nito ng mahimasmasan sa pag kakatitig sa binata.
"Uhm no, no it's okay kung close na kayo, isang order lang naman ang bibilhin ko, maybe tomorrow I'll come back." Sagit nito sakanya.
"Uhm are you sure sir? kasi pwede naman po kitang pag bilhan, tutal naman po is nandito pa naman ako."
"Okay, since you insist, pabili ako ng isang order ng cheese burger na walang cheese." Nakangiting biro nito sa kanya.
"Cheese burger na walang cheese?" ulit ni Jane sa lalaki na may halong pag tataka.
"Haha I'm joking, isang order ng cheese burger please." Natatawang tugon ng lalaki .
"Hehe kayo naman sir, nakakagulat mga order niyo." Nakatawa na ding sagot ni Jane.
Inihanda ni Jane ang order ng binata na may simpleng pag lingon sa kinaroroonan nito. Nang maluto ang order ay agad nitong inabot kasabay ang sukli sa binayad ng lalaki.
-----------------------------------------------
"Oh asan na yung milktea ko?" Bungad na taning n Kit sakanya ng makawi siya sa bahay.
"Hala!! Naiwan ko sa store ate." Saad nito na nagulat dahil hindi niya nadala ang pinapabili ng ate niya. "Nawala kasi sa isip ko, pero bumili ako, dame ko lang siguro iniisip tungkol sa school." Paliwanag nito.
Ngunit ang totoo ay mula ng mga sandaling iyon hindi na mawala sa isip niya yung mga ngiti ng lalaki na kaninang bumibili sakanya.
"Sus, nakakita ka nanaman siguro ng pogi noh? hahahaha" natatawang asar ng ate niya habang nag gigitara ito.
YOU ARE READING
WHAT IF
RomanceA story of a simple girl who will meet her greatest love that will also be her greatest what if..