Kinabukasan, sobrang sakit ng ulo ko. Napainom tuloy ako ng gamot kontra hangover headache. Shocks, di na talaga ako iinom sa susunod. Nakakahiya pala ang ginawa ko kagabi, on our way home nagsuka ako sa loob ng kotse ni Sandriel. Kinailangan pa naming huminto sa gilid para doon ako sumuka. Hindi ko alam kung may mukha akong ihaharap sa kanya.
"Alam mo, ikaw... Stop acting like you care. Eh sa gago ka naman eh!" Dinuro-duro ko siya. "Wala kang kwentang tao, irresponsable ka." Napaupo ako sa gilid at napahagulhol. Tahimik lang siyang nakatayo sa gilid, walang emosyon ang mukha niya.
Napasabunot ako sa aking buhok. Wala talagang preno ang bibig ko kapag nalalasing. Gusto ko sabihin lahat ng hinanakit sa kanya ng hindi nakakainom. Mabuti na lamang kagabi at after kong makasuka ay nanahimik na ako. Hinatid niya ako, di ko na namalayan na nakauwi na ako at kung paano ako nakapasok sa bahay. Wala na akong malay.
Sa kusina andon si mama at Aidan. Naghuhugas ng pinggan si mama while nasa sahig si Aidan at naglalaro ng toys niya. Lumapit ako kay Aidan. "Good morning baby. How was your sleep?"
Tumingin sa'kin ang anak ko, "I have a dream mommy. Kasama ko si daddy sa dream ko. Mommy sabi ni lala, malapit na daw umuwi si daddy? I want to see him na."
Natigilan ako sa sinabi ni Aidan, napatulala ako saglit at napaisip. Ngayon ko lang siya narinig na sinambit ang salitang daddy. As much as possible iniiwasan ko iyon, ngunit nagkakaisip na nga siguro si Aidan after all he's turning 4 next month. Napatingin ako kay mama, she just shrugged her shoulders habang inaayos ang mga pinggan sa lalagyan nito.
"Baby, you watch tv nalang muna kaw. "
"Okay mommy." Kinuha niya ang mga toys niya at tumakbo sa sala. Tumayo ako at huminga ng malalim. Naglakad ako palapit sa mesa at napainom ng tubig.
"Nak, abot kamay na ni Aidan si Sandriel. Ano pa ba ang pumipigil sayo na maging patas sa mag-ama mo? Ipinagkakait mo kay Aidan ang pagkakataon eh." Tumigil si mama sa ginagawa niya at tumingin sa akin.
"Please lang anak, magpakatotoo ka na. Hindi lang sa sarili mo kundi para narin sa anak mo."
Napaisip ako sa sinabi ni mama. Masyado nang nasasaktan ang pamilya ko, ako, si Sandriel at higit sa lahat ang anak namin. Tama na siguro ang lahat ng 'to? Walang patutunguhan ang ganito. Kung magpapatuloy kami sa ganitong sitwasyon kami lang din ang mahihirapan.
Nagtext ako kay Sandriel. Gusto kong makausap siya. Hindi tungkol sa amin kundi tungkol sa katotohanan. Tungkol kay Aidan, masyado na kasing nasasayang ang oras eh. Pumanhik ako sa kwarto para maligo, nagbihis ako ng kumportable sa akin at itinali ang buhok ko. Nagpaalam ako kay mama at sa anak ko bago ako umalis ng bahay.
Kinabahan ako dahil may sasabihin din daw sa akin si Sandriel. Habang nasa biyahe ako papunta sa lugar na napagkasunduan namin ay nag-iisip ako. Paano ko sisimulan ang pag-amain?
"Sandriel, may aaminin ako sa'yo. Itinago ko sa iyo ng tatlong taon ang katotohanang ito. May anak tayo, anak mo si Aidan."
BINABASA MO ANG
Hiding the Professor's Son
RomanceDespite what happened to Valeria Calustre, she was able to raise her child without the father's support. Okay naman ang lahat not until she meets again with the father of her son. Started: December 28, 2022 Finished: February 22, 2023