On Your Wedding Day

6 0 0
                                    


Though, we've known each other since I was a kid, everything just started when Jerome is 26 while I am 17 years old and currently studying as a senior high school student. He is working at Manila habang ako naman ay nag aaral dito sa probinsya namin.

December of 2018 I was fresh from a break up and sobrang heartbroken ko that time when Jerome messaged me at kinumusta niya ako. Medyo nagulat ako kasi syempre we never talk to each other kasi hindi kami close and super suplado niya pagdating sa akin simula bata pa lang ako. So ayun na nga, nagkamustahan kami and then hiningi niya ang number ko at ibinigay ko naman and he called. Nagkausap kami at sa sobrang tagal naming nag uusap, nailabas ko sa kanya lahat lahat ng sama ng loob ko at nakinig naman siya. It goes on for a couple of days, weeks, and turned to months na palagi kaming magkausap sa phone and then I realized that I started falling for him and I cannot get out.

Who wouldn't fall right? He is always there for me. Kahit na sobrang ikli ng pasensya ko, hindi siya nagsawa sa akin. And he is the only person that is there for me when I feel like I have no one. Anak ako sa labas at may mga half siblings ako sa bagong asawa ni Mama. And I feel so jealous of them receiving love from our relatives while me, I was neglected. Nagseselos ako sa kanila pero hindi ko masabi kasi ayoko magalit sa kanila. Yung tipong bibilhan sila ng mga bagong sapatos at gamit tapos ako mga pinaglumaan lang ibinibigay sa akin. Kahit pa sa mga school supplies, si Mama na lang ang bumibili ng para sa akin.

Kahit pa sabihin ni Mama na palagi siyang andyan para sa akin, hindi ko yun maramdaman kasi palagi din siyang busy sa sobrang daming gawain sa bahay at sa mga kapatid ko. Never ako nagreklamo sa kanya tungkol dito kasi ayoko na dumagdag sa problema pero simula ng dumating si Jerome, doon lang ako nakaramdam ng pagka kumpleto.

I tried to stop my feelings so I ignored him for a week and he confronted me for that but I didn't give him an answer. I can't fall for him because it's taboo and he is too old for me. Imagine, he is 10 years older than me. Pero dahil marupok ako, kinausap ko siya ulit na hindi siya binigyan ng context bakit inignore ko siya bigla basta naging okay lang ako ulit sa kanya and hindi naman na siya nagtanong ulit. Halos gabi gabi magkausap kami sa phone at napupuyat ako pagdating sa school pero inspired pa din ako pumasok.

Until one day, I finally confessed kasi hindi na kinaya ng karupukan ko na itago. I was expecting him to reject me but to my surprise, he confessed that he also has feelings for me. He called me Ga, in short for Palangga and ganun din ang tawag ko sa kanya.

We were in a secret, long distance relationship. I am not a fan of it kasi gusto ko palagi kasama ang magiging boyfriend ko pero dahil sa kanya ay nagbago ang pananaw ko. Puro text and calls lang but I am happy.

"You are the only woman that I will love for the rest of my life." That is what he said.

And tumagal kami ng halos isang taon and dun na nagsimulang magbago ang lahat. Palagi na kaming nag aaway dahil lang sa gusto niyang i public ang relasyon namin pero ayaw ko kasi alam ko marami ang tutol dito. Break balik ang naging set up namin hanggang sa last break up namin this April 2022. I don't even know if it can be called a break up, it's more on a ghosting. Kasi bigla na lang ako hindi nagparamdam kasi na realize ko na hindi kami bagay at kailanman hindi kami magiging para sa isa't isa. Tanggap ko yun, masakit nga lang.

I still love Jerome pero hindi ko siya kayang balikan kahit na kinukulit niya ako sa mga text, tawag, chats at videocall. I also blocked him kasi ayoko na magbalikan pa kami kahit na mahal na mahal ko pa siya kasi.. hindi kami pwede sa mata ng lahat. Kahit na naka block na siya sa akin, ini i stalk ko parin siya gamit ang account ng kapatid ko para lang malaman ko kung okay ba siya. Then nitong Mayo lang, nabalitaan ko na umuwi siya dito sa probinsya dahil na aksidente siya sa Manila and so far he is okay. Then this September, ininvite kami ng lola namin na pumunta sa lugar nila kasi kasal daw ng tiyuhin ko, pinsan siya ni Mama ko pero ilang taon lang ang tanda nito sa akin kaya Kuya ang tawag ko sa kanya.

At first I hesitated, kasi alam kong makikita ko si Jerome doon pero pinilit ako ni Mama. Gusto niya na present ako sa kasal at saka close ko kasi ang mapapangasawa nito. 2 months pa lang silang mag gf bf pero nagdesisyon agad sila na magpakasal dahil na rin sa pamimilit ng mga lola ko. Nagmamadali kasi magkaapo. Pumunta kami and hindi nga ako nagulat na makita siya doon pero hindi namin pinansin ang isa't isa.

Kinagabihan bago ang kasal ay nagkayayaan kaming magpipinsan na mag inuman, kasama na diyan ang mga tiyuhin ko. Ang mga nanay kasi nag aayos ng mga gamit para bukas, samantala ang mga tatay at tito ay nagluluto ng ibang putahe. Hindi namin kasama ang bride kasi maaga siyang pumasok para matulog dahil maaga pa siya me make upan bukas. Hating gabi na at medyo lasing na ang lahat maliban sa akin na konti lang ang naiinom dahil puro tapon ang ginagawa ko. Ayoko kasi malasing kasi delikado. Walang preno ang bibig ko kapag lasing ako ta baka ano pa ang masabi ko.

Masayang nagku kwentuhan ang lahat ng maramdaman ko maya maya na may umupo sa tabi ko. Mabangong amoy pa lang niya kilala ko na, si Jerome. Gusto ko siya yakapin at sabihing miss ko na siya pero grabeng kontrol sa sarili ang ginawa ko. Akalain mo yun, tatlong taon naging kami at never pa kaming nagkita. Tapos nagkita na kami ngayon pero sa ganitong sitwasyon pa.

Naramdaman kong inakbayan niya ako dahilan para hindi ako makakilos. Nahuli ko ang sulyap ng isang pinsan ko at pabalik balik ang tingin niya sa amin ni Jerome. Para akong na estatwa nang maramdaman kong niyakap ako bigla ni Jerome sabay bulong ng "I love you, Ga. I love you."

Sunod sunod na luha ang kumawala sa mata ko dahilan para maitulak ko siya at dali dali akong pumasok sa kwarto na tutulugan namin. Nakatulog ako habang umiiyak at kinabukasan ay mugtong mugto ang mata ko habang umiiyak na nahirapan din ang make up artist takpan.

Tears started streaming down my face as I looked at the man I've always dreamed of. He looked so handsome in his tuxedo while standing in front of the altar. I saw how he wiped his tears as he looked at me straight in the eye. I just love how he looked at me back then, full of love and affection.

Do you know what is the happiest feeling for me?Marrying the person you love is like a dream come true but why is it that I am crying?

I've always dreamt of this moment - to marry the man I love the most and spend the rest of my life with him. I don't know what I should feel right now but it's like I am walking in clouds. I know that he is my soulmate and my fresh air. He is the reason I look forward to getting up every morning.

He make me feel like I am the most important person in the world. Giving me lots of love and attention, something that I wish would never end.

This is like a dream..

It is like a dream as I started to reminisce how everything started between us.

"Hoy, makaiyak ka akala mo ikaw ang ikakasal." sita ni Debbie, pinsan ko nang mahuli niya akong umiiyak pero hindi ko na lang pinansin sa halip ay nagpatuloy lang ako sa pagiyak.

The weddings reception was held on a private resort and ang dami pa ring tao. May kantahan, sayawan, kainan at tawanan pero heto ako, hanggang ngayon hindi pa rin nakakain at nakamukmok lang sa isang tabi habang umiiyak pa rin.

"Huy kanina ka pa jan umiiyak. Ganyan ka ba kasaya para sa kuya mo?" Tanong ni Mama na ikinatango ko kahit hindi naman totoo.

"Tumayo ka na nga jan at ibigay mo na ang regalo mo para sa Kuya mo at sa asawa nito."

Nag aalinlangan akong tumayo pero sa huli ay nilakasan ko ang loob ko bago lumapit sa mesa ng bagong kasal. Mag isa lang ang groom dito at at wala ang bride.

"Ah.. N-nasaan ang a-asawa mo?" Nautal pa ako dahil lang pinipigilan ko ang luha ko. Gusto kong umiyak ulit pero hindi ako pwedeng umiyak sa harap niya. Hindi ito sumagot sa halip tumayo ito at bigla na lang akong niyakap.

"I'm sorry." The moment I hear those words, hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala pero kumawala din ako sa yakap nito kasi baka hindi ko na siya bitawan pa.

"Don't." I managed to stop my tears. "Don't say sorry. Wala kang dapat ihingi ng sorry kasi kahit ano din naman ang gawin mo hindi na ito magbabago." Iniabot ko dito ang regalo ko saka nagpaalam sa kanya.

"I wish you and your wife a happy life together, at sana mahalin ka niya ng buong buo kagaya ng pagmamahal ko sayo. Congratulations on your wedding..."

The hardest thing to do is to watch someone you love, marry someone else. Maybe... maybe in next life.. pwede na.

"..Kuya Jerome."

ON YOUR WEDDING DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon