6 months. 6 months na si Jake dito sa hospital.
Matagal na rin kaming mag kaibigan.
Si Jake, ayaw niyang minamaliit siya o kaya ay kinakaawaan. Kaya nga sa sobrang tapang niyan, binalewala niya ung sakit niya kaya lumala tuloy ngayon... Gago kasi eh.
Ayaw niya na mag mumukha siyang mahina sa harapan ng kahit na sino, pero sa tinagal niya dito sa hospital, unti unti na siyang naging mahina na dumating na sa puntong kailangan niya nang kabitan ng mga tubong bubuhay sa kanya. Sa tagal niya nang may sakit ay hindi na niya kakayaning magtagal ng wala ang mga tubong ito. Bumibigay na kasi ang puso ni Jake.
"Sheena," nakangiti niya akong tinawag.
"oh?"
"halika dito." siya
Umupo ako sa tabi niya sa may hospital bed.
"Don't you dare fall in love with me" Nabawi ang ngiti sa mukha ko ng lumabas ang mga salitang 'yan sa bibig niya.
Sasamantalahin ko ba 'tong oras na 'to para sabihin sakanya ang lahat? HAY. Bahala na si Batman.
"I can't Jake. I'm already inlove with you!"
Nakita ko yung ngiti sa mukha niya. Pero agad-agad din itong nag laho.
"Pero bakit? Alam mong pwede akong umalis at iwan ka kahit anong oras" siya
"alam ko. But you know, love is blind.. love is stupid, just like you"
Tumawa siya... Nakaramdam ako ng kasiyahan kahit na saglit lang.
"Sheena." siya "sayaw tayo."
"Jake, paano?" nagets ko kung paano nang nakita kong unti-unti niyang tinatanggal ung mga tubong bumubuhay sakanya.
"jake..."
"just let me dance with you, please?" siya
Wala akong nagawa kaya tinayo ko siya at pinatugtog yung "Can I have this Dance"
I took that moment to feel him on me, because I knew it would not last any longer. He would not admit it, and I won't not bring it up, but I was practically holding him up as we spin around the room. Nakayakap lang siya sakin, I can feel his warm breath...
"I want to be with you, but I'm sorry I can't" nakakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko, parang literal na dinudurog ung puso ko sa mga katagang binitawan niya.
Pinipigilan ko yung mga luha ko. Ayokong makita niya akong ganito dahil mas lalo lang siyang mahihirapan.
"It's okay." Pinilit kong ngumiti, pinilit kong maging okay...
"i love you sheena, I never thought you'd love me back." siya
"i love you more."
"Hihiga na ulit ako ha? Napapagod na ako eh." Humiga ako sa tabi niya. Niyakap niya lang ako ng mahigpit.
"Jake. Ibalik mo na please."
"Gusto kong pakasalan ka, gumawa ng pamilya kasama ka. Pero.... Hindi ko na kaya. Nahihirapan na ako. Sorry. " siya
Nakangiti niyang sinabi sakin un. Ayokong malingat kahit na saglit siguro dahil na rin sa takot na baka mawala yung mga ngiti na 'yon at baka hindi ko na makitang muli.
Nararamdaman ko nang bumibigat na ang hininga niya. Pinilit kong ibalik ung mga tubes pero pinigilan niya ako.
Kung pwede lang kunin ko lahat ng sakit, kung pwedeng ako nalang ang nasa sitwasyon niya, gagawin ko wag lang siyang makitang nahihirapan. Kung pwede lang, kung kaya lang...
"I love you sheena, to infinity and beyond. forever and always"
"i love you more Jake. To infinity and beyond. Forever and always."
Di ko na napigilan tumulo na nga ung mga luhang kinikimkim ko.
Naramdaman kong lumuwag na ang yakap niya at kasabay nito, naglaho na rin ang mga ngiti sa mukha niya. At sa oras na ito alam kong hindi ko na ito masisilayang muli...
"you'll always be my guardian angel Jake. Wait for me. I love youu."
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (one shot story)
Teen FictionThis is about a never ending love of Jake and Sheena. Sabi nga nila, kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo kung ano ang ikakasaya nila, na dadating na nga sa punto na gugustuhin mo nang makipag palit sitwasyon sakanila. Sa sitwasyon kaya nila ano...