Sthernkei Blesse Espejo Palad
At Hospital
Sickness and pain, is my most enemies in this whole world. Palagi nalang nitong napapansin ang personal life ko. Hindi ito nagsasawang pahirapan ako sa araw-araw. May panahon pa ba para makalimutan man lang ako ng mga pain na ito.
Kasi nakakapagod ng lumaban at ipaglaban ang sarili, kung parati na lang akong masasaktan. Wala nang puwang ang saya sa buhay ko. Siguro maswerte na lang kung sumuko na ko sa umpisa pa lang. Para hindi na ako nahihirapan ng ganito.
Hanggang sa dumating ka, ikaw yung pumigil sa'kin sa pagsuko. Oo nahulog ang loob ko sa'yo, nang gano'n kadali. Naguguluhan na din ako sa sarili ko ehh, at nakakaramdam pa ako ng atraksyon sa isang tao. Kahit kasi kumbinsihin ko ang sarili na wag kang subaybayan, di ko pa rin magawa.
Doon ko nalang kasi mararamdaman ang sayang matagal ko ng hindi nararanasan. Hindi naman ako ulila, may mga magulang akong mahal na mahal ako. Mga taong sumusuporta sa'kin pero, sa tuwing nakikita ko silang lahat na malungkot at nahihirapan.
Hindi ko magawang maging masaya, ni mayakap sila ay hindi ko maiparamdam. Paano ko naman gagawin yun, ehh wala ako sa aking katawan. Matagal na akong confine dahil sa brain cancer. Nasa lahi namin ang ganitong sakit, at namana ko iyon.
Sampung taong gulang palang ako, nararanasan ko na ang atake ng sakit ko. Bata palang lagi na akong nadadala sa ospital. Mas matagal pa nga akong namalagi sa ospital. Kaysa sa mansion namin na naging tahimik dahil sa sobrang kalungkutan.
Nagtuloy-tuloy na ang maintenance ko at pabalik-balik sa ospital. At ngayong twenty-four na ako. Di ko nakayanan ang cancer ko at confine na ako ng five years. Palagi akong nagdarasal na sana gumaling na ako, pero wala ehh di pa din natutupad.
Kaya ito nananatili akong kaluluwang malungkot, nawawalan ng pag-asa at gusto ng sumuko. Maraming akong taong nakikitang may problema, at gusto ko silang tulungan pero wala akong magawa. Hindi nila ako nakikita ni marinig hindi rin.
Sawang-sawa na ako, Lord tulungan mo naman ako. Gusto ko nang maramdaman ulit na mayakap ng mga magulang ko. Gusto ko na ulit silang makasama sa mansion namin. At punuin ng masayang memories ang buong mansion, bawat sulok nito.
Bumalik sa dati na walang problema, at payapa pa ang buhay ko. Sana ganun kasimple nalang, para hindi na ako nahihirapan ng ganito. Isang sabi o hiling ko lang nand'yan na agad at nangyayari na. Bakit mahirap mabuhay ng payapa sa mundong ito.
Hindi umaayon ang lahat sa'yo. Maraming balakid ka pang iiwasan at lalabanan para makatakas ka sa mga ito. Life is really hard to survive without you Lord. Please give all the strengths that I needed for continue everyday. Bigyan niyo po ako ng maraming rason para magpakatatag pa sa labang ito.
Kasi Lord, pati ang kaluluwa ko nanghihina narin. Gusto ko rin ng may gagabay sa'kin. Parang normal na tao lamang. Kaluluwa ako at nasasaktan din sa araw-araw na nagiging paglaban ko. Maghihintay na lang po ako ng hudyat niyo. At kapag dumating na yun sana handa na po akong iwan ang pamilya ko rito sa mundo.
In Mansion
Nasa loob ako ngayon ng kwarto ni Mommy. Kanina ko pa siya pinagmamasdan, tulog siya ngayon. Napuyat magbantay sa'kin kanina sa ospital. Buong araw kasi si Mom naghintay kung kailan ako magigising.
Kung maririnig niya lang sana ako, sana nasabi kong okay lang na hindi niya ako mabantayan. Ako nalang ang magbabantay sa sarili ko. Alam ko kasing may iba pa siyang dapat gawin. At ayaw kong mapabayaan na lang ito dahil na naman sa'kin.
Sana may third eye nalang sila Dad at Mom. Para nakikita nila ako ngayon, at masabi narin na wag silang palaging malungkot. Kasi sa kanila lamang ako humuhugot ng lakas para patuloy na maging matatag.
BINABASA MO ANG
"You Are My Soulmate"
Spiritual"For me it's simple to live, if we don't have problems that we have to fight and overcome" "But if you think about it carefully, if we survive there is no value either. Because we will not learn to fight and be strong" "Then I said to myself. Why is...