Chapter 4
Natapos ang first subject namin at ngayon lunch time na.
Tinignan ko si Thea na kasama si Zyron na nauunang naglalakad. Zyron Miles, galing daw syang states at yun lang. Yun lang kasi sinabi niya, ang tanga eh noh? He doesn't even want to spill his age at kung saan siya nakatira kahit na tinatanong naman ng mga kablockmates namin. Napaka misteryoso niya, at ang pinagtataka ko pa eh pano sila nagkakilala ni Thea? Well, it's not really my business pero ba't kakaiba yung feeling ko sa lalaking 'to.
"Dennise, you wanna go with us!?" lumingon si Thea sa akin na nakangiti. Ang laki talaga ng pinagbago niya, dati maingay siya, ngayon ibang iba na..
I nodded. Nakakaloka! Dapat hindi nako umeextra sa kanilang dalawa pero kailangan kong makilala yang Zyron na yan, hindi pa ko nakakasigurado sa tao kasi bigla na lang syang sumulpot, tas sa kalagitnaan pa ng semester sya nagtransfer, nakakapagtaka. Tinayming pa na kakabreak lang ni Thea at Patrick. Bruuh~ nakakapanghinala siya.
Lumingon si Zyron sakin at tsaka kay Thea.
"I think she's forced."
"No. I want her to go with us."
Lumingon ulit si Zyron sakin at tsaka kay Thea.
Problema neto? Ayaw akong isama? Upakan ko kaya. Hmp!
Naglalakad kami papuntang parking lot ng may mapansin ako. I look at the students, they are all staring at us, i mean sa kanilang dalawa lang pala. Halos sa madadaanan namin napapako talaga ang tingin nila sa dalawang kasama ko. At ang tatalim pa ng mga tingin. Dumikit ako kay Thea ng konti.
Nakarating kami sa parking lot. Huminto kami sa harap ng puting sasakyan, sa tingin ko sa kanya 'to, pero iba yung sasakyang gamit niya nung muntik nya kong sagasaan. Kulay itim yon at mejo malaki. Nevermind!
Pinagbuksan niya si Thea sa passenger's seat. At ako naman eh nakatayo pa rin dito sa labas. Akala ko pagbubuksan din niya ko ng pintuan pero hindi.. dumeretso siyang sumakay sa drivers seat at iniwan akong nakatayo pa rin na parang timang.
Wth? Ugh! Nagmartsa akong sumakay sa backseat at pabagasak kong sinara ang pintuan ng kotse nya.
Nakita kong kumunot ang noo nya sa front mirror. Ano bang problema ng lalaking 'to? Inirapan ko sya tsaka na nagmukmok.
---
Nakarating kami sa isang restaurant na may nakasulat sa taas na ZyBee Grill. 30 min ang byahe kaya mejo malayo ito sa school.
Nauna silang lumabas ng kotse at sumunod naman ako.
My eyes was roaming around the restaurant, simple lang sya at di masyadong magara, parang beach restaurant ang style, mga bamboo ang haligi at overlooking sa dagat. Sakto lang din ang mga costumers at di naman masyadong marami.
Umupo kaming tatlo sa 4 seaters table malapit sa veranda na sobrang open at overlooking talaga sa dagat. Magkatabi kami ni Thea at si Zyron naman eh sa tapat ni Thea.
Kusa namang lumapit yung waitress sa table namin.
Ngumiti ang waitress kay Zyron at ngumiti din si Zyron sa kanya. Naramdaman ko ang mahinang pagsinghap ni Thea sa tabi ko.
"Menu please!" si Thea.
Ibinigay naman ng waitress yung menu at umalis na.
"Do you know her?" tanong ni Thea kay Zyron.
"No." simpleng sagot niya.
Lumiit ang dalawang mata ko. No daw, eh parang kakaiba yung ngiti nung babae kanina, parang may nakaraan sila. Char! Joke lang. Basta kakaiba..
BINABASA MO ANG
I'll Fall for You (ON HOLD)
أدب المراهقينThe worst pain in love is when your falling ALONE.