Chapter 1

210 4 2
                                    

"I got a boy meotjin, I got a boy chakhan, I got a boy handsome boy nae mam da kajyeogan"

Feel na feel na pagkanta at pagsayaw ni Miyoung habang hinihingal dahil sa bilis ng kanta ng isa sa mga pinaka sikat na Girl Group sa Korea, ang Girls' Generation. Habang ginagawa nya ang last part ng kantang iyon ay nawalan sya ng balanse kaya natumba sya at napahiga sa sahig. Sa halip na mainis sya sa kapalpakan ay natawa pa sya. Nanatili siyang nakahiga sa sahig at iniisip kung paano nya mape-perfect ang dance step ng I Got A Boy.

Miyoung's POV

"Nakakainis naman, Hyuna-ssi. Alam mo ba yon. Magaling naman akong sumayaw pero bakit hindi ko makuha yung letseng part na yon?!?" pagrereklamo ko sa pinsan kong si Hyuna habang naglalakad papuntang school.

"Duh! Oo, magaling ka naman noh. Kaso, kailangan mo pa talagang mag-practice. Ika nga, PRACTICE MAKES PERFECT!" pagsermon niya with matching rolling of eyes.

"Ah ganon. Pa-irap-irap ka dyan, dukutin ko mata mo, eh! By the way, musta na pala kayo ng namjachingu (boyfriend) mo? Nakakainggit kayo huh, nakakainis naman kasi yung mga manliligaw ko, diba kung gusto nila akong maging girlfriend, gagawin nila lahat at mag-eeffort sila para sakin?" pageemote ko sa kanya.

"Kami ng boyfriend ko?" tanong nya.

"Ay hinde, kayo ng lola mo. Kamusta lovelife ng lola nyo. Ano paulit-ulit? Kailangan paulit-paulit?" sabay tawa naming dalawa.

"HAHAHA. Ang hard mo teh. Maldita ka talaga. Eto, going strong kami ni boyfie. Don't worry, ihahanap kita ng boyfriend na tatagal sa panliligaw sayo at magiging isang fanboy na katulad mo. O'diba, perfect combination."

"Whooaaa, mukhang maganda idea yan teh. Gusto ko yan!" sagot ko habang 'di namin namamalayan na nasa school na pala kami.

Shet. Kailangan na naming maghiwalay dahil hindi kami magkaklase ng pinsan ko. Habang umaakyat na ako sa hagdan ng corridor ay kumakanta ako ng I got a boy nang may makasalubong akong dalawang lalaki. Well... Ang gwapo nila ha. lels

Daehyun's POV

''Pre, ganda nun ah. Kita mo?"

"Ha? Asan, asaan?!" tanong ni Youngjae.

"Pre, ang tanga mo pre hindi mo nakita. Ang tanga mo!"

"Ulul, pag tanga ako agad. Di pwede ikaw muna?" pambabara nya kay Daehyun at tumawa ng sabay.

"Tara na nga pasok na tayo, mamaya mahuli pa tayo sa klase. Makikita rin naman natin yun ulit. Pero pare! Ang ganda nya talaga." ani Daehyun.

"Pero teka, hindi mo ba narinig yung kinakanta nya. Parang kume-kpop. Eh di ba ayaw mo sa mga babaeng mahilig sa Korean. Malay mo minumura ka na pala nun, tapos di mo pa alam."

"Basta.... bahala na! Pag nakita natin yun, didiskartehan ko kaagad yon."

I Got A BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon