Ehros
"Guwapo ko naman," Puri ni Myers sa kaniyang sarili habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. "Pero mas guwapo ako kung wala ang lintik na Wig na 'to."
Suot namin ang bigay na school uniform ni Lemar. Nakakainis dahil gustuhin ko mang 'wag suotin 'to ay hindi puwede. Kailangan na pumasok kami sa klase para walang makakahalata. Kahit labag sa loob ko.
"Ba't ko ba kailangang gawin 'to?" Itinapon no Fabian ang uniform da ibabaw ng mesa matapos niya itong titigan ng ilang minuto.
"Wala kang magagawa. Kailangan natin 'tong gawin para magpanggap. Kailangan natin mahananap agad si France." Pigil na pigil ang sariling sabi ni Myers.
Pinagmasdan ko lang sila. Wala akong ganang makipag-usap kay Fabian. Kailangan mo pang mag explain nang mag explain para maintindihan niya ang isang bagay.
"Pero puwede naman akong lumabas nang hindi suot 'yan. Tapos na akong mag-aral. At mukhang wala dito ang kurso na gusto ko!"
"Hindi tayo naparito para lang ipairal mo ang kaartehan mong hinayupak ka! Masasapak talaga kita. Kanina pa ako nag-e-explain hindi mo parin nakukuha?"
"Eh hindi ko nga kailangan 'yan. Hahanapin ko si France nang hindi suot 'yan!" Fabian snorted.
Napahilamos nalang si Myers sa kaniyang mukha, at umaktong sumipa sa hangin. Naiintindihan ko siya. Parang bata si Fabian na kailangan mo pang ipaintindi sa kaniya ng paulit-ulit ang mga bagay-bagay para lang makuha niya ang ibig nitong sabihin. Kahit ako, nagtitimpi rin sa kaniya.
"Isuot mo 'yan. Hindi ka namin kailangan pilitin dahil hahanapin namin si Emerald France nang kami lang, pero ayaw naming ikulong ka at mabitay do'n sa PCB. Kaya isuot mo 'yan." Kalmadong sabi ko.
Sobrang dami ng problema ko, dumagdag pa ang gagong 'to.
Sa huli, sinuot niya ang uniform nang may kasamang sama ng loob. Naisip ko, mukhang wala kaming maaasahan sa gagong 'to. Sakit lang ng ulo ang hatid niya sa amin, sising-sisi akong dinala ko pa ang lintik na 'to dito sa LU. Tuloy, nagkaproblema kami.
"Anong sunod nating gawin?" Tanong nito pagkatapos maisuot ang school uniform.
Agad kaming nagkatinginan ni Myers. Tumango siya at mukhang 'yon din ang gustong itanong.
"Hintayin natin ang pagbalik ni Lemar. Kailangan natin siya." Saad ko.
Nasa'n na kaya ang lalaking 'yon. Kanina, sobrang aga niyang pumunta dito sa abandonadong silid para ihatid ang mga uniform. Sabi niya babalik siya, pero malapit ng mag alas-otso wala pa rin siya. Excited na akong makaharap ang Headmaster.
Mr. Arriune, huh! I think I know you, already.
"Sa tingin mo, mahanap kaya natin si France, Ehros?" Tanong ni Myers habang nakatingin sa sirang kisame nitong silid.
Napansin ko ang lungkot sa mata niya.
"Mahahanap natin siya."
"Pero hindi natin alam kung nasan siya. Hindi siya kilala ni Lemar. Ibig sabihin, hindi pa nakita ni Lemar si France."
"Maybe she's not here? Kayo lang ang nagpupumilit na nandito siya." Bakas ang inis sa tono ni Fabian.
I clinched my jaw. I don't want him to talk, but this time, agree ako sa sinabi niya. Baka lang wala dito si Emerald France.
"Anong wala? Nasasabi mo 'yan kasi wala kang alam." Angil ni Myers kay Fabian.
"I know her. Alam ko ang pinagdaanan niya."
"Wow! Ang galing mo naman kung gano'n." Pumalapak si Myers dahilan para maasar lalo si Fabian.
"She's here." Sabi ko na lamang. Kahit may pagdududa sa isip ko. "Kaya nga kailangan na nating kumilos agad."
BINABASA MO ANG
Lost University (BOOK 2)
Misteri / ThrillerThis is sequel of lost University, so don't open this book if you haven't read the Lost University.