CHAPTER 1

137 3 0
                                    

Grammatically errors ahead

Mahirap ang buhay ngayon, at mas lalong mahirap kung mahirap ka lang din. Kagaya ko.. patay na ang mga magulang ko nung maliit pa lang ako at ako nalang ang bumubuhay sa mga kapatid ko. Tatlo kaming lahat at ako ang pinaka matanda. Hindi na ako nakapag tapos ng pag aaral, grade 6 lang ang kinaya ko.

"Jojo, pare" Lumingon ako kay Bruno. May dala syang mga basura. Ayos ah, may kalakal na naman sya.

"Pare" Bati ko dito at nag fist bump.

"Papasok ka na sa trabaho?" Tanong nya sakin. Tumango ako. Kahit papano ay maswerte ako kasi may maayos akong trabaho. Isa akong janitor sa isang restaurant. Kailangan ko kasi talaga ng maayos na trabaho kasi nasa senior high na ang pangalawang kapatid ko. Yung bunso naman namin may sakit, kailangan nya ng gamot.

"Sige mauna na ako pare" Paalam ko sa kanya. Sa isang squatter kami nakatira. May sarili kaming bahay pero hindi naman namin lupa iyon. Mga informal settlers ang tawag samin. Pinapa alis na nga kami eh. Ang sabi kasi sa amin ay tatayuan daw ng building ang lugar namin.

Alam kong wala kaming karapatan sa lupang iyon kaya gusto kong mag ipon. Kahit mag renta nalang kami ng buong kwarto ayos na yun. Kaso ngayon, talagang hindi pa kaya ng bulsa ko.

"Hoy tomboy! Linisin mo dun!" Utos sakin ni Clarisse, waitress sya dito sa restaurant na pinag tatrabahoan ko.

Kapal talaga nang mukha! Pilingera yang si Clarisse, akala nya maganda sya eh hindi naman. Akala nga nya dati gusto ko sya! Kahit tomboy ako hindi ako pumapatol kahit kanino no! May taste din naman ako.

Nahuli nya kasi akong nakatingin sa kanya, eh hindi nya alam na sa isip ko nilalait ko na sya. Pano, eh self proclaimed na maganda daw sya. Hindi ko nga alam kung nag susuklay ba sya eh. Bago pa lang ako nun dito at yun agad ang sinabi nya samin ng mga katrabaho kong bago lang din. Pilingera talaga!

Sinunod ko nalang ang sinabi nya dahil yun naman talaga ang trabaho ko. Nilinis ko ang buong cr.

Pagkatapos nang hapunan balik din agad kami sa trabaho. Pero nag taka ako nang pina tawag ako ng manager ng restaurant. Kasama nya ang chef, masama ang timpla nitong naka tingin sakin.

Problema nya?! Gusto ko syang irapan pero hindi ko nalang ginawa. Kumpara sa kanya, mas mataas sya sakin. Chef sya samantalang janitor lang ako dito. Wala akong karapatan.

"Bakit po sir?" Tanong ko sa manager namin. Katulad ng chef ay masama din ang timpla nang mukha nya. Ano bang problema nila? Tangina ah!

"Ibalik mo ang ninakaw mo kay Chef Galzano!" Nagulat ako sa sinabi nya. Anong ninakaw? Mga baliw ba sila?

"Wala po akong ninakaw sir" pag tatanggol ko sa sarili ko. Tumaas ang kilay ng chef.

"Of course you will say that! Kapatid ng magnanakaw ang sinungaling!"

Napabuga ako ng hangin. Kung makapag bintang sila parang may ibendsya sila ah!

"Wala akong ninakaw. Ni-wala nga kayong ibendsya eh!" Umiinit na ang ulo ko. Oo mahirap lang ako pero kahit minsan hindi ako nag nakaw at hinding-hindi ako mag nanakaw.

"Ibendsya? Gusto mo nang ibendsya?" Sabi ni chef Galzano at hinila ako papunta sa table ng manager namin. Iniharap nya ang laptop sakin at may pinindot duon.

Nag play ang isang video. Ako iyon na pumasok sa kwarto ng mga chef. May sarili kasing mga kwarto ang chef dito. Kaming mga janitor naman ay locker lang.

"See? Ikaw yun diba? Sige, mag deny ka pa"

Bumuga ako ng hangin. "Pumasok ako dun kasi nag linis ako. Janitor nga ako diba?" Paglilinaw ko pa. Bakit ba ayaw nilang maniwala sakin?

Sound Break 2: Under His SpellWhere stories live. Discover now