CHAPTER 11

9 0 0
                                    

HINDI na nagulat si North nang makita ang mga kapatid na nasa basement ng bahay niya. Sigurado siyang umikot ang mga ito papasok sa basement para hindi makita ng ama ni Ayanie.

"Brother-dear, seryoso ka bang dito mo papatuluyin si Mr. Chan?" tanong ni East nang makapasok siya sa basement.

"Oo nga, brother-dear. Parang ang hirap kumilos kapag nasa paligid si Mr. Chan," saad pa ni South habang nakaupo ito sa single sofa.

"Wait, brother-dear," singit ni East na nakataas pa ang isang kamay. "Anong pakilala mo sa sarili mo kay Mr. Chan?"

"Ran," sagot niya. "Ran Cerverano, the usual identity na ginagamit ko."

"Good, akala ko ay sinabi mo na isa ka sa NEWS, eh," saad pa ni East na tatango-tango pa.

"Hindi pa ako baliw," tugon niya na ikinangisi nito kaya bago pa ito makapagsalita ay ipinakita niya na ang gitnang daliri. "Fvck you, East!"

"Hindi pa raw baliw pero kung makatitig kay Ms. Chan ay parang may sarili ng mundo," pang-aasar pa rin nito kahit na inunahan niya na pero natahimik sila nang makarinig nang yabag mula sa tapat ng saradong pinto ng basement.

"Si Mr. Chan," saad niya kaya tumahimik ang tatlong kapatid at inaabangan kung magbubukas ang pinto ng basement pero tanging yabag papalayo na lang ang narinig nila.

"Si Mr. Chan nga," sang-ayon ni West at kita nila ang CCTV footage kung saan nakikita ang saradong pinto ng basement at ang papalayong si Mr. Chan.

"Paano mo nalamang si Mr. Chan 'yon?" tanong ni South na halatang nagtataka kung paano niya nalaman kung sino ang taong nasa tapat ng basement.

"Brother-dear," ani East at inakbayan ang nagtatakang si South. "Nakalimutan mo na yatang si North ang malakas makiramdam sa ating apat."

Tiningnan niya lang si South saka nagpaliwanag, "Iba ang yabag ni Ayanie sa yabag ni Mr. Chan kaya alam kong si Mr. Chan 'yon."

"Pero bakit naman mag-iikot si Mr. Chan sa bahay mo?" biglang tanong ni West at nakita nila sa screen ng laptop nito ang magkakaibang CCTV footage sa bahay niya kung saan kitang-kita ang pag-iikot ni Mr. Chan.

"Ang weird para sa isang businessman ang nag-iikot sa bahay ng may bahay," komento ni East habang nakatingin sa screen ng laptop kung saan makikitang nasa labas na nang bahay si Mr. Chan at mukhang balak pang magpunta sa gate.

"Buti na lang at hindi tayo nag-park sa harap ng bahay ni North," ani West na nakatuon din ang mga mata sa screen ng laptop.

Pati siya ay napapaisip sa ginagawa ng ama ng dalaga na pag-iikot sa bahay niya na parang may hinahanap na kung ano.

'Ano naman ang hahanapin niya sa bahay ko? Parang may mali pero hindi ko matukoy kung ano hanggat wala akong nahahanap na butas na puwedeng gawing ebidensya.'

NAGTATAKA si Ayanie nang makitang wala ang ama sa sala kung saan niya ito iniwan. Sigurado siyang si North ay nasa basement lang pero ang ama niya ay hindi niya alam kung saan nagpunta.

"Maganda ang lugar ng bahay ni Ran."

'Ran? Si North ba 'yon?'

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at nakita ang ama niyang mukhang galing sa labas dahil nasa pinto ito ng sala na nakabukas.

"Saan pala nagpunta ang kaibigan mo?" tanong pa ng ama kaya kailangan niya pang magsinungaling para pagtakpan si North.

"Ah, pumasok po siya sa trabaho, dad," pagsisinungaling niya na ikinakunot ng noo nito.

Bumaling ito sa labas at tinuro ang kotse ng binatang nakaparada sa garahe. "Pero nando'n ang kotse niya."

'Isip, Ayanie. Mag-isip ka ng paliwanag.'

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon