HABANG tumatagal ay nahihirapan sila North dahil sa ama ni Ayanie. Ngunit wala ro'n ang isip ni North dahil ang nasa isip niya ay ang konklusyon patungkol sa sarili dahil sa napapansin niyang pagbabago sa pakikitungo niya sa dalaga.
'You're losing it, North. You're losing your old self and the boundary you set between your personal life and work.'
Pero binalewala niya iyon dahil gusto niya ang kung ano mang nararamdaman para sa dalaga.
"North."
Napalingon siya sa dalagang nakangiti haang nakatingin sa kaniya.
'Iyan ba? Iyan ba ang makakasira sa boundary na nasa pagitan ng trabaho at personal kong buhay? Aba...syempre!'
Napapailing-iling na lang siya sa sariling naiisip saka nakangising lumapit sa dalaga. "Why, baby?"
Napansin niyang namula ang pisngi nito dahil sa sinabi niya kaya mahina siyang natawa na ikinasimangot ng dalaga.
"H'wag mo akong umpisahan, North," nakasimangot na saad ng dalaga kaya napakagat na lang siya sa sariling labi para pigilan ang tawang gustong kumawala sa labi niya. "North naman, eh!" naiinis na saad nito nang mapansin ang pinipigil niyang tawa na kumawala na dahil sa hitsura nito---nakanguso habang masama ang tingin sa kaniya.
"Sorry, baby," natatawang saad niya saka yumakap sa dalaga. "Ang cute mo kasi. Parang...pato na nagtatampo." At dinugtungan niya 'yon ng tawa na hindi niya mapigilan kaya hinampas siya ng dalaga.
"I hate you!" naiinis na saad nito saka siya iniwan habang siya ay tumatawa pa rin dahil sa dalagang pikon na pikon habang hindi maipinta ang mukha.
Nang maikalma niya na ang sarili ay susundan niya na sana ang dalaga nang mapansin niya si Mr. Chan na nag-iikot na naman sa bahay niya at isang tao na mukhang nag-iikot sa labas ng bahay niya. Nang makita siya nito ay dali-dali itong tumakbo. Akmang susundan niya 'yon nang bigla siyang lapitan ni Mr. Chan.
"Ran, saan ka pupunta?" tanong ng matanda nang makita siyang palabas na sana para sundan ang taong nakita niya. "Nasaan ang anak ko?"
Dahil sa magkasunod na tanong ni Mr. Chan ay nakatakas ang taong nag-iikot sa bahay niya at hindi niya na 'yon nasundan dahil sa matandang kaharap.
'Fvck! 'Yon na, eh. Nakatakas pa!'
"Ran, nakikinig ka ba?"
Napatingin siya sa ama ng dalaga na mukhang kanina pa nagsasalita pero ang atensiyon niya ay nasa labas ng bahay niya kung saan niya nakita ang sa tingin niya ay kasamahan ng gustong pumatay sa dalaga.
'Planning something again, huh? Let's see kung anong hinanda niyo.'
"Ran!"
Pagtingin niya sa sumigaw ay lukot na mukha ng ama ni Ayanie ang sumalubong sa kaniya.
"Aba't, kinakausap kita pero sa labas ka nakatingin. Kapag kinakausap kita ay sa akin ka tumingin, hindi 'yong kung saan-saan." sermon nito sa kaniya na may kasama pang paghampas habang hindi maipinta ang mukha at masama ang tingin sa kaniya.
Matapos ang sermon nito sa kaniya ay iniwan na siya ng matanda habang siya ay nakatingin pa rin sa labas. Nang hindi makontento ay lumabas siya saka nag-ikot-ikot habang tumitingin sa paligid. Nang mapagod ay nagpahinga siya sa isang gilid at kinuha ang phone mula sa bulsa ng suot na short saka tinawagan si West.
"May nag-iikot-ikot sa bahay ko kanina maliban kay Mr. Chan," bungad niya kay West nang sagutin nito ang tawag. "At imposibleng hindi 'yon napansin ni Mr. Chan dahil malapit sa puwesto niya ang kinatatayuan no'ng lalaki."
"I know, brother-dear. Nakita ko ang nangyari. Don't worry dahil nariyan si East kanina. Hawak na namin 'yong lalaking nag-iikot sa bahay mo kanina, nakuha siya ni East habang...hinaharang ka ni Mr. Chan? I don't know and I'm not sure with my conclusions about Mr. Chan pero base sa nakita ko kanina ay hinaharang at pinipigilan ka niyang makalabas nang makita mo 'yong taong nag-iikot sa bahay mo," mahabang paliwanag ng kapatid na ikinabuntong-hininga niya dahil pareho sila ng obserbasyon tungkol sa ikinikilos ng matanda kanina.
BINABASA MO ANG
BREAKING BOUNDARIES
RomanceNEWS SERIES: BREAKING BOUNDARIES. Si Keiran Viel Cerverano o madalas tawagin sa pangalang North ay isang binatang kilala sa pagiging bodyguard dahil sa galing nya sa martial arts na siyang ginagamit sa nasabing trabaho. Naniniwala rin siya na hiwala...