CHAPTER 15

9 0 0
                                    

HINDI alam ni North paano siya magpapaliwanag sa ama ng dalaga dahil sa aksidenteng pagbanggit nito sa pangalang itinatago niya sa ama nito.

"Ano? Tama ba? Ikaw ba si North ng NEWS?" muling tanong ng ama ni Ayanie.

'Hindi niya puwedeng malaman na ako nga ang binabanggit niya. Kailangan ko ng magandang excuse at explanation.'

"Hindi po," pagtanggi niya na mas ipinagtaka ng matanda. "First name ko po kasi ang North. North Ran Hernandez po ang full name ko."

Nang tumango ang matanda na mukhang kumbinsido na ay nakahinga siya nang maluwag.

'Good job, North.'

Nang bumaling sa kaniya ang dalaga ay alanganin itong ngumiti at mukhang guilty dahil sa nagawa nito na nginitian niya lang.

"Kumusta na pala ang lagay mo?" pagsingit ng matanda at hinila ang dalaga palayo sa kaniya. "Kakarating mo pa lang at anak ko agad ang inaatupag mo."

Natawa siya sa huling sinabi ng matanda bago sumagot, "Okay na po ako."

"Bakit nga pala parang ang gulo no'ng araw na may nagpapalitan ng putok ng baril? Kung 'di ako nagkakamali ay nakarinig pa ako ng helicopter," saad pa ng matanda na halatang curious at gustong malaman ang nangyari.

Napabuntong-hininga siya dahil kailangan niya na namang magsinungaling para pagtakpan ang sarili at mga kapatid.

"Tinawagan ko po ang kakilala kong pulis para tulungan ako sa gulong nangyayari sa harap ng bahay ko," pagsisinungaling niya saka napatingin sa dalaga na nakatitig sa kaniya na ikinangisi niya. "Ayanie, h'wag mo namang ipahalatang na-miss mo ako."

Namula naman ang pisngi ng dalaga dahil sa sinabi niya habang ang katabi nitong matanda ay nalukot ang mukha at masama ang tingin sa kaniya.

"H'wag mong landiin ang anak ko sa harapan ko!" bulyaw nito sa kaniya na mahina niyang ikinatawa.

Pumasok na siya at agad na naupo sa mahabang sofa para makapagpahinga.

"North, okay ka lang?" bulong ng dalaga nang makalapit ito sa kaniya habang nakatalikod ang ama.

Ngumiti naman siya saka mabilis na hinalikan ang dalaga. "I'm okay, Ayanie. Na-miss lang kita kaya agad akong nagpagaling."

Ngumiti naman ang dalaga saka mabilis na humalik sa pisngi niya saka nagmamadaling lumayo at nagpunta sa kusina nang makitang iikot si Mr. Chan paharap sa direksyon nila na ikinatawa niya.

'We're like a fvcking teenagers na may sikretong relasyon. D@mn! I didn't know na ganito pala kahirap kasama si Mr. Chan, bantay-sarado si Ayanie.'

"H'wag mo ng pangarapin ang anak ko, Ran. Hindi tayo close para maging boto ako sa 'yo," pagsusungit sa kaniya ng matanda.

Natawa siya saka bumulong, "Wala naman po tayo sa election saka hindi ko po hinihingi ang boto niyo dahil kahit kumontra kayo ay akin na si Ayanie."

Masama ang tingin na bumaling sa kaniya ang matanda. "I heard you! Anong sa 'yo na ang anak ko? May nangyari na ba sa inyo?"

Napatikhim siya sa huling tanong ng matanda at napaiwas ng tingin.

'Guilty.'

"Tinatanong kita!" galit na saad ng matanda saka lumapit sa kaniya. Kinuha nito ang throw pillow at inihampas 'yon sa kaniya. "Pinasok mo ang anak ko ng walang permiso! Ipapakulong kita, trespassing 'yon!"

Hindi niya alam kung seryoso o biro ang sinabi ng matanda ngunit hindi niya na napigilan ang malakas na pagtawa dahil sa sinabi nito.

"Aba't, ginag@go mo ba ako?!" Hindi na maipinta ang mukha ng matanda habang masama ang tingin sa kaniya. "Maha-highblood ako sa 'yong bata ka!" saad nito at nagdadabog na iniwan siya habang hindi pa rin maipinta ang mukha.

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon