' Paano kung mahal na mahal mo crush mo pero di naman katulad ang pagtingin niya sa iyo?
Magpapakabaliw at magbubulag-bulagan ka pa rin ba kahit alam mo ng may mahal na siyang iba?
Kahit na nasasaktan at nahihirapan ka na?
Magpapatuloy ka pa rin ba sa kahibangan at elusyon mong mamahalin ka rin niya na katulad ng pagmamahal mo sa kanya?
o pipilitin mong makalimut sa pag-ibig mo sa kanya?
Paano kung hindi mo kaya?
Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig mo sa kanya kahit alam mong lahat ng effort mo sa kanya ay baliwala lng ?
Masakit di ba?
Pero bawat sakit na nararamdaman mo di mo pala namamalayan na may iba pa ring nasasaktan dahil sa nagyayari sa iyo.
Iyong mahal ka ngayon, mamahalin ka bukas, ikaw lang ang tanging minahal at pinakamamahal niya ..
Pipilitin mo bang mahalin ang taong nagmamahal sa iyo? kahit alam mong may ibang tinitibuk ang puso mo?
o bibigyan mo siya ng pagkakataon kahit na wala kang nararamdan sa kanya?
ano kaya ang magyayari kong makikilala mo siya sa mga susunod pang araw.
Si Crush pa rin ba o si Present na? :D