The Urban legend of maria chua

1.1K 7 4
                                    

THE URBAN LEGEND OF MARIA CHUA (Chapter 1.)

Sa Manila University, 1984...


May hinding inaasahang bagyong dumating. Napakalak as ng buhos ng ulan. Biglang lumiliwanag
ang paligid dahil sa mabilis na kurap ng kidlat kasabay nun ang malakas na kulog at
malakas ang bagyo.


Dahil dito,nasuspende lahat ng antas sa nasabing unibersidad. Lahat na ng highschool ay nakauwi na. Maliban lang sa 3 studyante na hindi pa nakakauwi. Dumidilim na ang paligid dahil mag-gagabi na. Malakas parin ang buhos ng ulan. Parang walang katapusan. Nandun sa classroom parin ang 3 studyante, hinihintay tumila ang ulan.

"Nakakainis. Kanina pa itong ulan. Nalimutan ko kasi ang payong ko, hindi tuloy tayo maka-uwi.” wika ni Amy na hindi mapakali sa kinalalagyan. Panay ang silip nya sa bintana

“Amy, huminahon ka lang at titila lang yan sandali.” wika ng isang dalaga na may suot na salamin. Nagbabasa sya ng libro upang malibang. Sya si Mina.

"Kinakabahan na kasi ako. Gabi na oh. Iba na kasi kutob ko.” palakad-lakad si Amy, halatang kinakabahan.

“Nga pala si Ricardo, nakauwi na?”


“Oo. Kasama ni Carla kanina.” wika ni Mina.


“Naku, iba na kasi kutob ko. Paniguradong hinahanap na ako ni papa.” Palakadlakad parin si Amy. Lakad dito, lakad duon, sisilip sa bintana at maglalakad ulit. Hindi sya tulad ni Mina na tahimik lang na nagbabasa. Maya-maya pa ay biglang kumurap ang ilaw. Nabigla
ang dalawa at nagkatinginan. Dito na sila dinalaw ng takot at kaba.


“M-Mina, nasaan na pala si Mary?”


“Di ba sabi nya,mag-ccr lang sya.”


“Ang tagal naman,” nag-aalala na ang dalawa. Malakas parin ang bagyo. Gabi na. Napakadilim ng
kahabaan ng corridor. Binuksan nila ang switch ng ilaw sa corridor para makita ang dinadaan at upang mawala ang takot.

Tumatama ang lamig ng hangin sa kanilang makha. Magkahawak kamay sila mag-lakad. Dahan dahan sila kung maglakad. Nagtataka sila kung bakit nawala nalang ang kanilang kaibigan. Nasaan na kaya si Mary?

Habang sila ay umaakyat ng hagdan papuntang 3rd floor...


“Mina ,ano yun oh—,”

“BOOOM!!!”


Isang malakas na kulog ang yumanig sa katahimikan. Kasaba'y nun ang kadiliman. Nag brown-out.


“EEEH!!” takot na napasigaw ang 2. Nagtatakbo sila hanggang narating ang girl’s cr. Napahinto sila na hingal na hingal. Dahan-dahan nilang binuksan ang pinto. Walang katao-tao sa loob. Napakadilim. Bukas ang gripo.

“Mary, Mary, Mary Chua? Nandyan ka ba? Ang tagal mo naman. May period ka ba?” nagawa pang magbiro ni Amy kahit halatang natatakot na.


“Wala dito si Mary, malamang naka-uwi na yun. Alam mo naman ang babaeng yun ang hilig mang iwan,” wika ni Mina habang pinapatay ang gripo.

Aalis na sana ang dalawa ng may nakita silang kakaiba

“Tignan mo may sariwang dugo dito!”


“Ano ka ba, syempre, natural lang yan sa girls cr. Malamang, kagagawan yan ng isang burarang babae. ”

“Papunta ang bakas ng dugo sa cubicle na yun.”


Sinundan nila ang bakas ng dugo....dahan-dahan nilang binuksan ang cubicle na yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Urban legend of maria chuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon