A/N: I suggest you read "Paraluman" first before proceeding to this one. Enjoy! ♡
Napatigil ako sa paghakbang nang may aksidenteng masipa na bote ng alak sa bukana ng salas. Pagod kong sinundan ng tingin ang gumulong na bote patungo sa ilalim ng sofa. Saglit akong pumikit at bumuntong hininga bago tuluyang ilapag sa sahig ang bitbit kong bag at ilang libro.
Ito na naman, bulong ko sa sarili.
Hindi na ako nag-abala na magpalit muna ng damit. Inuna ko nang ligpitin ang mga nakakalat na bote ng alak at balat ng chichirya sa salas sa pangamba na may maaksidente pa dahil dito. Sinilip ko ang pinto ng kwarto sa tapat at napabuntong-hininga nang mapansin na bahagya itong nakabukas. Isang indikasyon na naroon na ang tatay ko.
Good thing he still managed to go back to his room. Otherwise, I'd need to drag him again all the way to his room.
Damn this life, really.
Inilagay ko sa garbage bag ang lahat ng kalat at minabuti na rin na lampasuhin ang sahig dahil sa natapon na alak sa ilang bahagi nito. Pinunasan ko rin ang lamesa at inayos ang pagkakahanay ng mga throw pillow sa sofa.
Pinunasan ko ang tumulong pawis sa gilid ng aking noo habang pinagmamasdan ang ngayon ay maaliwalas at malinis na ulit na tanggapan.
How many times do I need to go through all this? Cleaning the mess I did not even make. Why it has to be me?
Ah, right. Ako nga pala ang babae sa pamilya na 'to. Iyong kapatid ko, hindi maasahan. Bukod sa sakit din siya sa ulo, madalas din siyang umuwi na kung hindi lasing, napaaway sa kung kanino, 'e bugbog sarado. Hindi ko alam kung bakit siya nag-rerebelde gayong wala naman siyang mapapala sa mga kalokohan na ginagawa niya.
Makikisabay pa siya sa tatay namin na lasenggo.
Napailing na lang ako. Mukhang wala nang pag-asa ang pamilya na 'to.
Umakyat ako sa kwarto para maglinis ng katawan at magbihis. Hindi rin nagtagal ay muli akong bumaba para magluto ng hapunan. I doubt my great father cooked anything for our dinner. So again, I have to do it for us. It has always been like this.
Ano pa ba ang inaakala ko? Wala naman bago.
"Viem," a familiar baritone voice called me from the living room.
Wala pa man siyang sinasabi sa akin, nahihimigan ko na agad na panibagong problema na naman ang pasalubong ng magaling kong kapatid. Kailan ba 'to umuwi nang walang isyu sa buhay?
"Nandito ako sa kusina, Kuya."
Maingat kong inilagay sa niluluto ang kangkong at labanos. Kahit hindi lingunin, ramdam ko ang paglapit ng kapatid ko sa pwesto ko.
"What is it this time?" I impatiently asked when he did not say anything for a couple of minutes.
Nang hindi pa rin ito nagsalita, napilitan na akong lingunin siya. Mabilis na kumunot ang noo ko nang makita ang tila masaya niyang disposisyon.
"Ako na ang magtutuloy niyang niluluto mo. Marami ka pang gawain, hindi ba? Umakyat ka na at simulan 'yon. Tatawagin na lang kita kapag handa na ang pagkain," mahabang litanya niya habang nakangiti sa akin.
"Dapat na ba akong kabahan diyan sa ngiti mo? Ano na naman ang ginawa mo sa university? Huwag mong sabihin na absent ka na naman o may nakababag ka sa labasan."
Natawa siya sa sunod-sunod na paratang ko. Nanatili akong seryoso at walang bakas ng kasiyahan. Ang makita siyang nakangiti nang ganito ay katakot-takot para sa akin. It is either he did not attend his classes, or he picked a fight again with a random student in the university. Either way, I know his smile means a total disaster.
YOU ARE READING
Pahuway
Short StoryHe's my rest. My pahuway. Duology Part 1: Paraluman Part 2: Pahuway