CHAPTER 3

127 8 0
                                    

JUSTINE'S POV:

**After 1 month**

"Moma. Mabuti nama't gising ka na. May masakit ba sayo.." Tanong ni Travis.

Kahit nanghihina ako, pinilit kong bumangon. Pero pinigilan ako ni Travis.

"Wag ka muna bumangon Moma. Mahina pa ang katawa mo.." sabi nito.

Bumalik ako sa pagkakahiga.

"Gusto kong makita ang anak ko. Nasaan ang anak ko.." Nanghihinang sabi ko.

Ngumiti si Travis. Saka hinagkan ako saaking noo. Nang biglang bumukas ang pintoan at pumasok ang nurse bitbit ang isang sanggol.

"Sir, nandito na po ang anak niyo.." sabi ng Nurse

Lumapit ang nurse saakin saka itinabi saakin ang anak ko. At agad ding lumabas ang nurse.

"Its a boy Moma.." Nakangiting sabi ni Travis.

Sinulyapan ko ang anak ko. Mapula pa ito. Dahil bagong panganak palang ito. Napangiti ako. May bago ulit akong anak. Tumulo bigla ang mga luha ko.

Hindi talaga. Magsink-in sa isip ko na nagkaka-anak.

Hindi ko alam, bakit sa dami ng taong pweding biyayaan ng ganitong kasarian. Bakit kaya ako. Hindi naman sa ayaw ko. Sadyang curious lang ako.

"Moma. Bakit.?" Tanong ni Travis.

Napatingin ako sa kanya. Saka ngumiti.

"Wala. Masaya lang ako.." sabi ko.

Napangiti si Travis.

"Gusto mo pa ng isa.." malokong sabi nito.

Natawa ako. Saka ko siya pinalo ng mahina.

"Baliw.." sabi ko.

Naikinatawa naming dalawa.

Biglang bumukas ang pintoan. Kaya napunta ang atensiyon namin ni Travis.

Sila Stefy at Vincent. Kasunod ang mga tropa ni Travis. Mabuti naman at kompleto ang Red Dragon.

Binati nila ako. May dala silang mga prutas. At isa-isa silang nag kiss na anak ko.

"O tama na. Napupuno na ng laway ang anak ko.."  pigil ni Travis ng si Macky na ang hahalik sa baby namin.

"Si Boss talaga.." sabi ni Macky habang napapakamot sa ulo.

Nagsiupoan naman sila.

"Ang baho kasi ng bibig mo.." sabi ni James.

"Gago. Gusto mo bang halikan kita.." inis na sabi ni Macky.

Natahimik naman si James. Mukhang natakot ata. Mga baliw talaga tong tropa ni Travis.

Muling bumukas ang pintoan. Pumasok sila Natasha at Miggy. Kasama si Neo at si Trevor.

Agad lumapit saakin si Natasha.

"Justine kamosta ka?" Tanong nito saakin.

Ngumiti lang ako.

"Moma. I have a gift for my brother.." Sabi ni Trevor.

Saka lumapit ito kay Travis at umupo ito sa lap ng daddy niya.

"Here.." sabi niya.

Saka may dinukot siya sa kanya bulsa ng panatlon niya.

Isa itong sticker na hugis puso na kulay green. Idinikit niya iyon sa damit ng kapatid niya.

"Daddy, gusto ko na po siyang lumaki agad.
Para may kalaro na kami ni Uncle Neo.." sabi ni Trevor.

MY BOSS/HUSBAND IS A GANGSTER. Book IIWhere stories live. Discover now