"Dali na, Development Zollie!" pagpupumilit ni Charls sa akin.
Nilingon ko siya, "Kung gusto mo sumilip sa room 145, ikaw na lang. Mauuna na ako umuwi." naiinis pa rin ako.
Mula kaninang recess ay hindi ko na nakita si Meds. Dahil hindi naman sila bumalik.
"Bakit ba ayaw mo? Sisilip lang naman tayo kung anong update sa kanila." sabi ni Charls.
"Ayaw ko nga, Charls. Madami pa akong gagawin sa bahay."
"Sus! Alam ko namang kaya mong gawin 'yan lahat. Gawain lang 'yan, si Devi ka kaya."
Sinungitan ko na lamang siya sabay lakad.
Hindi pa ako nakakalayo nang hawakan niya ulit ako.
"Charls..." may pag babantang tono ko
"Devi, dali na." pag pupumilit niya
Mukhang ayaw niyang sumunod, o edi ako na lang ang susunod.
Nandito na kami sa silid kung na saan naghahanda ang mga representative. Ito ang pinakamalaking room sa buong ground floor kaya mukhang kasya sila rito.
Lahat sila busy sa paggawa. May mga kinakausap ang teacher, may mga gumagawa ng costume, may mga nag-uusap, ang iba naman may mga hawak na instrumento o kaya papel, baka script.
"Agradecido!" rinig kong boses ni Charls, tinawag niya si Meds.
Gusto ko sanang umalis pero para saan? Kahit naiinis naman ako sa kanya ay gusto ko pa rin siya makita.
Agad naman napukaw ang atensyon ni Meds sa boses ni Charls kaya hinanap niya ang gawi kung saan ito galing. Nang matagpuan niya kami ay ngumiti siya. Kumaway naman si Charls sa kanya saka ako siniko. Pero ako? Wala, nag-cross lang ako ng braso.
Nakita kong may kinuha si Meds sa kanyang bag, tapos tumingin ulit sa amin. Nang papalapit na sana siya sa amin ay may humablot ng kanyang braso, isang lalake, representative rin ng ibang club.
Napatingin naman siya roon bago tumingin sa amin ni Charls. Pilit siyang hinahablot ng lalake habang may tinuturo, nakita kong isang teacher pala ang itinuturo ng lalake kaya baka tawag siya.
Palipat-lipat ang tingin ni Meds; tingin sa gawi namin, tingin sa teacher. Pero maya-maya ay may babaeng nakatalikod na lumapit sa kanya at humawak sa kanyang balikat. Agad naman nag-init ang ulo ko nang mapagtantong si Yyezha ito.
"Ay! kung ako sa'yo, papasok ako kahit bawal para lang maputol ang braso niyan." bulong ni Charls na parang gigil din.
Pero hindi ko na lang pinansin 'yon at tumalikod. Aalis na lang ako, baka kasi pumasok ako nang biglaan.
Naramdaman ko na lang na sumunod agad si Charls ngayon. Hinihiling ko na lang na huwag niya na akong piliting bumalik doon.
At mukhang natupad ang hiling ako dahil wala akong narg na boses mula sa kanya.
"Desarrollo! Mayo!" boses na tumatawg sa amin ngayon.
Napalingon naman kami roon. Representative ng club namin, ito rin ang tumawag sa amin noon. Napahinto na lang kami nang makitang tumatakbo ito papalapit sa amin.
"P-para sa inyo r-raw." sabi nito na para bang hinihingal pa at may inabot sa aming papel.
Napatingin naman ako roon, "Ano 'yan?"
"Ticket para bukas. Hindi kasi papasukin ang mga walang ticket e."
"Para raw sa amin? So hindi galing sa'yo?" sabi ni Charls sabay kuha sa apat na ticket.

YOU ARE READING
Obtaining your Past Memories
RomanceAcademic Rivals-to-Lovers. The Christian Couple met each other at a young age. Things they learn together as they grow up-fates they didn't expect. Everything is alright; most of their prayers were answered. Not until one day, someone found out som...