Chapter 37

11 1 0
                                    

" kagagaling ko lang kani Adrian, matagal na rin nung huli kaming magkita , miss na miss ko na talaga sya. Palagi akong pumupunta sa bahay nya pati na rin sa condo pero wala sya. Iniwan nya na talaga, sinira nya na ang pangako nya sakin, kasalanan ko rin naman dahil sinaktan ko sya. Sana makalimutan nya na ang sakit at ang nararamdaman nya para sakin, gustong gusto ko na ulit bumalik ang dati samen...walang makakapalit sa kanya para sakin, nag-iisa lang syang bestfriend ko.."

Mela: Shantal..

Shantal: oh Mela bakit? May problema ba?

Mela: pinalayas nya na ko..wala na akong mapuntahan, wala naman kasi akong kakilala dito. Kaya nakakahiya man, sayo na ko lumapit...

Shantal: okay lang sakin yun. Tama na ako ang pinuntahan mo...halika muna sa loob ng bahay..

Mela: ayoko Shantal, madali nyang malalaman na nasa inyo ako.

Shantal: oo nga pala, tara may pupuntahan tayo.

Mela: san?

Shantal: sa condo ko, dun ka muna tumira. Kumpleto na ang mga gamit dun.wala ka ng poproblemahin.

Mela: nakakahiya naman sayo.

Shantal: wag ka ng mahiya, magkaibigan tayo kaya tutulungan kita kung kaya ko.

Mela: napakabuti mo talaga, balang araw mababayaran ko din ang kabutihan mo sa kin.

Shantal: wag mo ng isipin yun, wala naman akong hinihinging kapalit e.

Mela: napakaswerte mo, na sayo na ang lahat. Samantalang ako pinagkaitan.

Shantal: akala mo lang yun..hindi mo magugustuhan na maging ako.

Mela: may problema ka ba?

Shantal: ah, wag na nating pag-usapan yun. Gusto ko munang makalimot.

Mela: basta kung naghahanap ka ng taong masasabihan mo ng mga problema, nandito lang ako.

Shantal: tatandaan ko yan :) sige dito ka na muna at magpahinga alam ko namang pagod ka. Basta kung may kelangan ka, tawag ka lang sakin. Kumpleto na nga pala lahat ng groceries, kumain ka na lang pag nagutom ka. Alis na ko.

"after nun, iniwan ko muna sya para makapagpahinga. Pumunta ako sa meeting place ng barkada, syempre it's barkada day na naman."

Bianca: oh nandito ka na pala.

Shantal: wala pa Bianca, wala pa. Picture ko lang to. :)

Bianca: pilosopo ka na naman. :)) bakit ka nga ba late.?

Shantal: hinatid ko pa kasi si Mela sa condo.

Nicka: condo?

Bianca: sosyal, may condo pala sya. Akalain mo yun.

Shantal: wala, sa condo ko. Nagkaproblema kasi sa kanila.

Bianca: pinalayas sya noh at sa condo mo sya pinatira tama ba ko!

Shantal: oo. Tumpak

Bianca: hay naku Shantal, may topak ka ba? Kelan mo lang yun nakilala tapos pinapagamit mo na ang condo mo sa kanya. Mamaya nyan masamang tao yun.

Shantal: ano ka ba, mabait naman yun. Tsaka wala na syang ibang matutuluyan.

Bianca: kaya inampon mo? Ang bilis mo talagang utuin.

Nicka: matulungin lang talaga sya.

Bianca: nako ewan. Wala talaga akong tiwala sa Mela na yun

Shantal: grabe ka.

Bianca: basta mag-iingat ka. Baka dumating yung time na lahat ng pinapahiram mo sa kanya, angkinin nya.

Shantal: opo..:)) nasaan nga pala si Adrian?

Nicka: e simula naman nung umamin kayo ni Calem hindi na sya nagpaparamdam e pati nga si Camille.

Shantal: sige kakausapin ko na lang.:(

Calem: o bakit malungkot ang hon ko.

Shantal: wala..ang tagal mo kasi.

Calem: sus, namiss agad ako e. I miss you too:)

Karleen: ang cheesy e. :) kainan na nga.:)

Shantal: mabuti pa nga, gutom na ko e. :) taralets.

" buong gabing hindi ako mapalagay dahil kay Adrian, hindi sya okay nung huling beses na nag-usap kami. Kaya kinabukasan pinuntahan ko sya ulit para kausapin, umaasa ako na this time magiging okay na."

Shantal: ano bang nangyari sayo ha, hindi ka na nagpaparamdam pati sa barkada tapos ngayon makikita kong ganito pa ang itsura mo puro pasa.

Adrian: hindi mo naman kelangang pumunta pa dito.

Shantal: kailangan. Tignan mo nga tong condo mo parang dinaanan ng bagyo tapos ikaw parang punching bag yang mukha mo. Maupo ka nga jan, gagamutin ko.

" kumuha ako ng yelo at mga gamot para sa pasa at sugat. Grabe di man lang ingatan ang gwapong mukha e. "

Shantal: wag ka ngang makikipagbasag ulo kung di mo naman kaya. Nasisira ang mukha mo e.

Adrian: pano ba kita makakalimutan nyan kung ganyan ka sakin.

Shantal: Adrian.

Adrian: gustong gusto kong sabihin sayo na sana sapat yung pagmamahal mo sakin para ako ang piliin mo, na sana tayo na lang, ako na lang Shantal.

Shantal: magpahinga kana, maglilinis na ko.

" umiiyak sya pero wala akong magawa. Sana iba na lang ang minahal nya para di sya nasasaktan ng ganito..at nahihirapan din ako dahil nangyari to samen..miss na miss ko na ang dating kami...

Adrian: mamimiss kita..

Shantal: ha? bakit?

Adrian: babalik muna ako sa Baguio...kelangan ko munang lumayo..ang sakit sakit na kasi e..

Shantal: ayoko....sabi mo hindi mo ko iiwan..

Adrian: sana maintindihan mo ko...hindi ko pa kayang makasama ka sa ganitong sitwasyon...babalik naman ako pag okay na lahat..

Shantal: hindi mo kailangan umalis...kung gusto mo hindi na muna ako pupunta dito...hahayaan muna kita...basta alam kong malapit ka sakin, okay na yun ;(

Adrian: this time gusto ko namang bigyan ng time ang sarili ko para makalimot..promise babalik din ako..

Shantal: ang daya daya mo, nangako ka sakin na walang iwanan..pano na ko pag bumalik ka dun..

Adrian: nanjan naman si Calem, i'm sure hindi ka nya pababayaan...don't worry tatawagan kita..

" umiyak na ko na umiyak habang nakayakap sa kanya..hindi na ko sanay ng wala sya..mahihirapan na naman ako..pero kelangan nya to,...ngayon lang sya sakin hihiling kaya dapat ko syang payagan...at isa pa kasalanan ko naman lahat to e..."

Shantal: basta tatawag ka ha..at higit sa lahat babalik ka....;(

Adrian: Promise :(

I Prayed for Countless DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon