(Chapter 6)

2.6K 28 0
                                    

Cringg.. Cringg..

"Hello? sino tuh?"

"Hello joanna si Cj tuh kumusta kana?"

"Sinong Cj? at san mo nakuha number ko?" pagkukunwari ni joanna sa kausap na di niya kilala, pero ang totoo di niya mamalinutan ang boses ng lalakeng nang-iwan sakanya para makipagbalikan sa Ex nito.

"Ahm.. grabe naman nito nakalimutan mo na ako? Si Carlos John Mijares tuh joana. at  kay tope ko nakuha number mo. galit ka pa rin ba saken?"

"Ahh! kaw pala yan.. okay lang ako okay na okay.. ikaw? kamusta nadin?bat napatawag ka?" sagot niya sa kausap, napatawad nadin niya ito pero di niya maintindihan parang maay sakit na kumurot sakanyang damdamin pero masaya siya at nakausap niya uli ang dating noboyo.

Di na kasi siya nagkaNobyo ulet simula ng maghiwalay silang dalawa. almost 2years nadin silang hiwalay at unti-unti nadin niya nakakalimutan ang feelings niya para dito. kahit papano naman naging mabait din naman na nobyo ito noon sakanya. At nirerespeto siya nito kahit lagi siya nitong niyaya na magtalik sila, dahil sa ayaw pa niya pumunta s mga ganung bagay dahil nag aaral pa sila, nirerespeto pa rin siya nang dating nobyo. Mabait naman ito may pagkapasaway nga lang minsan.

"Wala lang, pupunta kasi ako diyan Cebu bukas, kung okay lang sayo magkita tayo, may bibilhin akong mga unit para sa shop ko. Kung okay lang sayo na samahan ako. Please??" pakiusap nito sa dating nobya. Totoo din naman na may bibilhin siyang mga kagamitan para sa shop niya. May sariling Internet shop kasi siya at coffer shop sa mindanao.

"May pasok ako bukas at di ako pwedeng umabsent nasa BJMP na kasi ako ngayon nagtatrabaho as a jail nurse. Kakatapos lang ng day off ko, kung gusto mo tawagan mo nlng si best kessy. Wala yung work ngayon kasi nag resign na siya. timing yun.. text ko nlng sayo yung number niya. "

"Ha?papayag kaya yun? alam mo.naman mainit dugo nun saken. pero sige susubukan ko. Salamat sana magkita din tayo."

"okay sige txt ko na yung number. cge may gagawin pa ako dito. balitaan mo nlng ako." ani ni joana sabay baba sa phone.

Cringg.. Cringg..

"Hello, who's this please?"

"Hello, good morning si  CJ tuh yung ex boyfriend ni joana."

"Huh?!" bat ka tumawag? san mo nakuha number ko? anong kailangan mo? kung si joana hinahanap mo My God! lumbayan mo na bestfriend ko.! masaya na yun sa buhay niya" ani ni kessy na tila nang gigigil sa kausap. Pero wala naman din siyang karapatan magalit dito.

"Opps! chill ka lang, nagkausap na kami. alam kong okay na siya. di naman ako manggugulo. Tuh naman, sa katunayan siya nagbigay ng number mo saken. Makikiusap lang sana ako sayo kung pwede mo akong samahan bukas? pupunta ako diyan bukas dahil may mga kailangan bilhin, at di ko pa kbisado talaga diyan, gusto ko sana ng may kasama. kung okay lang sayo, don't worry i'll be good. Swear!" please??

"Kapal mo din anu, Ayoko! bat naman kita sasamahan, basta ayoko. marami akong ggawin bukas. tsaka walang maiiwan sa lolo ko. "

"Sige na please. magbabayad nlng ako para sa pagbantay ng lolo mo. please pumayag kana, nagmamakaawa ako." pakiusap niya sa dalaga.

"Hay, ang kulet mo. sige na nga" ani niya sa binata, di niya alam.bat pumayag siya, di niya alam bat di niya mahindian ang lalakeng ito. at ang lambing ng boses nito na parang batang humihingi ng candy.




"Kailan mali ang Pag-Ibig"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon