CHAPTER 16

6 0 0
                                    

NAGTATAKA si Ayanie dahil nang makauwi si North ay hindi man lang nito naisip na ibalik ang phone niya at hindi rin nito tinatanggap ang phone nito na ibinabalik niya.

"North, ano bang problema?" tanong niya sa binata nang masiguradong wala ang ama niya. "Ayaw mong ibalik ang phone ko tapos ayaw mo ring kunin 'tong phone mo."

Hinarap siya ng binata saka sumagot, "The text messages you received contains clues. Malaki ang maitutulong no'n para malaman namin kung sino ang gustong magpapatay sa 'yo."

Natahimik siya at walang maisip na isasagot dahil inaasahan niya nang sasabihin 'yon ng binata dahil sa mga text messages na natatanggap niya.

'Ano pa nga bang aasahan mo, Ayanie? Ginagawa lang naman ni North 'yong bagay na alam niyang mapoprotektahan ka niya.'

"Nasaan pala si Mr. Chan?" puna ng binata nang walang sermon na sumalubong dito.

"Nasa kuwarto niya, nagpapahinga," sagot niya at napatango-tango naman ang binata bilang tugon. "Bakit? Gusto mo bang masermunan ulit?" tanong niya na ikinatawa nito.

"Puwede rin dahil si Mr. Chan naman ang mapipikon at hindi ako," sagot nito kaya nahampas niya ito.

Nagkakatuwaan sila ng binata nang biglang may tumunog at sigurado siyang phone niya 'yon na nasa bulsa ng suot na pantalon ng binata.

"Here comes another fvcking clue," bulong nito ang kinuha ang phone niya mula sa bulsa ng suot nitong pantalon.

Nang buksan nito ang phone niya at ang mensaheng natanggap ay gano'n ulit ang nakita niya kagaya sa isang mensaheng natanggap.

'Wednesday, last week of the month. I was in a restaurant at 4 hours before 24-hour clock shows 12:00 midnight and the number of my table is 36.'

Agad itong kumuha ng papel at ballpen habang nagtataka niya namang sinundan ng tingin ang ginagawa ng binata. Sinulat nito ang mensahe at binilugan ang mga salitang 'Wednesday, last week of the month' saka isinulat sa tabi no'n ang isang salitang hindi niya maintindihan---isang code na ang nakasulat ay 'Wk4We' na tinapatan ng isang letra--- 'y'.

Kasunod na binilugan nito ay ang mga salitang '4 hours before 24-hour clock shows 12:00 midnight' at sa tabi no'n ay ang isinulat ng binata na '8:00 in the evening or 20' at pinasundan iyon ng letrang 'u'. At ang panghuling binilugan nito ay ang numerong '36' na ang kasunod ay ang letrang 'm'. Ang huling sinulat nito sa pinakababa ay ang tatlong letrang nakuha mula sa natanggap na mensahe---'y, u, m'.

'Yum? Jollibee yum burger ba 'yan? Hindi ko maintindihan paano nakuha ni North 'yong tatlong letra doon sa mensahe at bakit tatlo lang? Ang dami ng letters doon tapos tatlo lang? At saka bakit y, u at m? Ay bahala siya, wala akong maintindahan.'

MATAPOS makuha ni North ang tatlong nakatagong letra sa mensahe ay kinuha ang phone niya sa dalaga at agad iyong pinadala sa mga kapatid saka siya nagtungo sa kuwarto niya dala ang papel na naglalaman ng mga sinulat niya at ang dalawang phone---ang phone niya at phone ng dalaga.

Tiningnan niya ang pinakababang bahagi kung saan nakasulat ang tatlong letra at naisipan niyang isulat ang mga naunang letra sa ibabaw nang tatlong nahuli.

'S, Y, I.
A, O,...
Y, U, M.'

Nang makita ang sinulat ay napansin niya ang nabubuong salita sa gano'ng pagkakaayos ng mga letra. Dahil sa napansin na pagkakabuo ng ilang salita ay naisip niya ang apat na posibleng letra sa blangkong parte ng ikalawang grupo ng mga letra---a, d, f, j.

Sa apat na letra ay isa lang ang nakakuha ng atensiyon na maaaring makabuo ng salita--- ang letrang 'a'. Sinubukan niyang isulat 'yon sa blangkong parte para tingnan ang mabubuong salita sa huling hilera ng mga letra.

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon