NAGTATAKA si Ayanie dahil bigla na lang umalis si North at nang sundan niya ay naka-lock ang pinto ng kuwarto nito. Nang lumabas naman ito ay kita niya ang pagsusuri nito sa paligid at sa ama niyang nakaupo sa sofa na nasa sala.
"North, ano bang nangyayari sa 'yo?" naguguluhang tanong niya sa binata nang makalapit siya rito. "Ang wierd mo, alam mo ba 'yon?"
Nagulat siya nang hilahin siya nito at dinala sa kusina saka nito pinakita ang isang litrato sa gallery ng phone niya. "Saan mo nakuha ito?" tanong ng binata na ang tinutukoy ay ang sulat na kinuhanan niya ng litrato. "At nasaan ang palasong kinuha ni Mr. Chan?"
Kunot naman ang noo niyang sinagot ang binata, "'Yang nasa picture, nakuha ko sa tapat ng pinto ng kuwarto ni dad, nakakalat kasi. Iyong sa palaso naman, hindi ko alam kung saan nilagay ni dad."
"Do you have any idea what's written in this picture?" tanong nito habang pinapakita sa kaniya ang litrato ng sulat na nakuha sa tapat ng pinto ng ama.
Umiling naman siya bilang sagot. "Hindi ko naiintindihan 'yan kaya hindi ko alam ang ibig sabihin ng nakasulat."
Napabuntong-hininga ang binata nang marinig ang sagot niya. "Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa 'yo ang ibig sabihin no'n o hindi. Ayaw kong mag-isip ka ng kung ano-ano, Ayanie."
"Pero pinag-iisip mo na ako ng kung ano-ano dahil sa mga sinasabi mo. Naguguluhan ako, North. Puwede bang diretsuhin mo na lang ako? Kung may kinalaman sa akin ang nasa picture, then tell me," saad niya at muling napabuntong-hininga ang kaharap na binata.
"The message in this picture, it says...'kill Ayanie Loraine Chan'," saad ng binata na ikinahinto niya at hindi alam ang iisipin dahil sa narinig.
'Kill Ayanie Loraine Chan? Kill...me? Pero si dad ang may-ari ng papel na naglalaman ng sulat na 'yon. Ibig bang sabihin no'n ay gusto niyang mamatay ako?'
"Ayanie."
'Pero bakit? Anak niya ako kaya bakit gusto niyang mamatay ako?'
"Baby."
'Naguguluhan ako. Bakit naman gugustuhin ni dad na mamatay ako? Eh, ako lang ang anak niya?'
"Ayanie!"
Nagulat siya sa biglaang pagsigaw ni North at napalingon siya sa binata na nag-aalalang nakatingin sa kaniya.
"Bakit ka sumisigaw?" tanong niya sa binata. "Kaharap mo lang ako pero kung makatawag ka ay parang nasa kabilang bundok ako, ah."
"Iyon nga, eh. Kanina pa kita tinatawag pero mukhang malalim ang iniisip mo at parang hindi mo 'ko naririnig," saad nito at biglang ngumuso na ikinatawa niya. Pero bigla rin itong nagseryoso. "Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, Ayanie. I'll protect you, kahit kay Mr. Chan pa."
Nakahinga naman siya nang maluwag sa narinig mula sa binata kaya niyakap niya ito at saka bumulong sa tainga nito, "I love you."
Ramdam niya ang paninigas ng binata na ipinagtaka niya at nakita niyang tulala ito.
'May mali ba sa sinabi ko? Bakit ganiyan si North?'
"North," tawag niya sa binata pero tulala pa rin ito at hindi gumagalaw kaya marahan niyang tinapik ang magkabilang pisngi nito. "North, okay ka lang?"
"C-Can you say it again?" tila wala sa sariling saad nito habang unti-unting namumula ang magkabilang pisngi.
'Cute.'
"I love you, North," pag-uulit niya habang nakatitig sa binatang kaharap na parang hindi na humihinga habang hinihintay ang sasabihin niya.
"Fvck!" biglang saad nito matapos ang ilang minutong pagkatulala. "Fvck! Fvck! Fvck!"
BINABASA MO ANG
BREAKING BOUNDARIES
RomantikNEWS SERIES: BREAKING BOUNDARIES. Si Keiran Viel Cerverano o madalas tawagin sa pangalang North ay isang binatang kilala sa pagiging bodyguard dahil sa galing nya sa martial arts na siyang ginagamit sa nasabing trabaho. Naniniwala rin siya na hiwala...