CHAPTER 21

10 0 0
                                    

TULALA si Ayanie dahil sa nasaksihang gulo ng apat na binata. Natauhan lang siya nang marinig ang pagbukas at pabagsak na pagsara ng pinto na ikinalingon niya at nakitang sina North, East at West na lang ang kasama niya.

'Lumabas si South? Baka mapaano 'yon.'

"Fvck that bastard. If this is what that motherfvcker meant that I'm losing the three of you, mukhang nagagawa niya na," madiing saad ni North na ipinagtaka niya.

'Anong mawawala? Sinong mawawala? Sina East, West at South ba?'

Tumikhim siya na ikinalingon ng tatlong binata at sabay-sabay na bumaling sa kaniya. "Uhm, uuwi na muna ako."

"No!" pigil ni North na ikinagulat niya. "Dito ka muna, sabay na tayong umuwi mamaya."

"Oo nga, Ms. Chan," segunda pa ni East na sinang-ayunan pa ni West.

"They're right. Mas safe kung dito ka muna dahil nandito pa si North," saad ni West na ikinakunot ng noo niya.

'Ako lang ba? O parang may pinupunto sila tungkol sa safety ko? Ano bang meron at bakit parang wala na akong alam sa mga nangyayari?'

"May alam ka ba sa nangyari kay South?" tanong ni North kay West habang siya ay naupo sa upuang malapit sa kamang hinihigaan ni East.

Umiling si West bilang tugon. "Wala, brother-dear. Walang CCTV sa pinuntahan niya at naiwan niya ang phone niya sa kotse kaya wala akong access at hindi ko alam ang nangyari," paliwanag nito habang abala sa harap ng laptop nito. "But the weird thing is... iba ang location ng nag-tip kay South at ang pinuntahan niya. How come na nakapag-tip ito kung wala ito sa mismong lugar kung nasaan ang suspect na sinasabi nito? Isn't it confusing?"

'Oo nga, 'no? Paano ka makapagbibigay ng tip sa location ng suspect kung wala ka ro'n?'

"The sender is here in Manila while the suspect in in Laguna," dagdag pa ni West. "At nakarating si South do'n but when he came back, mukha siyang nasiraan ng ulo. But the interesting part is... 'yong sender na nag-tip kay South at ang unknown sender na nagte-text sa 'yo ay iisa ang location. Wanna know where is it, brother-dear?"

"Tinatanong pa ba 'yan? Malamang, oo!" singit ng nakahigang si East na biglang tumayo at lumapit kay East. Lumapit din si North at pabulong ang naging usapang ng mga ito kaya hindi niya marinig.

'Ayan na naman sila, nagso-solo. Ako ang target dito pero parang hindi ako belong sa usapan.'

Kita niya ang mga mata ni North na biglang naging matalim ang tingin at ang namumuong galit do'n habang pinapakinggan ang sinasabi ni West habang si East naman ay halatang gulat sa nalaman dahil wala itong alam sa mga huling pangyayari.

"The fvck?! Seryoso 'yon, brother-dear?" paninigurado ni East kaya may ipinakita si West na kalaunan ay napagtanto niyang hindi tingin kung hindi nood. May ipinapanood ito kay East na nakasuot na ng earphone.

Sinubukan niyang lumapit para sana tingnan ang pinapanood ni East nang lumapit sa kaniya si North at pinigilan siyang makalapit sa dalawang binata na ikinasimangot niya.

"Bakit pinipigilan mo ako?" nakasimangot na tanong niya kay North nang mailayo siya nito sa dalawang abala sa panonood sa laptop ni West. "Hayaan mo ako, North. Gusto kong makita kung ano 'yong pinapanood nila."

"Hindi puwede, Ayanie. Huwag ngayon," makahulugang saad nito habang pinipigilan siya nang subukan niya ulit lumapit sa dalawa.

"Pinatay mo na sana siya, brother-dear," saad ni East matapos panoorin ang ipinakita ni East na mas ipingtaka niya.

'Ano ba kasi 'yong pinanood nila? Bakit ayaw nilang ipakita sa akin?'

"Hindi pa puwede pero may araw rin siya sa akin," seryosong sagot ni North.

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon