CHAPTER 23

10 0 0
                                    

NAPAPAMURA na lang si North dahil mukhang maraming nakahandang tauhan ang matanda. Mabuti na lang ay nakabalik na si South.

"Naihatid mo na ba siya?" tanong niya nang magkaroon siya ng pagkakataong makalapit kay South na tumango naman bilang tugon.

"Pvtanginamo! Sisirain mo pa ang guwapo kong mukha!" bulyaw ni East saka ginantihan ng mas malakas na suntok ang sumuntok sa kaniya dahilan para matulog ito.

Hindi nagtagal ay naubos rin nila ang mga kalaban at iisa na lang ang natira---ang matandang nagpapanggap na si Mr. Chan.

"Sino ka?" tanong niya nang maitali ni East ang matanda. "Kung hindi ikaw si Mr. Chan, sino ka at bakit ginaya mo ang mukha ni Mr. Chan?"

Tumawa naman ang kaharap na matanda at nagtaka sila nang makitang may tinititigan si East sa likod ng ulo nito at nagulat sila nang biglang hinila ni East ang nakita nito na dahilan para maalis ang pekeng mukha nito at tumambad sa kanila ang pamilyar na mukha nito.

Habang nakatitig siya sa totoong mukha ng matanda ay may isang bagay siyang napagtanto.

'Ang matandang ibinalita na namatay na sinasabi nilang si Mr. Buenavista ay si Mr. Chan.'

Iyon ang pumasok sa isip niya dahil ang totoong Mr. Buenavista ay ang matandang nasa harap niya na nakatali sa upuan.

"Ang galing mo rin, Mr. Buenavista, 'no?" ani East habang nilalaro sa kamay nito ang hawak na maskara ng matanda.

"Fvck you, old man! Ikaw pala ang tinutukoy niya!" sigaw ni South na sinubukang sugurin ang matanda pero agad itong nahawakan ni West at inawat ang kakambal.

"Kaya pala gano'n na lang ang papuri mo kay Ms. Buenavista ay dahil ikaw pala ang tatay niya. Ano kaya ang sasabihin niya kapag nalaman niya ang ginawa mo?" nakangising saad niya ngunit nagtaka siya nang ngumisi rin ang matanda at bumaling kay South na lukot ang mukha at matalim ang mga matang nakatingin sa matanda.

"Bakit hindi mo tanungin si Kleigh kung anong sinabi...o ginawa ng anak ko?" makahulugang saad nito habang nakatingin kay South kaya tiningnan niya rin ang kakambal habang bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Pvtanginamo!" bulyaw ni South sa matanda bago ito lumabas at huli na para sundan niya ang kakambal dahil narinig niya na ang mabilis na pagharurot ng sasakyan nito.

"Any last words?" tanong niya sa matanda nang bumaling siya rito.

Ngumisi ito saka nagsalita, "Kahit patayin niyo ako ay hindi pa rin matatapos ang paghihirap niyong magkakapatid," nakangising saad nito at tumawa pa ng nakakaloko kaya lumabas na silang dalawa ni East at sumasakay sa helicopter kung saan naghihintay si West na nauna nang lumabas. Habang sakay sila ng helicopter ay pinasabog na ni East ang mga nakatanim na bomba sa paligid at loob ng bodega.

"This is the fvcking end," wala sa sariling saad niya dahil sa pagod saka bumaling kay West. "Huwag mo akong ita-track mamaya. Gusto kong mapag-isa."

Bumaling si East sa kaniya. "Gusto mong mapag-isa at ayaw mong i-track ka ni West para hindi ka namin masundan, 'di ba?" ani East at bumaling sa labas ng helicopter. "Why don't you jump from here, brother-dear? Siguradong hindi ka namin susundan ni West kapag tumalon ka." suhestyon ni East habang tinitingnan ang maaari niyang bagsakan kung sundin niya ang suhestyon ng kakambal. "Hindi naman gano'n kataas, oh. Hindi ka mamamatay. Mababalian ng buto,  pwede pa."

Masama ang tingin na bumaling siya kay East. "Ikaw unahin ko, gusto mo?"

Umiling naman agad si East. "Huwag, brother-dear. Sayang ang kaguwapuhan ko. Iiyak 'yong babaeng kilala ko."

"And who's that unlucky woman?" tanong naman ni West na ikinasimangot ni East.

"Unlucky talaga?" nakangusong tanong nito at naiinis na tumahimik habang siya ay walang pakialam sa dalawa.

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon