CHAPTER 26

8 0 0
                                    

HINDI mawala ang ngiti sa labi ni North habang itinuturo sa dalaga ang magiging kuwarto nito.

'May chance ka ng akitin si Ayanie, North.'

"Dito ang magiging kuwarto mo," turo niya sa kuwartong katapat ng kuwarto niya. "Katapat lang ng kuwarto ko kaya kung may kailangan ka, kumatok ka lang."

Tumango naman ang dalaga at binuksan ang pintong tinuro niya. Nang makapasok ito sa kuwarto nito ay pumasok na rin siya sa kuwarto niya upang magpalit dahil naiinitan siya sa suot niyang long sleeve polo at slacks. Nagsuot siya ng jersery shorts at sleeveless shirt saka lumabas at nakita niya ang dalagang kasabay niya ring lumabas.

"Hindi muna ako papasok sa trabaho hanggat hindi natatapos ang imbestigasyon," saad nito nang makita siya. Tumango naman siya bilang tugon.

"That's good," saad niya at bumaba na nang maalala niyang hindi siya nakapagbilin sa caretaker na mamalengke dahil biglaan ang dating nila ng dalaga. "Anyway, mamamalengke ako, wanna come with me? Or maiiwan ka?"

"Sasama ako," saad ng dalaga at akmang babalik sa kuwarto nito nang magsalita siya.

"Where are you going?" tanong niya nang makitang tumalikod ito.

Tiningnan nito ang sarili. "Magpapalit ako ng damit."

Ngumiti naman siya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng dalaga. "No need. Maganda ka na kahit hindi ka magpalit." At mas napangiti siya nang makitang kinagat ng dalaga ang sariling labi na tila nagpipigil na mapangiti.

Bumaba na ito at agad silang sumakay sa sasakyan niya saka pinaandar 'yon papunta sa palengke. Nang makarating sila sa palengkeng madalas niyang puntahan kapag nag-stay siya sa resthouse niya, kita niya ang pag-aalangan sa mukha ng dalaga na mukhang hindi sanay sa gano'ng lugar.

"North, safe bang mamili rito?" pabulong na tanong nito na ikinatawa niya.

Hinawakan niya ang kamay nito at hinila ito papasok. "Huwag kang mag-alala, Ayanie. Suki na ako rito kaya safe mamili rito."

Napatango-tango naman ang dalaga at hinayaan siyang hilahin ito. Nagpunta sila sa hilera ng mga karne at kita niya pa rin ang pag-aalangan sa mukha ng dalaga habang nakatingin sa mga panindang karne na nasa harap nito.

"Why? First time?" tanong niya habang namimili sa mga karneng naroon. "Hindi ka pa ba nakapasok ng palengke ni minsan?"

Umiling naman ang dalaga na lihim niyang ikinatuwa.

"Then this is your first time?" tanong niya pa habang inaabot sa tindera ang napili niyang karne.

"Yup. First time ko sa palengke...dahil sa 'yo. You're the first person who brought me here," sagot ng dalaga habang siya ay nagbabayad na para sa karneng nakuha niya.

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinila naman ito sa hilera ng mga isda. "What do you want?"

Nakagat naman ng dalaga ang sariling labi. "Ikaw na ang mamili, North. Hindi ako marunong mamili," nahihiyang sagot nito kaya binitawan niya muna ang kamay ng dalaga at namili ng isda.

"Ano ba ang mga ginawa mo noon at bakit parang wala kang masyadong alam sa pamamalengke?" tanong niya sa dalaga matapos bayaran ang isda.

"Mula nang mamatay si Mom ay hindi na ako masyadong pinapalabas ni Dad kaya may mga bagay talaga na bago para sa akin kagaya nito," paliwanag ng dalaga at naintindihan niya naman kung bakit gano'n ang nangyari.

Pero sa kalagitnaan ng pamamalengke nila, isang sigaw ng ikinalingon niya.

"Keiran Viel!"

Hinanap niya ang sumigaw at nakita ang isang pamilyar na dalaga. Ang anak ng caretaker nila na naging kaibigan niya na rin, si Clea.

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon