RAMDAM ni Ayanie ang pagbuhat ni North sa kaniya at ipinasok siya nito sa loob ng kubo saka inilapag sa papag na naroon.
"Ayanie," bulong nito nang maihiga siya saka siya nito kinubabawan. "I know I will be asking too much from you but will you please forgive me?"
Hindi niya napigilan ang sarili na haplusin ang pisngi ng binata at naramdaman niyang basa iyon.
'Umiiyak si North?'
Ilang segundo pa ay narinig niya na ang mahinang paghikbi ng binatang nasa ibabaw niya. "I want you back, baby. Please," mahinang saad nito at rinig niya ang mahinang pag-iyak nito na nagpabigat sa pakiramdam niya.
"North," saad niya at sinubukang punasan ang basang pisngi ng binata kahit pa wala siyang makita dahil madilim ang paligid. "Tell me, bakit hindi mo sinabi sa akin agad? Bakit hinayaan mong magmukha akong tanga? I will listen to your explanation. If you deserve another chance, I will give it right away. But if you don't, I'm sorry."
Ramdam niya ang pagyakap ng binata sa kaniya habang isinisiksik nito ang mukha sa leeg niya na unti-unti ng nababasa dahil sa luha nito. "Hindi ko sinabi agad kasi hindi ko kayang makita kang umiiyak. I know that it was a selfish move but baby, I know na masasaktan ka kapag nalaman mong 'yong tinuturing mong ama ang gustong magpapatay sa 'yo at siya rin ang pumatay sa mga magulang mo."
"Is that all?" tanong niya. "Kung 'yon ang rason mo. Sa tingin ko ay wala na tayong dapat pang pag-usapan. Wanna know why?" At marahan niyang tinulak palayo ang binata saka bumangon mula sa pagkakahiga. "Because I don't see any valid reason to your explanation for you to deserve another chance." At tumayo na siya saka sinubukang maglakad palayo kahit pa wala siyang makita.
Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa makita niya na ang daan pabalik sa resthouse ni North kaya binilisan niya ang paglalakad saka dumiretso sa kuwarto niya at agad na inimpake ang mga gamit niya. Napag-isipan niyang umalis sa kasunod na araw dahil sa tingin niya ay hindi na sila dapat pang magkita ng binata matapos ang naging pag-uusap nila sa kubong iyon.
Matapos mag-impake ay nagulat siya nang makita si Clea sa pinto ng kuwarto niya.
"Aalis ka?" tanong nito nang makita ang mga gamit niyang nakaimpake. "Alam ba ni Keiran ang pag-alis mo? Nasaan pala siya?" Sunod-sunod pang tanong nito habang umiikot ang paningin nito na mukhang hinahanap ang binata.
"Aalis ako bukas ng umaga. Ikaw na ang bahala kay Keiran," saad niya sa kaharap na dalaga na ikinakunot ng noo nito.
"Kung ibilin mo siya ay parang hindi lang kayo basta mag-business partner, ah," saad nito habang ang mga mata nito ay tila nanunuri habang nakatingin sa kaniya. "Umamin ka nga, may namamagitan ba sa inyo ni Keiran?"
Nakagat niya ang sariling labi at umiling saka nilagpasan ang dalaga. Dumiretso siya sa kusina para kumain ngunit sinundan siya nito.
"Kung wala, bakit gano'n na lang ang paghahanap sa 'yo ni Keiran nang bigla kang umalis?" usisa pa nito kaya hinarap niya na ito.
"Nakakatanggap ako ng death threats at may bumaril sa opisina ko kaya gano'n na lang ang paghahanap sa akin ni Keiran dahil nakita niya mismo ang pangyayari, happy?" paliwanag niya rito saka kumain ng mga nakuha niyang pagkain.
"Kung may gustong pumatay sa 'yo, bakit ka aalis?" tanong pa nito at naiinis na napabuntong-hininga siya.
"It's none of your business," naiinis na turan niya at iniwan ito saka siya umakyat sa kuwarto niya. Sinigurado niyang naka-lock ang pinto at doon na lang siya kumain.
Lumipas pa ang ilang oras at napagdesisyunan niya nang umalis kayad dahan-dahan niyang binuhat ang mga gamit niya at dali-daling bumaba saka nagmamadaling lumabas.
BINABASA MO ANG
BREAKING BOUNDARIES
RomanceNEWS SERIES: BREAKING BOUNDARIES. Si Keiran Viel Cerverano o madalas tawagin sa pangalang North ay isang binatang kilala sa pagiging bodyguard dahil sa galing nya sa martial arts na siyang ginagamit sa nasabing trabaho. Naniniwala rin siya na hiwala...