Chapter 1 First Day of Classes

189 6 1
                                    


Sophie's P.O.V

"Sophie anak! Bumaba ka na dyan! Nandito na si Erin!" Sigaw ni mama sakin. Oo na ako na mabagal. Pero kasi ang aga aga pa! Si Erin naman kasi eh masyadong excited. Well ako din naman kasi first day of classes at Third year high school na kami sa Kingston High. Sana madaming transferees na wafuuuu. Mwahahaha!

"Opo ma! Bababa na po!" Dali dali kong kinuha ang backpack kong isang notebook at ballpen lang ang laman. First day naman walang gagawin.

"Hi Erin!!!! Miss me??" Sigaw ko pagkababa ko. Niyakap ko si Erin. Namiss ko tong bruhang to! Nagbakasyon kasi sila ng family niya sa Korea, at ngayon ko lang uli sya nakita mula nung makauwi sila.

"Ewwww! Ikaw mamimiss ko? Eh puro selfies mo nasa newsfeed ko eh! Sige na bilisan mo na. Turtle ever!" Sus itong si Erin kunwari pang di ako namiss. Hahaha. Kinuha ko na ang baon ko kay mama. Syempre di ko yun makakalimutan.

"Tita Celine gorabels na kami!"
"Babye ma! Pasok na po kami ni Erin." Nagpaalam muna kami bago umalis. Lalakadin na lang namin ni Erin malapit lang naman ang school dito sa bahay namin eh, tatlong kanto lang. Yung bahay naman nina Erin dalawang kanto ang layo mula sa amin kaya tuwing papasok kami dinadaanan nya ko sa amin para sabay na kami.
"Sige mga anak ingat kayo!" Sigaw ni mama. Naks may pawave-wave pang nalalaman! Hahaha.

Ako si Sophia Coreen Madrigal. 15 years old at nag iisang anak ng magulang ko syempre. Si Papa maagang kinuha ni Lord. Bumagsak kasi yung eroplanong sinasakyan niya noong 2 years old pa lang ako. Kaya si mama Celine at si yaya Anna na lang ang nagpalaki sa akin. Umuwi si Yaya sa probinsya niya kasi may sakit ang tatay niya. Siguro next week pa uwi nun sa amin. Si Erin Felicity Martinez naman ang conyong bestfriend ko since kinder. Kapatid na ang turing ko sa kanya since wala naman akong kapatid. At pinsan niya ang ultimate crush/imaginary boyfriend kong si Eros Andrei Martinez. Buti na lang talaga at hindi niya dinadaldal yun kay Eros. Kasi pag nagkataon, puputulan ko sya ng dila! Dejuk lang! Hehe.

Nakarating na kami ng school ni Erin and as usual, pinagtitinginan na naman kami. Este si Erin lang pala. Ang ganda ganda niya kasi e at sikat pa. Siya lang naman ang vocalist ng Kingston band at Vice President ng Student Council. Pero kahit ang taas taas ng tingin ng iba kay Erin, hindi niya ako iniiwan. Panis!

Pumunta kaming bulletin board para tingnan kung saang section kami ni Erin. At yun nakita ko din naman agad. Section 1 pa din kami

"Bes magkaklase pa din tayo oh." Sabi ko sa kanya. "Oo nga buti na lang." Napatingin ako sa likod at para bang nagslow motion ang lahat. Yung tipong siya lang ang nakikita mo at para bang naglaho ang mga taong nakapaligid sa amin. Ang gwapo gwapo pa din niya. Shet! Walang kupas! Magpinsan nga sila ni Erin. Ang ganda ng singkit nyang mga mata tsaka ng mababaha niyang pilik mata. Rosy cheeks pa at ang tangos ng ilong. Ang ganda at ang puti ng ngipin. Syempre walang tatalo sa oh so kissable lips nya. Ang tangkad at ang bango bango!!.....
"Miss nakaharang ka. Patingin nung list." Natigil ako sa pagpapantasya sa kanya ng punahin nya ako. Shet parang nag init ang mukha ko! Tengene Sophie nakakahiya ka! "Ah..e....s-sorry." Yun na lang ang nasabi ko at umalis ako sa harapan nya. Nakita ko namang natatawa si Erin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Section 1." Yun ang narinig ko kay Eros at para bang nag twinkle twinkle ang mga mata ko!

Section 1! Ibig sabihin kaklase ko sya!


Hinila ko si Erin sa CR. Nilock ko ang pinto at doon ako nagtitili. Oh my God!!!!!! Kaklase ko syaaaaaa!!!! I can't believe this!!!! I'm dying!!!!! "Para kang tanga!" Sabi ni Erin na tawa ng tawang nakatingin sa akin. Putris to! Di man lang ako suportahan! "Erin kaklase natin syaaa!!!!" Tili pa din ako ng tili habang iniisip yung mga nangyari kanina. Nakakahiya pero okay na din yun atleast kinausap niya ako diba? Kyaaaaaaaa!! "O sya tara na sa classroom! Mamaya malate pa tayo e. Kiri ka! Pero bes wag kang madidistruct ha! Alalahanin mo yung ranking mo sa honor. Baka mamaya sa kakapantasya mo sa pinsan ko e mapabayaan mo na ang pag aaral mo niyan!." Hmmmn. Minsan may kwenta din tong si Erin e.

Nagpunta na kaming classroom at sakto dalawang upuan na lang ang vacant.

Dalawang upuan sa likod

Dalawang upuan na katabi ng upuan ni Eros.

Biglang umupo si Erin one sit apart from Eros' sit. At ako? No choice. Dun ako umupo sa tabi ni Eros. Tiningnan ko si Erin ng *papatayin-kita-mamaya-humanda-ka* look at ginantihan naman niya ako ng *peacea-tayo-hayaan-mo-na-gusto-mo-naman* look.

Dumating na ang teacher namin. "Good morning class. I'm Mrs. Perez and I will be your adviser for the whole year."

"Good morning Maam!"
Masiglang bati namin. Naalala ko tong teacher na to. Math teacher namin sya last year at mabait sya. Siguro nasa early 40s na sya pero baby face pa din. Ang cute cute ni maam parang ako. Hihi. Juklang!

"Okay class. Its time for you to introduce yourselves. Magsimula tayo sa last row."

Agad tumayo si Eros. Lahat ng mata ng mga babae kong kaklase sa kanya nakatingin. Ang sarap dukutin e! Ako lang dapat tumitingin sa kanya e! Ako lang! Ayyy selfish much! Haha.

"Eros Andrei Martinez. Kingston band's lead guitarist."
"Kyaaaaaaah!" Sabay sabay na tilian ng mga talandi kong kaklase. "Class enough. Next hija?"
"Ahmmm. Sophia Coreen Madrigal po." Yun lang. Wala naman akong talent o anything na interesting sakin e. Umupo na ako. "Erin Felicity Martinez. Student Council's VP and Kingston band's Vocalist." Pakilala ni Erin.

Yung iba kong kaklase nagpakilala na rin. Haaaayy inaantok na ako. Buti mabilis natapos ang oras. Nag ring na ang bell.

Ang bilis. Lunch na agad! Haha. Wala e lutang ako.

Hinila ako ni Erin papuntang cafeteria para kumain.
"Erin pasabay!" Eh? Seriously! Si Eros sasabay sa amin? Nak ng............m

"Ah e. Sophie ayos lang ba sayo?" Whuuuuuuut???? No!!!! Malakas akong kumain baka mamaya maturn off si Eros sa akin! Mygaaaahd!

"Ha?. .ahmm. Oo naman! Pwedeng pwede!" Wala na. Pumayag na ako. Pandilatan ba naman ako ni Erin. Tssk! Pero okay na din to. Hindi lang tiyan ko ang mabubusog. Pati na din mata ko. Yay!

Cafeteria.....

Maayos naman kaming nakakaing tatlo. Hay ewan ko ba. Kinakabahan ako pero hindi dapat ako magpahalata. Ayos din pala tong si Eros e. May sense of humor. Kalog din tulad namin ni bespren. Masarap siyang kasama infairness. Ang dami niyang kwento. Hay ang gwapo gwapo talaga niya lalo na kapag tumatawa sya. Lalo tuloy akong nafafall.................

"Teka Sophie." Di ko namalayan. Pinupunasan na pala ni Eros yung dumi sa gilid ng labi ko. Shet na malagket!!!! Putapete kinikilig akoooo!!! Siniko ako ni Erin at tuluyan na akong nabalik sa reyalidad. "Ah. Thank you Eros." Pakiramdam ko pulang pula ako. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko. Yung tipong lalabas na siya ng ribcage! Oo ganun! Hyperbole haha!

Natapos na ang lahat ng subjects namin. Nag aya ng umuwi si Erin. Sasabay din daw uli si Eros. Oo nga pala. Magkapit bahay lang sila.

Hindi na naman mapakali tong puso ko. Ang bilis bilis ng tibok. Hanggang makarating kami sa gate ng bahay namin. Parang ang bilis ng oras pag kasama ko sya. Bakit ganun? Nakakalungkot. Haaaayy. Di bale magkaklase naman kami. Magkikita naman kami araw araw.
"Bye. Erin. Bye Eros. Ingat kayo." Paalam ko sa kanila bago pumasok ng gate.
"Bye bes!."
"Bye Sophie. See you tomorrow." Sabi ni Eros sa akin.

Pumasok na ako sa bahay at naghapunan. "Kumusta ang first day mo anak?" Sabi ni mama sa akin habang kumakain kami.
"Okay naman ma." Sagot ko na lang pero sa totoo, sobrang daming nangyari.

Hindi ko akalain na magiging kaklase ko sya.


Hindi ko akalain na magkakasama kami.

A/N:
Yieeeee! Sabog confetti! ^___^
Lablab!

Nagrurugby,
Airisha_

The Battle for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon