What You Saw Is True
Andrexa's POV
Lahat ay nagulantang sa rebelasyon na isiniwalat ng mga magulang ni Mellea. Na maging ako ay hindi rin makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ko man lang naisip na si Mellea at Ianna ay iisa. Hindi man lang ito naramdaman ng aking kapangyarihan nang minsan ko s'yang nalapitan. Kaya naman nakakapagtaka kung paano nangyari ang lahat. At lahat kami ay hindi ito nalaman.
Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi tignan si Cleyton sa kanyang magiging reaksyon. Ngunit ang mga kilos at pagsasalita nya tungkol kay Mellea ay lubhang nagbigay ng matinding pananakit sa akin dibdib. Sobrang sakit. Sobrang sakit na kahit kahalating demonyo ang babaeng 'yon ay mahal na mahal nya pa rin ito.
Nais nang tumulo ng mga luha ko ng sabihin nyang babalik sya at hihingin ang basbas ng reyna para sa kanilang dalawa. Ngunit, pinigilan ko ito, hindi ako dapat magpakita ng kahinaan dahil alam kong sa huli hindi rin magtatagal ay mawawala din ang babaeng yun sa buhay nya.
Hindi ko hahayaan ng makuha nya na lamang basta si Cleyton sa akin ng babaeng yun. Isa syang halimaw na may dugong demonyo kaya naman hindi sya karapat-dapat na mapunta kay Cleyton. Sa aming dalawa ako ang karapat-dapat na umangkin sa puso ni Cleyton. Ako lang.
"Ako lang, Cleyton. Magiging akin ka rin." mahinang bulong ko habang seryosong pinagmamasdan sila.
Hindi ako titigil sa paghahanap ng paraan kung paano ko maaagaw si Cleyton sa kanya. Nagawa ko na 'to dati kaya magagawa kong muli ito.
Nang matapos sila sa kanilang pag-uusap ay pumasok na rin kami sa lagusan. At kanya-kanya kami napunta sa iba't-ibang panig ng mundo. Alam kong magiging mahirap ang gagawin ko, ngunit hindi na ito ang magiging misyon ko. Kailangang matuntun ko si Mellea at magawa ang aking binabalak.
Hindi ko hahayaang magkita silang dalawa.
"Nasaan tayo?" dinig kong tanong ng isa kong kasamahan.
"Hali na kayo!" sabi ko na lang. Sumunod naman sila sa akin at nagsimula na kaming maglakad at magsiyasat.
Sa aking pagkakaalam ay bago sa aking paningin ang mga lugar na ito. Hindi pa namin narating ang bayan na ito kung kaya't naninibago ako sa paligid. Pinagtitinginan kami ng lahat dahil sa aming kasuotan. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang sila makatingin sa amin.
Ang alam ko lamang ay dahil sa mga suot namin. Kinompara ko ang kasuotan nila sa kasuotan namin, malaki ngang ang pinagkaiba. Marahil ay nasa malayong lugar sila at may sarili silang kultura dito. Ang isang kinatuwa ko sa lugar na ito ay ang pagkahilig nila sa mahika.
Nagkalat kasi sa kalye ang iba't-ibang mga baraha, kandila, at mga kagamitan sa paggawa ng mahika at may napansin kong gumagamit ng itim na mahika. Isang matandang babae ang tumitig sa akin kaya naman ay mabilis ko syang nilapitan.
Nang makalapit ako at agad syang tumakbo kaya naman hinabol namin sya. Marahil ay isa syang kalaban. Nagtakbuhan kami at nagkagulo na sa bayang ito dahil sa amin. Nawawala-wala ang matandang iyon at napaka-bilis nyang tumakbo kahit na kita na sa kanya ang katandaan.
Lumihis ng daan ang iba kong mga kasama para salubungin sa kabilang daan ang matanda. At ako naman ay ginamit ko ang aking kapangyarihan para mauli sya. Ngunit tumatagos lamang sa katawan nya ang kapangyarihan ko.
"Tumigil ka!" sigaw ko sa matanda at mas lalo pa itong bumilis sa pagtakbo.
Lumutang na ito sa hangin at sinundan ko naman sya sa kanyang ginagawa. Nagpatintero kami sa hangin hanggang sa maabutan sya ng isa kong kasama at agad syang inatake nito.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...