Chapter 67

10 1 0
                                    

I Will Save You


Prince's POV

Nang makarating kami sa isang nayon ay agad kaming nagtanong-tanong kung may napansin ba silang grupo ng mga Pure Blood na dumaan sa lugar na ito. Ngunit, lahat sila ay walang alam sa totoong kinaroroonan nila. Hindi kami nawalan ng pag-asa at patuloy pa rin kami sa paghahanap.

Mas mapapabilis sana ang paghahanap namin sa kanila kung nagagamit ko lamang ang kapangyarihan ko. Nawa'y bumilis na ang paggaling ko upang manumbalik na ang aking kapangyarihan. Lubos na nawala ang kakayahan ko nung gamitin ko ang buong enerhiya ko kay Treyvor, may kung ano sa aking katawan na nasira kaya hindi na ito gumagana pa.

Sa oras na bumalik ang aking kapangyarihan ay agad kong hahanapin si Mellea gamit ito. Wala kaming ibang paraan kundi ang magtanong-tanong dahil wala ni isa sa mga kasama ko ang may ganoong kapangyarihan.

Patuloy lang kami sa pag-iisip ng mga lugar na pwede nilang madaan. Naglalakad kami palabas ng nayon na ito ay maglalakbay muli palabas. Isang malawak na disyerto ang aming haharapin kaya naman ay nagbaon kami ng napakaraming tubig.

"Prince Cleyton, paano po natin malalaman kung nasaan naroon si Mellea?" tanong ng isa kong mga kasama.

Napasinghap ako dahil kahit ako ay wala ding maisagot, lumabas kami ng kaharian na ang baon lamang ay ang impormasyon ng pagkatao nya at hindi nang tungkol sa kanyang kinaroroonan. Ngunit hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na hindi ko alam dahil naniniwala ako kay Bathala na magbibigay sya ng ideya at kaalaman sa aming lahat.

"Wag kayong mag-alala, makikita natin sya sa pangalan ni Bathala." sabi ko sa kanilang lahat. Hindi na ako direktang sumagot sa kanya at sa halip ay sumagot ako para sa karamihan. Ayoko na mawalan sila ng pag-asa dahil lang sa hindi ko alam kung nasaan si Mellea.

Gumagabi na ng mga oras na ito. Nagpahinga muna kami sa gitna ng disyerto at doon ay nag-isip ako kung saan kami dapat na magsimula. Nakatulala sa apoy habang hawak-hawak ko ang isang maliit na baliso.

Pinagmamasdan ko ang aking sarili sa repleksyon ng talim nito. Saan nga ba ako magsisimulang maghanap? Saan maaaring itapon ng lagusan sila Mellea nung mga panahon na nagkakagulo na sa kaharian. Napahinga ako ng malalim at saka tumingala sa kalangitan. Imbis na maging masaya ako dahil sa liwanag na binibigay ng mga bituin ay hindi ko magawa dahil sa lubos na pag-aalala sa kanya.

"Saan ka na ba Mellea?"

Ilang minuto din akong nakatingala sa kalangitan at nagdarasal kay Bathala na ipakita nya sa akin kung saan ako magsisimula. At hindi naman ako nabigo dahil isang malaking bulalakaw ang bumagsak sa direksyon papuntang hilaga. Doon ay nagkaroon ako ng ideya na baka naroon sila.

Agad akong napatayo para tawagin ang aking mga kasama ngunit isang matalim na espada ang agad tumambad sa harapan ko. Isang mandirigmang babae ang nasa harapan ko ngayon at pilit na nagtatalo ang mga tingin namin. Tinignan nya ako mula paa hanggang dulo at saka umikot sa gilid ko.

"Maganda ang iyong kasuotan, tingin ko'y isa kang Prinsipe." saad nito.

"Malaki ang kikitain ko pag nagawa kong ibenta yan." dugtong nya pa.

Sa pagkakaalam ko, mga magnanakaw sila ng nayon na ito.

"Ibigay mo sa aking yang espada ay maayos kayong makaaalisng mga kasama mo." utos nya sa akin ngunit hindi ko iyong gagawin. Mahalaga sa akin ang espadang ito kaya hindi ko iyon ibibigay basta-basta lalo pa't sa isang magananakaw.

"Bakit hindi na lamang itong baliso ko ang kunin nyo?" nakangising tanong ko.

"Niloloko mo ba ako? Aanhin ko ang kapirasong balisong na yan. Ni-kahit iwan mo yan dito walang magnanais nyan." sagot nya at napailing naman ako.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon