Chapter 68

15 2 2
                                    

I Found You

Andrexa's POV

Hindi ako dapat magpakita ng kahinaan at takot sa matandang to. Dahil pag ganun, malalaman nya kung paano ako wasakin. Ngunit, ang mga sinabi nya ay nagbigay ng malaking katanungan sa akin tungkol sa aking pagkatao. Aalamin ko ba iyon o hahayaan ko na lamang? Ngunit, nais kung malaman ang sasabihin nya pero paano kung nililinlang nya lamang ako.

"Kita ko sayong mga mata ang matinding takot hija," aniya.

"Manahimik ka!" sigaw ko. Ikinagulat ito ng mga kasama ko. At sa hindi ko maintindihang pangyayari ay bigla ko na lamang naitaas ang kamay ko para paslangin.

Nagtataka ko, kahit pilit ko itong pinipigilan ay hindi ko magawa.

"Prinsesa Andrexa, ano pong gagawin nyo?" tanong nila ng makitang namumuo na ang enerhiya ko sa aking kamay para ipatama sa matandang ito.

"Hindi ako!" naisambit ko na lang habang pinipigilan ko ang sarili na tamaan sya.

"Anong ibig mong sabihin?!" natatakot nilang tanong.

Napatingin ako sa matandang ito at tila hindi sya nagulat sa nangyayari. Hindi sya natatakot na tamaan ng kapangyarihan ko. Tila ba inaasahan na nya ang bagay na ito.

"Nagsimula na," nakangising sabi nya "Malalaman mo na kung sino ka talaga!" muling sabi nya.

"Ano ba talagang tinutukoy mo...ah..bakit di mo pa sabihin ang totoo?!" sigaw ko sa kanya.

"Kayo ni Ianna ay kapwa parehas ng minamahal at kapwa din biktima ng kasamaan. Kapwa nyo sasaktan ang inyong kaisa-isang mahal nyo na si Prince Cleyton," panimula nya.

"hindi nagbibiro ang tadhana, dahil ito talaga ang inyong kapalaran at kahit talikuran at kalimutan nyo kung sino kayo ay lalabas pa rin ang totoo. Kagaya ng iyong ina ay biktima ka rin ng kasamaan at kasakiman ni Treyvor. Habang hindi pa huli ang lahat, iligtas mo ang iyong ina at sarili sa kamay ng iyong Amang si Treyvor." pagtatapos nya.

Hindi na ako nakapagsalita pa, kusa na lamang tumulo ang aking mga luha. Noon pa man ay may kutob na ako na Ama ko si Treyvor dahil noong nakulong kami sa kanyang kaharian ay may kakaiba akong naramdaman. May mga alaala din na biglang pumasok sa aking isipan ngunit hindi ko yun binigyan ng pansin.

Hindi ko kayang tanggapin na ama ko si Treyvor, ang taong dahilan ng lahat ng nangyayaring kaguluhan na ito. Mas lalong hindi ko kayang tanggapin na ako ang magiging dahilan para mapahamak at masaktan si Prince.Hindi yun kakayanin ng puso.

Kaya naman namuo ang galit sa aking puso. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at inatake ko na ang matandang 'to. Wala dapat makaalam kung sino ako. Dahil pag nangyari iyon, mas lalong kakamuhian ako ni Prince at wala nang pag-asa pa na magustuhan nya ako.

"Ahh!" Malakas na atake ang ginawa ko kaya tumalsik sa pader ang matanda. Nawasak ang upuan at napasalampak sya sa sahig.

"Andrexa! Anong ginagawa mo?!" sambit nila na may halong takot sa kanilang mga mata.

Ngayong kinatatakot na nila ako. Nakalimutan kong narinig pala nila ang mga sinabi ng matandang to sa akin. Kaya hindi ako nagdalawang-isip at inatake ko rin sila. Sa isang hampas ko sa aking espada ay tumalsik sila.

Napangiwi ang ilan sa kanila, ngunit hindi ko yun ininda.

Ang mga kagaya nila ay kailangan mawala para walang lumabas na salita kung sino ako at ang pagkatao ko.

"Argh! Hindi ito tama Andrexa," nanghihinang saad nya habang iniinda ang natamong sugat sa tagiliran at umaagos ang dugo sa kanyang bibig.

Samantalang ang ibang mga kasama ko ay wala ng mga buhay.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon