Chapter 1.
Her POV
Nakaupo ako sa isang bench malapit sa mini park sa lugar namin nang may mapansin akong isang lalaki na nakatingin sa akin . Dito din siya nakatira sa lugar . Nakikita ko kasi siya lagi kaya alam ko .
"Ano bang problema mo kuya ? Bat ka ba nakatingin ? ." - tanong ko sa kanya . Yung tingin kase niya parang gusto niya kong pagtawanan .
"Pfft.. Ampangit mo kasing umiyak. Hahaha !" - at hindi na niya napigilan ang sarili sa pag tawa .
Huli na nung maalala kong kanina nga pala umiiyak ako . (-__-)
"Ano namang pakialam mo ha ?!"- sigaw ko sa kanya .
"Hahaha . Kahit galit pangit pa din."- pang aasar niya saka siya umalis .
Grrrr... Nakakainis !. Inirapan ko nalang .
Wala talagang mabuting naidudulot sa akin ang pakikipag usap sa mga lalaki eh . Kase nga parepareho sila.
His POV
Sisipol sipol akong naglalakad sa mini park nang mapansin kong nakatingin sa cellphone niya ang long time crush ko na umiiyak .Si Gabrielle Raine.
Aba teka..
Huminto ako sa isang bench malapit sa kanya at naupo . Pinag masdan ko lang siya hanggang matapos siyang umiyak.
Ang ganda niya pero umiiyak siya . Ang swerte naman ng lalaking iniiyakan niya ! . ay este . G*go pala yung nag paiyak sa kanya eh .Nako pag nakita ko yun . tsk!
Habang iniisip ko iyon ay nagulat nalang ako ng makita ko siya na nakatingin na din sa akin.
N apako lang ang titig ko sa kanya .
Poota !. Anung sasabihin ko pag nagtanong siya kung bat ako nakatingin? .
"Ano bang problema mo kuya ? Bat ka ba nakatingin ? ." - tanong niya . Sabi ko na nga ba magtatanong siya eh huhuhu. Anung sasabihin ko? Natatawang kinakabahan tuloy ako ... ah . eh.. hmmm
"Pfft.. Ampangit mo kasing umiyak. Hahaha !"- iyan nalang nasabi ko . Hehehe
Siguro naman pag inasar ko siya hindi niya mapapansin na may gusto ako sa kanya dati pa hehe.
"Ano namang pakialam mo ha ?!"- sigaw niya . Hala ang sungit naman . Napagalit ko yata .
Ang cute niyang magalit hehe.
"Hahaha . Kahit galit pangit pa din."- pang aasar ko saka ako umalis .
BINABASA MO ANG
Love Me Like You Do (one sided love)
RomanceYou can meet someone whom you can be with easily but love unpredictably.