Lead 3

15 2 0
                                    

"Bye, ingat Kim!"

"Ingat din kayo!" Nag-wave ako sa mga classmate ko at lumabas na ng room.



Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Migs. Ow, shiz. One bar na lang yung batt ko. Sana umabot!

Nilagay ko yung phone ko sa tenga ko. Nagriring naman yung phone niya pero di nya pa sinasagot.



"Kim.."



Napalingon ako sa nagsalita.



"Kim, anak..."



Nabigla ako sandali pero napalitan din agad ng galit.



"Oh. Buhay ka pa pala?" I know I sound rude to my Mother. But let's exchange shoes, let's see if you can stay polite to this person after what she did to me.

"Anak, I'm sorry.."

"Sorry?" I smirked. "Nagpunta ka dito para lang magsorry? Okay! Forgiven. Now, can you leave me alone?" I said sarcastically and walked past to her.

"Alam kong nagkamali ako sayo, anak. Iniwan kita sa Lola mo ng walang paalam. Alam ko rin na wala na dapat akong mukhang ihaharap sayo ngayon pero--"

"Pero ano? Alam mo naman palang wala ka ng mukhang ihaharap sakin, bakit tinuloy mo pa? Pwede ba? Bumalik ka na lang sa pamilya mo baka sakaling matuwa pa ako sayo!"

"Ang tagal kitang hinanap, anak! Akala mo ba hindi ko sinubukang hanapin ka at bumalik sa inyo?"

"Naririnig mo ba sarili mo? Ay, baka nga pala kasi nakalimutan mo na, na hindi ka na nagpapadala noon kay Lola kaya napalayas lang naman kami sa inuupahan naming bahay. Gusto mo ba ikwento ko sayo lahat dito? Gusto mo ba ikwento ko kung paano ako binuhay ng Lola ko mag-isa? Kung paano nya ako iginapang, habang ikaw masaya sa sarili mong pamilya doon sa Canada?!"

"Anak, I'm sorry--"

"Wag mo akong matawag-tawag na anak, pwede ba?! Dahil ako, tanggap ko na na wala akong magulang noong iniwan mo ako kay Lola! Sana di ka na lang bumalik dito! Sana hindi ka na nagpakita sakin dahil kinasusuklaman kong makita ka!!!"



Hindi na sya nakapagsalita at iyak lang sya ng iyak sa mga sinabi ko. Tigilan nya ako sa mga kadramahan nya dahil kulang pa yan. Lumapit ako sa kanya at tinitigan sya mata sa mata.



"Masakit? Yang nararamdaman mo ngayon, kulang pa yan sa mga taon na kinailangan kita pero wala ka. Wala pa yan sa kuko ng kalingkingan kumpara sa mga pinaramdam mong sakit samin ni Lola! Kaya please, tantanan mo ako, tantanan mo kami ng Lola ko," After I said those words into that woman's face, I walked out.



Nagbu-blurr ang paningin ko dahil sa pesteng luha na to. Hindi naman nya deserve ang iyakan! Siguro pag patay na sya, pwede.

Napatigil ako sa paglalakad nung matanaw ko si Migs sa di kalayuan. Nakatingin sya sakin habang hawak nya yung phone nya.

Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan yung phone ko. Shit, naka ongoing yung call! Dali-dali kong pinindot yung end button at tumakbo palayo.



"Kim!"



Hindi ko sya pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo.



"Kim, sandali!" Napahinto ako nung biglang may humawak sa wrist ko.

"Migs, mauna ka ng umuwi. May pupuntahan lang ako," Kinukuha ko yung kamay ko sa kanya pero hindi nya binibitawan.

"Saan ka pupunta?"

"Pwede ba, umuwi ka na muna please?!"



He took a deep sigh and pulled me closer.

I feel stiffed. Hindi ko ineexpect na yayakapin nya ako pagkatapos ko syang sigawan.



Lead Me Not To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon