Everything I Didn't Say

1.7K 46 2
                                    

Den's POV

First year Highschool tayo nung una kitang makilala. Naging katabi kita nun kasi random yung seating arangement natin sa room.

Dun ko lang nalaman na sikat ka pala. Ace player ka pala ng Women's Basketball Team natin sa school.

Alyssa Caymo Valdez

Halos lahat ng tao sa school, mapa student, teacher, o guard ay kilala yang pangalan na yan. Ang bait mo. Ang galang mo din sa mga matatanda, di ka nawawalan ng 'po' at 'opo'. Napaka down to earth mo din. Ang saya mo kasama. Matalino at gwapa ka din. Kaya di na ko nag tataka kung bakit maraming humahanga sayo.

Malapit na matapos ang school year nun. Mas lalo tayo naging close. Nasa iisang bakarda lang din tayo nun. Mommy pa nga tawag mo saken nun eh. Nakikipag talo ka kasi sa isa pa nating kaibigan nun.

Flashback

Kim: "Ano ba yan Ly! ang panget ng drawing mo! daig ka pa ng grade 2 eh!"

Alyssa: "ang sama mo kim! Isusumbong kita!"

Kim: "at kanino naman ha? Para kang bata Ly!"

Alyssa: "ka-kay Mommy Den!"

Bigla kang humarap saken. At nag sumbong na parang bata. Pinakita mo pa nga saken yung drawing mo na hindi ko maintindihan kung ano. Natawa ako ng bahagya. Hindi dahil sa panget ang drawing mo, kundi dahil ang cute mo habang nag susumbong ka saken.

Kim: "HAHAHA pati yang mommy kuno mo pinag tatawanan ka!"

Alyssa: "Pati ba naman ikaw mommy pag tatawanan ako?"

Ang lungkot mo tignan nun sobra. Di ko alam pero pati ako nalungkot at parang ilang beses akong sinaksak sa dibdib nung nakita kitang ganun. Kaya naman..

Dennise: "oi kim! Manahimik ka nga diyan! Wag mong pagtawanan tong baby Ly ko! Sapakin kita eh!"

Tumahimik agad si Kim. Takot saken yan eh. Actually lahat sila takot saken lalo na pag nag taray na ko.

Alyssa: "Yey! Thank you Mommy Den!"

After mo sabihin yun humarap ka kay Kim at binelatan siya. Akmang hahampasin ka niya ng tignan ko siya ng masama at taasan ng kilay. Kaya imbis na hampasin ka niya tinap niya na lang ang ulo mo.

Kim: "sabi ko nga. Hehe"

Dun ko nakita ang isa pang side ng isang Alyssa Valdez. SInong mag aakala na isang katulad mo ay may pagka isip bata. Pero sweet ka, mahilig kang mag lambing.

Flashback Ends

Second year came. Di na tayo magka klase. Pero kahit ganun di nawala yung closeness natin. Nandiyan pa rin yung sabay tayong kakain ng lunch kasama yung barkada. Pero buti nakilala ko si Ella De Jesus. Shinare ko lahat sa kanya kahit di pa kami close, ewan ko ba, pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Hanggang sa isang araw di ka na sumasabay samin, yung iba din nating kaibigan hindi sumasabay. May kanya kanya ng group of friends. Tapos ikaw parang ewan kasi kinakalabit mo ko tapos tatakbo ka palayo. Baliw lang eh.

Malapit na naman matapos yung school year. Ibig sabihin malapit na tayo mag 3rd year. January nun, uwian na bigla kang lumapit saken at hinila ako palabas ng school.

Flashback

Dennise: "ano ba Ly! Saan ba tayo pupunta?!"

Dennise: "Ly! Nasasaktan ako! Kailangan ko na umuwi!"

Hindi mo ko pinapansin. Tuloy tuloy ka lang sa pag kaladkad saken. Hanggang sa makarating tayo nun sa isang park. Malapit na mag gabi kaya walang gaanong tao nun.

What I've DoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon