01

27 1 0
                                    


"Naya, kamusta na sinusulat mo? Kanina ka pang tulala d'yan, ah."


Napatingin ako kay Clara na bigla akong tinawag. Nakatayo siya sa tapat ng pinto ng kwarto ko habang nakasandal ang balikat sa gilid ng pinto. Nakatingin siya sa laptop ko na nasa harapan ko kaya napatingin din ako.


Chapter 01.

"


Next month na ang deadline netong sinusulat ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naiisip na mailaman dito. Napakamot ako sa ulo ko at napabuntong hininga na lamang. 


Bakit kasi sa lahat ng pwedeng topic ng storya ay pag-ibig pa? Wala naman akong alam dito, eh! Isa lang ang naging boyfriend ko buong buhay ko at wala akong masyadong experience sa love. Paano ako makakaisip ng maisusulat ko?! 


"Ano ba kasing pwedeng isulat, Clara? Nauubusan na ako ng braincells!" Reklamo ko. 


Lumapit sa akin si Clara at tiningnan ang gawa ko. "Shet, based ba sa love story ko 'yang sinusulat mo?" tumawa siya.


Napakunot ang noo ko at tumingin sa kanya. "Ha? Anong love story mo, eh wala ka namang jowa." 


"Exactly!" 


Napairap nalang ako at binalik ang tingin sa laptop ko. Sinubukan ko naman mag-isip kung anong pwedeng love story ang masulat, eh... I thought of writing my parents' love story pero they were best friends when they got together... Masyado ng maraming story ang gan'on ang plot. Naisipan ko rin magbase sa mga kaibigan ko pero wala naman silang mga jowa kaya kanino ako kukuha ng idea?!


"Bakit kaya hindi love story niyo ni Oli ang isulat mo?" Biglaang sabi ni Clara.


Napatahimik ako nang marinig ko muli ang pangalan na 'yon. It's been years since I last heard that name. 7 years na ba? Or 8? Ewan, hindi ko na nabilang.


"Bakit naman love story namin? Eh, hindi naman happy ending 'yon." Sabi ko. 


After my relationship with Oliver, I promised myself that it would be the last one. Ayaw ko na magmahal... Sakit lang madudulot n'on sa'kin. Sa una lang ang saya... I mean, palagi naman. 


"Sinabi ba na kailangan happy ending?" tanong niya.


Umiling ako. "Hindi,"


"Oh, ayon naman pala, eh! Maganda naman love story niyo, eh. Unique!" Sabi niya pa. "Oh, sige na... Bukas mo na ulit ituloy 'yang storya na 'yan. May isang buwan ka pa." Ibinaba niya ang laptop ko bago siya umalis ng kwarto ko. 


Buong gabi akong hindi nakatulog kakaisip kung storya nalang kaya namin ang isulat ko? Pero ang tagal na kasi noong nagsimula kami, eh... Senior high pa kami n'on! Siguradong wala na akong masyadong matatandaan.


Kinabukasan ay laptop kaagad ang kaharap ko. Pero katulad ng nangyayari, wala pa rin akong maisip na maisulat. Malapit ko na talagang ibato 'tong laptop ko, eh... Baka sakaling magkalaman bigla. 

Going Back To YesterdayWhere stories live. Discover now