Sophie's POV
Nandito kami ngayon sa classroom. Election daw ng officers e. As if namang may boboto sa akin di ba? I'm a nobody. Walang nakakapansin sa akin maliban kina Erin at Eros.
Si Erin ang Vice President ng student council kaya hindi na sya pwedeng maelect sa kahit anong posisyon. Tinutulungan niya ngayon si Mrs. Perez sa election ng officers namin.
"The table is now open for the nomination for President."
Nagtataasan ng kamay ang mga kaklase ko. Ako? Boboto na lang ako sa karapat dapat.
Si Jethro ang nanalo bilang president. Sabagay, nasa kanya yung sense of leadership at matalino din siya. Nakapagbotohan na ng iba pang officers at muse and escort na lang ang pagpipilian.
"By the way class. Kung sino man ang ating muse and escort ay siyang lalaban sa Campus King and Queen sa foundation day ng ating school. We still have a month to prepare kaya choose the best okay?" Sabi ni Maam sa amin. Tiyak naman na si Eros na ang mananalo. He's close to perfection! Hay! Ang swerte naman ng Muse. Lagi silang magkakasama.
Sina Eros, Steve at Nathan ang pinagpilian sa Escort. Pinarampa muna sila sa gitna para tingnan kung paano sila lumakad. Walang sinabi yung dalawa kay Eros! Nakalimutan ko, model nga pala sya ng isang sikat na clothing line kaya kahit bata pa siya ay sikat na sikat na siya at mayaman pa! Shems! Well, syempre si Eros ang nanalo.
Sa muse naman nakita kong nasa unahan na sina Sam, Tricia at Courtney. Ang gaganda nila pati ang sesexy pa. Wala akong panama. Bagay na bagay sila kay Eros. Kahit naman may mag nominate sa akin hindi din naman ako mananalo e.
Nakita ko si Erin na sasabihin na dapat yung pangalan ko kay Mrs. Perez pero pinigilan ko siya. Ayoko. Mapapahiya lang ako. Kaya tumango tango na lang siya.
Pinaramda din yung tatlo sa gitna. At sa huli, si Sam yung nanalo. Siya yata ang pinakamaganda dito sa section namin sunod kay Erin!
Pinapunta sa gitna sina Eros at Sam. Bagay na bagay sila. Walang wala ako kay Sam e. Ang sakit! Parang pinupunit yung puso ko. Ganito pala yung feeling. Ang OA ko na pero hindi niyo ako masisisi. Ilang taon ko na ding tinatago tong nararamdaman ko para kay Eros e.
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na ulit siya.
"Sophie okay ka lang? Namunutla ka ah. Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Tanong nya sa akin na para bang alalang alala.
"Okay lang ako Eros. Salamat." Tumango tango na lang siya habang pinisil naman ni Erin ang kamay ko na para bang sinasabing "okay lang yan."
--
"Bes tara na sa auditorium. Dun daw yung palistahan sa mga clubs e." Hila hila ako ni Erin papuntang auditorium.. "Erin hindi ko alam kung saan ako." Hindi ko naman talaga alam e. Wala naman akong talent di tulad niya na gifted. Haixt.
"Ah alam ko na! sali ka sa banda. We need one vocalist pa e. Sige na alam ko namang magaling kang kumanta e! I heard you noon sa bathroom nyo! You we're singing titanium. Kaya sige na! Sali ka na samin." Pagkukumbinsi ni Erin with beautiful eyes pa.
"Nababaliw ka na ba Erin? Ako? Vocalist? NO WAY!"
Nakita ko na naman siyang nakapout. Ang cute niya! Parang mapapa-oo tuloy ako. Ayy hindi!!!! Hindi pwede! Ayoko!
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Teen FictionNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.