Prologue
"Miss, wait!"
Sigaw ko sa babaeng hinahabol ko.
Papunta siya sa gilid ng sasakyan naming nakapark. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng pakiramdam na dapat ko siyang habulin at makilala.Sinundan ko siya sa pinuntahan niya at may nakita akong kweba sa pader sa gilid ng sasakyan naming nakapark. Di gaanong malaki o maliit ang butas nito. May mga dahon na kulay berde ang nakatabon dito.
Pinasok ko ang loob at nabigla ako sa nakita ko. Isang napakalawak at napakagandang lupain na pinalilibutan ng mga matataas at kayumangging kahoy. Sa gitna ng lupain na ito, ay may bukid na napakataas, sa dahilan ng pagkaroon nito ng waterfalls.
Malakas ang agos ang tubig nito na tumitipon sa isang lake. Malinaw at malinis ang tubig. Pinuntahan ko ito at nilagay ang aking kamay. Nakaramdam ako ng ginhawa. Tumingin ako sa paligid ng makita ko ang iba't ibang klase ng bulaklak na nakatipon sa kanya-kanyang bush.
Lalo nitong pinabango ang paligid. Sariwa at malinis ang hangin. Nahagip ng mga mata ko ang isang babaeng umuupo ng patalikod sa harap ng mga rosas.
Tinawag ko siya at nabigla siya kaya siya dumiretso at tumakbo patungo sa gubat. Hinabol ko siya pero pumunta muna ako sa inupuan niya at kumuha ng isang rosas. Habang pumapasok ako sa gubat kinukuha ko isa-isa ang mga tinik nito.
Nilibot ko ang paningin ko ng makakita ako ng isang pamilyang usa. Pinuntahan ko sila dala ang aking rosas. May isang matapang at malaking usa, siguro ito ang tatay. Isang maliit na usa na tumatago sa likod ng tatay niya, siguro ito ang kanilang anak. At mahinhin na usa, hindi gaanong malaki, hindi din gaanong maliit, siguro ito ang nanay.
Hinawakan ko sa ulo ang kanilang anak. At parang isa akong baliw na tinatanong sila kung nakita ba nila ang babae. Nagulat ako sa isang tawa na galing sa likod ko. Pagtalikod ko nakita ko ang babae. Tumatakbo ulit papalayo.
Parang may gusto siyang ipakita sa akin. Hindi ako nakaramdam ng galit, pagod, dismaya o ano pa kasi ang pakiramdam ko ngayon ay magaan. Parang noon ko pa siya kilala. Parang may pinagsamahan kami.
Hinabol ko siya ng hinabol at tinawag ng malakas pero kahit ni minsan di siya lumingon. Alam niyo ba kung ano ang istura niya? Hindi? Ako nga din. Pero ang nakikita ko lang ay ang ay kanyang kulot at mahabang buhok at maputi at makinis na balat.
Nakita ko siyang pumasok sa isang kweba na parang lagusan. Pumasok naman ako at nabigla na lang ako ng bumalik ako sa aming bahay. Nakatayo na ako sa kinatatayuan ko kanina. Tinignan ko muli ang pinasukan ko kanina ngunit bigla nalang itong nawala.
Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita kong nakatalikod ang babae sa aming pintuan. Dahan-dahan akong pumunta sakanya baka naman tumakbo ulit siya. Bigla kong hinawakan ang kaniyang balikat.
"Hindi ka na makakawala ngayon."
Narinig ko siyang tumawa ng mahinhin at unti-unti siyang gumalaw para makatingin sa akin ngunit..
"GUMISING KA NA!!"
BINABASA MO ANG
My Dream Soulmate (COMPLETED)
Short StorySoulmate a person who is perfectly suited to another in temperament. You're long last half. It's awesome to be with your soulmate. But in order to find him/her you need to have faith. But what if, one night, you'll dream about him/her? Will this be...