Maingay, masaya, tumatalon- yan ang mga reaksyon ng mga estudyanteng kaka graduate lang ng kolehiyo.
Nandito sina Yaell, Ned, Zhaira, at iba pang mga tinuturing naming kaibigan dito sa campus.
Graduation nila ngayon.
Oo, hindi ako kasama. Junior nila ko eh.
Masaya ako para sa kanila. Syempre, panibagong chapter naman ng buhay nila yun. Pero malungkot din ako. Maiiwan ako eh. Isang taon pa ako dito.
''Oh, mukhang malungkot ang baby ng barkada ah.'' pangaasar ni Yaell.
Naku, kahit kelan talaga.
''Awww, oo nga. Maiiwan ka namin dito beh.'' sabi ni Zhaira
Lahat sila, inaasar ako. Porke maiiwan daw ako. Neh.
Ito namang si Xavier, ang pinaka mapangasar sa lahat, humirit pa.
''Awww, iiwan na ni Ned si Keana. Naku, wag ka lang magloloko Ned. Baka mapaslang ka niyan ni, aray naman Keana! Biro lang! Aray! Tama na!!''
Binatukan ko siya ng ilang beses para matauhan.
Bigla naman nagsalita si Yaell. Inakbayan niya si Ned.
''Ned, wag kang mag alala. Alam ko naman magpapakabait yang si Keana dito. Diba, Keana?'' sabay kindat sakin.
''Sige, gatong pa Xaiver at Kuya Yaell. Magtago-tago na kayo at baka kung ano pa magawa ko sa inyo.'' banta ko sa kanilang dalawa.
Nanahimik lang naman si Ned. Lagi namang ganun eh. Pag inaasar kaming dalawa, ako lang magsasalita. Ewan ko ba kung bakit natatahimik yun. Baka nahihiya o sadyang naiinis kasi inaasar sakin. Di bale, di ko naman gaanong ka-close yun. Sa buong barkada, siya lang di ko talaga gaanong naka sundo. Madalang kami mag usap. Ang nerdy niya kasi. Kaya lagi siyang inaasar. Gaya ngayon.
Pero maasarap magkaroon ng mga kaiibigang gaya nila.
Pero nakakalungkot lang kasi baka huling pagsasama sama na namin to dahil nga magkakaroon na sila ng sari-sariling buhay habang ako eto, nag aaral parin sa kolehiyo.
Si Zhaira, uuwi ng probinsya. Dun ata siya magtatrabaho.
Si Yaell? Mmm, kapit bahay ko lang yan eh...
Si Xavier? Alam ko mangingibang bansa yun. Sa Canada yata.
Eh si...
Ned? Hindi ko alam. Wala namang pakielam sakin yun kaya parang hindi rin yun apektado sa pagaalis niya.
Mahirap tanggapin yung pakiramdam na maiwan 'no? Minsan nga, masakit eh. Tapos ang masaklap pa, alam mong malabo nang magkasama-sama kayo ulit.
© unromanticdamsel 2014

BINABASA MO ANG
The Silent Downfall
Chick-LitNaka graduate na ang kanyang mga kaibigan pero naiwan si Keana sa college na kanyang pinapasukan. Pero sa pagkakilala niya kay Reine at Jude, naisip niya na hindi rin pala ganoon ka lonely ang maiwan ng mga taong naging kaibigan mo. Makalipas ang il...