01-Prologue

11 1 0
                                    

© unromanticdamsel 2014

Ugh! Wala akong payong. Bakit naman kung kelan wala akong dalang payong tsaka naulan nuh? Such a cliche, right?

Naghanap ako ng pinakamalapit na pwedeng silungan. Luckily, may cafe dito na malapit.

Pumasok ako sa loob na parang basang sisiw. Gulong gulo yung buhok. Basang basa, pati yung bag ko. Na head-to-toe pa ako ni manong guard. Ouch lang.

Umupo ako sa pinakasulok na upuan dahil ayoko mag share ng shower galing sa damit ko sa ibang tao.  I don't find this situation funny. But technically, I look funny. Kaya ako din, pinagkakadiskitahan ko nalang din yung sarili ko.

Grabe naman, ang miserable ko. Oorder na sana ako ng coffee (yung mainit!!) ng-

Shoot. Yung wallet ko. Nawawala.

Anak ng pusang gala oh! Kung sinuswerte nga naman ako.

Ewan ko, pero parang gusto ko na umiyak. Ang frustrating na ng araw na ito para sakin. Sobrang dami na ang nangyari. I feel so hopeless. Huh, so much for being weak.

Umupo muna ako at inisip kung anong gagawin. Lumipad na ang utak ko sa fifth dimension ng may lumitaw na latte sa harap ko.

Tumingin ako sa gilid ko.

Napangiti ako.

The Silent DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon