Sophie's POV
"Welcome to Kingston band Sophie!" Masiglang bati sa akin ni Vincent, ang drummer ng banda.
Nandito kami ngayon sa music room at nagcecelebrate. Welcome party daw nila para sa akin! Nakakatuwa naman sila. May ganito pang ek ek e di naman ganun kagandahan ang boses ko. Ewan ko ba kung bakit ako ang napili. Siguro kasi inspired ako nung mga panahong yun. Charinggg!!
Half day lang kami ngayon kasi may faculty meeting daw. Kaya ayun napagoasyahan ng banda na manatili muna dito sa music room. Tutal maaga pa naman daw.
"Teka guys! Nasan si Eros?" Tanong ni Zia, ang pianist ng KB. "Lumabas saglit. May kausap sa phone e." Sagot naman ni Erin.
Sino kaya yung kausap niya at kelangan niya pa talagang lumabas? Hmm. Girlfriend niya kaya? Ayy naku Sophie! Kung ano anong iniisip mo! Magsaya ka na lang!
Ang ingay dito sa loob. Buti malayo to sa pinagmimeetingan ng teachers kundi naku siguradong lagot kami!
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Eros. Ako lang yata ang nakapansin sa kanya kasi yung iba kumakain pa din. Mga buwaya talaga lalo na tong si Erin!
Teka si Eros. Mukha siyang balisa. Ano kayang nangyari sa kanya? Lalapitan ko ba siya? Hmmn. Ano namang sasabihin ko? Tssk! Ay bahala na nga! Mukhang kelangan niya ng makakausap e.
Tumabi ako sa kanya.....
Dugdugdugdug...
Ay letche kang puso ka! Tumahimik ka baka mamaya marinig ni Eros yung pangalan niya! Sinisigaw mo kasi!!
Charing!!!!!
"Ahmmm. Eros..." Tapang tapangan teh! Rak na ituuu!
Mukhang hindi niya ako naririnig o napapansin man lang. Aray ko! Sakit nun ah! Tatayo na sana ako ng biglang........
"Sophia, mag iingat ka palagi ha." Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. I can feel his sincerity. Kinikilig ako pero naguguluhan ako. Bakit niya yun sinabi.
Natulala naman ako dun ah! Shemay! Di ko namalayang nakatayo na pala siya at dala na niya ang bag niya.
"By the way. Welcome to Kingston Band, Sophia."
At lumabas na siya ng music room.
"Uyy Sophie anyare dun." Tanong ni Erin sa akin.
"Hindi ko alam Erin. Pero sabi niya mag ingat daw ako palagi. Naguguluhan ako. Bakit kaya niya sinabi yun?"
"Whaaaaaa! Ibig ka din niya!" Gaga tong si Erin!
"Ulul!" At binatukan ko siya!
--
THIRD PERSON's POV
"King, eto na ang hinihingi mo." Ibibigay ng isang lalaki ang envelop sa leader nila. Nangibabaw ang nakakakilabot niyang halakhak sa buong kwarto. Halakhak ng tagumpay!
"Humanda ka Eros Andrei Martinez. Magagantihan din kita sa wakas!"
Agad niyang dinial ang number ni Eros.
"Hello? Sino to?"
Sabi ni Eros na tila ba naguguluhan kung sino ang tumawag sa kanya.
"Hindi mo ba ako nakikilala Eros?"
"Anong kailangan mong hayop ka!!!" Pasigaw na bulong ni Eros. Nag iingat siya at baka may ibang makarinig sa kanya.
"Simple lang.
..........ang babaeng mahal mo......"
"Putang ina mo wag mo siyang idadamay dito hayop----hello? Hello? Gago kaaa!"
Huminga na lamang si Eros ng malalim habang nakakuyom ang kanyang kamao.
Nauna nang umuwi si Eros kesa sa kanya mga kabanda. Nakakakad siya at hindi niya nalamayan ang grupo ng mga lalaking sumusunod sa kanya.
*BOOOOOGSH!*
Agad natumba si Eros ng suntukin siya sa panga ng isa sa mga ito. Sinipa naman siya sa sikmura ng isa pa.
"Ano Eros? Hanggang diyang ka na lang ba? Mahina ka na pala e! Paano mo siya maiipagtanggol? Mwhahahaha."
"W-wag mo siyang i-idamay dito! Hayop ka!!" At muli siyang sinuntok ng isa sa mga lalaki.
"Nagsisimula pa lang ako Eros. Nagkamali ka ng kinalaban mo!"
Tuluyan ng naglakad palayo ang mga lalaki habang si Eros ay pinipilit na tumayo at kahit napakasakit ng katawan ay nagawa pang umuwi sa kanilang bahay na katabi lamang ng kina Erin.
END OF CHAPTER 3
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Fiksi RemajaNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.