-

447 15 6
                                    

Tumunog na ang orasan sa kwarto ni Chienna. Nagsimula siyang bumangon at mababakas mo ang tuyong luha sa kaniyang mga mata.

Nakakaawa siya.

May kung ano siyang dinampot sa malamig na sahig pero wala naman talaga. Tinapat niya ang kaniyang walang lamang kamay sa tenga at nagsimulang banggitin ang mga salitang halos kabisado ko na. Masaya,biglang lulungkot,magagalit pagkatapos ay iiyak. Gawain palagi ni Chienna tuwing madaling araw. Umaasa sa pangakong nabaon na ng limot ilang taon na ang nakakaraan.

"Chienna,hindi na siya babalik magtiwala ka sakin. Magpapakasal na si Dalton." Minsa'y may opisyal ng mental na nagmagandang loob sabihin sa kaniya ang totoo ngunit nagwala lang siya at ang palaging nangyayari ay tinuturukan lang siya ng pangpakalma at pampatulog.

Nakakasawa na. Sobra. Pero ang makitang umiyak si Chienna? Alam kong mahal niya pa. Ilang dekada na nga ba? Isa? Dalawa? Tatlo? Nawala na ako sa bilang.

"Dalton please. Bumalik kana please. Paano na ang mga pangarap natin? Ang mga anak?! Dalton,balikan mo na ako. Ayoko na dito." Umiiyak si Chienna habang nakayakap sa sariling tuhod at nakaupo sa isang sulok.

"Chienna,hindi ka na niya mahal! Minahal ka niya oo. Pero minahal nga diba? Tapos na. Hinding-hindi ka na niya babalikan at dito ka mamamatay. Tanggapin mo nalang ako. Ako naman ang makakasama mo at nasaksihan ko ang buong buhay mo."

Kung kaya ko lang sabihin 'to sa kaniya. Kung kaya ko lang siyang alisin dito sa puting kwarto. Pero paano ko magagawa yun kung ang pag-alis niya ay kawalan ng mahal ko?

---
HAHAHHAHAHAHA AYOS BA? SORRY NA. DI KO NABIGYAN NG JUSTICE YUNG MAGANDANG GAWA NI ATE ONEDEARLAND 😭 dedicated kay Chienna 'to kasi nakakaawa siya. Puro pangako naman na napapako yung inaasahan niya 😢 As for Dalton..ewan ko sayo.

Hi po onedearland ! Ang ganda ng 1AM niyo nakakaiyak talaga ♥️

Puting KwartoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon