31

664 17 0
                                    

Everlie's Pov

Nandito na kami ngayon ni Garri sa Mindoro, hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayare. Dumiretso kami sa bahay ni Mr Alvarez dahil yun ang gusto nyang mangyare.

Dahil ang alam ni Mr Alvarez ay malapit na kaming ikasal ni Garri, iisang kwarto lang ang binigay nito samin. Hindi na ako nag reklamo dahil baka makahalata ito lalong hindi namin makuha ang pakay namin.

"Talagang pinadala pa kayo ni Gabriel para lang makumbinsi ako." Wika ng matanda. Hindi ko Rin akalain na Lolo na pala itong si Mr Alvarez.

Nag tataka nga ako, hindi kasi ito mukang mayaman. Yung bahay nya napaka simply lang. Nakatira sya sa liblib na Lugar, para syang isang farm.

"Wala po ba kayong kasama dito Mr Alvarez?" Tanong ko dito. Gabi na din kasi ng makarating kami kaya sya at ang isang kasambahay nya lang ang nakita ko mula pag dating namin.

"Matagal ng yumao ang Asawa ko, hindi naman kami nabiyayaan ng anak. Hinihintay ko na nga lang na sunduin ako ng Asawa ko." Wika nito na ikinagulat ko.

"Ano po ba ang dahilan at bigla nyo nalang pina cancel ang project nyo sa company namin?" Tanong ni Garri dito.

"Mahabang kwento iho, bukas ko nalang sasabihin sa inyo. Matulog na muna kayo at alam kung pagod kayo sa byahe." Wika nito at iniwanan na kami ni Garri. Wala naman kaming magawa kundi pumanhik na din sa kwarto namin.

Pag dating namin sa kwarto nag katinginan kami ni Garri. So paano ang set up namin nito?

"Ako nalang ang matutulog sa sahig." Wika ko dito at kinuha yung isang unan at kumot.

"Hindi, ako nalang." Wika nito.

"Share nalang tayo sa kama, mahirap na baka mag kasakit ka pa." Wika ko dito. Ngiting ngiti naman si Garri sa sinabi ko.

"Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin sakin ah!" Wika ko dito at nag asikaso na muna ng sarili bago matulog. After kong mag half bath si Garri naman yung naligo. Napalunok ako ng lumabas ito ng Cr, jusme ang hot naman ng nilalang na to. Hindi manlang nag bihis ng t-shirt nga Bago lumabas ng Cr. Sinasadya nya bang ipakita sakin ang perpektong hubog ng katawan nya?

"Mag bihis kana nga, punasan mo pati mabuti yung buhok mo dahil baka mabasa yung unan!" Kunyare ay galit na wika ko dito at nahiga na sa kama. Patay malisya nalang muna ako. Iisipin ko nalang na si Paula ang kasama ko sa kwarto at hindi si Garri. Ito ang unang beses na mag tatabi kami sa kama. Ito pa naman diba?

(Pangalawang beses na, Yun yung nalasing sya na Hindi nya alam)

Naramdaman ko nalang ang pag sampa nito sa kama. Feeling ko mauubusan ako ng hininga dahil sa kaba. Bakit ba kinakabahan ako ng bongga, matutulog lang naman kami diba? Dapat talaga makumbinsi na agad namin si Mr Alvarez para makabalik na agad kami ng manila. Kung mag tatagal kami dito, ganito nalang palagi ang set up namin sa gabi. Baka hindi na ako abutin ng sikat ng araw dahil sa kaba.

"Good night babe." Wika nito kaya naimulat ko ang mata ko. Nilingon ko ito ng palihim. Nakatalikod ito sakin which is nakatalikod din ako sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag, salamat naman at matutulog na sya.

-after 1 hour-

Hindi ako makatulog, paano ako makakatulog kung ganito ang ginagawa ni Garri sakin. Nakayakap ito sa katawan ko habang mahimbing na natutulog. Hindi ko naman magawang alisin yung kamay nya dahil pag sinusubukan ko mas lalo lang nitong hinihigpitan ang pag kakayakap. Ano bang inakaala nya sa katawan ko? Akala nya ba unan ako?

Naalala ko nung nasa batangas kami, nung nakatulog kami sa ibabaw ng malaking bato sa falls. Iba naman sitwasyon namin nun dahil araw yun, tapos hindi naman yun sa kama. Basta iba yung pakiramdam pag sa iisang kwarto, parang buhay na buhay lahat ng dugo ko.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon