The Bente-Uno Promise

22 3 7
                                    

"Bakit kasi hindi na lang ngayon Cail? Pwede naman e. Ikaw lang tong maraming issue sa buhay. Mahal kita, sabi mo mahal mo ko. O mahal mo nga ba ko? Minahal mo nga ba ko Cail? Tama ba to? Na naghihintay ako sa walang kasiguraduhan?"

"Di ko sinabing maghintay ka Andrea. Ako ang maghihintay. Kapag pwede na. Sa ngayon, kahit ako, hindi ko maintindihan sarili ko. Naguguluhan din ako."

"That's bullshit! Ang labo mo! Ang labo labo mo!"

Tandang-tanda ko pa yung huling usapan namin. At totoo lahat ng sinabi ko noon. Hihintayin ko siya hanggang sa mag-21 siya. May trabaho na siya ngayon. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit hindi na kami nagkabalikan noon. Ayokong makasagabal sa pag-aaral niya habang ako, pa-raket raket lang. Huminto ako pagka-graduate ng highschool habang siya nagpatuloy. Matalino siya. Maganda. May ipagmamalaki. Ako? Wala. Kahit ilang beses niya ko purihin, alam ko sa sarili ko kung ano lang ako.

At ngayon. Natapos ko na ang dalawang taon lang sa kolehiyo. May trabaho ngunit hindi ayon sa kursong kinuha ko. Habang siya may pangalan na sa industriyang kinuha niya. Hindi siya mapanghusga, pero ako ang mismong hindi makita ang sarili ko kasama siya. Masyado siyang matayog. Mabait. Maunawain.

Nakita ko na siyang palabas ng kumpanyang pinapasukan niya ngayon. Pauwi na siya. Nakatanaw lang ako dito mula sa malayo. Inaalam ko kung saan siya nakatira. Gusto ko siyang makausap. Marinig ulit ang boses niya. Mayakap siya. Ngayon mismo. Wala akong sasayanging oras.

Sa isang subdivision siya bumaba mula sa sinakyang jeep. Sinundan ko siya. Tunay ngang malayo na ang narating niya.


"Andrea." Hindi ko alam kung san ako magsisimula. Tanging pangalan niya lang ang nasabi ko.


"C-Cail?!" Nagulat siya. Hindi ko mabasa ang emosyon nya. Natuwa ba siya na makita ako?


"Andrea. Pwede ba tayong mag-usap?"


"Uh. Ah. Tara. Pero wag samin. Magugulat sila mama pag nakitang bigla e may kasama kong lalaki."

Hanggang ngayon pala ay strikto pa rin ang pamilya niya. Sabagay, nag-iisang anak siya ng mama niya. At karapat-dapat naman talaga ingatan.

Dumiretso kami sa isang café. Libre ko na siyempre.


"So? Where have you been? 5 years Cail. And I never heard any news from you. Anong dahilan at bigla ka na lang sumulpot?"

Hindi niya ba natatandaan yung pangako ko? Bakit hindi niya na yon nbabanggit? Nakalimutan niya na ba? Pero hindi. Ipapaalala ko sa kanya.


"Ah. Andrea. Alam kong nakakagulat. Pero hindi ba ineexpect na natin to? 21 ka na. 24 na ko. Hindi ba? May pangako ako sayo?"

"Oh. That one?" Walang emosyong sagot niya. "Look Cail, its been what? 5 years. Don't expect to hold on to that promise. E replyan nga lang ako ng maayos di mo magawa noon. I don't even know kung kumusta ka ba sa nagdaang limang taon na yon. Nagka-girlfriends ka ba? Flings? Bedmates or what. You know me. I always go with the flow."


Masakit. Masakit lahat ng sinabi niya. So nka-move on na siya? Pero wala pa siyang boyfriend alam ko yon. Stalker niya ba naman ako e. Di siya nagtiwala sakin. Ma--


"Lahat napapagod maghintay Cail. At isa ko don. Napagod din ako. But we can start a new anyway. Pwedeng pwede Cail. Mahalaga ka sakin. But for now, I need to go. My mom's bugging me to go home. I'm sorry. You can meet me tomorrow at the plaza. Its Sunday, day off ko. Dun ako nagpapahangin. Bye! Take care!"


At ganon ganon lang nawala siya sa harap ko. Nawala na naman siya. Mali ba ko? Mali bang pinaghintay ko siya? Pero ako ang naghintay hindi ba? Mali ba ko? Ang sakit. Ang sakit sobra. Ganito rin ba ang nararamdaman niya noon? Pero meet me daw. Magkikita kami sa plaza. Pero anong oras? Ah. Basta. Pupunta na ko don 8am pa lang. Tanghali gumigising yon pag wala namang mahalagang gagawin.

Linggo ng umaga. Sa sobrang excitement ko 6:30 pa lang nandito na ko. Pero nagulat ako.


"Be your forever, be your fling. Baby, I will be your everything."


Natawa ko. Hilig niya pa rin kumanta kahit hindi kagandahan ang boses niya. Nasa upuan siya. Naka-earphones. Nasa harap ko. Pero nasa malayo na naman ako.


Ngumiti siya bigla. Nakita niya ba ko? Lumapit ako. Lalong lumawak ang ngiti niya. Nabuhayan ako ng pag-asa. Hawak ko ang singsing ng mahigpit.


"Uhm. An---"

"Hey!"

Ano nangyari? A-ano to? Naiyak ako. Mali. Umiiyak na pala ko. Ang ganda ng senaryo namin. Eto yung pinangarap ko noon pa. Siya, umiiyak sa tuwa habang inaalok siya ng kasal ng lalaking mahal niya at mahal din siya. Magkayakap. Tinanggap niya ang singsing. Npakswerte. Napakaswerte ng lalaking iyon. May boyfriend na pala siya. Panong di ko nalaman yon? Iba na pala siya. Ibang-iba. Napakasakit. Napaluhod na lang ako habang tinatanaw sila. Napakapangkaraniwan ng kwento namin. Yung singsing na hawak ko nahulog sa putik habang dinidiligan ng luha kong ayaw matapos.

---End.

The Bente-Uno PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon