G/N: Kumusta Angels? Sensya na at busy talaga ako sa bubay.. at depress.
😬😆Ayaw eterninate ng dreame ang BADass MANang kahit ready akong erefund ang nabigay sa 'kin. Baka need ko na kumuha ng private lawyer para makuha ko ng buo ang BM. 😔
--
"But those who hope in the Lord will renew their strength. They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint." - Isaiah 40:31
Chapter 6
---
Erza POV
Ang lamig naman ata ng panahon ngayon. Kaninong relasyon ba 'to?
Medyo kanina pa ako naglalakad sa national hallway ng paaralang ito. Ayaw ba nila magpakita sa 'kin?
Cute naman ako at mabait.
Ano bang gusto ng kapalaran? Ang sumama sila kay Blacky kaysa sa akin? Aho! Paano na ang misyon ko? Papaano ako makakabalik agad sa langit pagnagkataon? Napabuntong hininga ako ng very light. Sabagay, kung papipiliin nga seguro sila between the cute me and kamatayan a.k.a Blacky ay siya seguro gugustuhin nila. Mukhang same vibes kasi sila. Ang hilig ba naman nilang lahat sa kulay na itim.
Bakit kaya?
Why black?
May tawag din seguro grupo nila, 'no?
Malalaman ko rin 'yan kung meron.
Binalik ko ang atensyon ko sa paligid. Hindi familiar ang mga mukha nila sa 'kin. Iba rin yung studyante kanina. Marami nga talagang nag-aaral dito. Hindi lang sila mukhang studyante ha, karamihan sa kanila mukhang nerd. Mukhang matatalinong tunay. Tipong kasali sa chess club, math club, science club at marami pang club. Alam niyo yung sinasabak sa mga quiz bee ang datingan nila. Kakaibang mga mortal ang mga ito.
Mabalik tayo.
Kasalanan talaga ito ng mga kapatid kong mga mahihilig sa itim 'e. Ba't kasi nila ako binigay kay teacher na yun
na hindi ko man lang alam kung anong pangalan. Sabi, hindi niya raw ako matandaan na kasama ng mga bata pero kinuha niya parin ako. Parang ano lang, 'di ba? Ang ano lang talaga. Tsk.Hindi ba siya nagtataka? Tapos nakita ko pa yung bumunggo sa akin. Kasama pala siya sa grupo ng mga bata. Nagkunyari lang ako na hindi ko siya napansin.
Inisnob ko lang po siya. Hmp.
Napalinga ako sa paligid.
Nag-umpisa na ata ang klase ng mga mortal. Ang tahimik bigla ngayon sa national hallway. Iilan lang ang nakikita kong naglalakad at nakatambay sa paligid. Busy naman sila.
"Huy batang panget!"
"Ay panget!"
"Hala ka. Tumakas ka kay teacher. Sumbong kita. Nandito ka lang pala."
Nanliit ang mga cute kong mata.
Ang batang bumangga sa' kin kanina!
Nakapameywang ito habang nakataas pa ang dalawang kilay na akala mo general manager ng isang kompanya.
Hindi rin nawawala yung mapang-asar niyang ngisi. Sungki naman yung ipin."Edi esumbong mo huy ka rin." singhal ko at nakapameywang na rin kagaya ng sa kanya. Ewan ko ba ba't parang may kulo ang dugong anghel ko sa kanya. "Sinong panget ba? Ang cute ko kaya. Baka sarili mo lang sinasabihan mo. Tsaka akala mo ha hindi ko natatandaan yung ginawa mo sa' kin kanina. Binangga mo ako. Eh kung banggain din kita d'yan. Magbanggaan tayo para malaman natin sino ang mas malakas! Maliit lang ako pero nakakapuwing ito."
BINABASA MO ANG
Pilyang Cherubin
Viễn tưởngPapaano kung ikaw ang naatasang bantayan ang mga hindi napapanahung mga kaluluwa sa lupa? Lalung-lalo na ang kaluluwa ng isang gwapo, masungit at palamurang lalaki na myembro pala ng isang matinik na gang. "Jairen Zac Escintosh? Pa'no ko ito mahaha...