Basketball

34 3 0
                                    

Larry's POV

Huminga muna ako at tinignan ang ring bago ko itinapon ang bola. Patayan nanaman ang ginagawa naming pagpapractice dahil nextweek na ang laban namin sa kabilang school. 3rd year college na ako at varsity sa basketball. Well, I love basketball. Ito na lang ang pinagtuunan ko ng pansin since the day na umalis siya.


Hindi naman talaga ako mahilig magbasketball pero dahil paborito ni Kai ang larong 'to kaya nagustuhan ko na din. Kababata ko si Kai, she's also my first love and until now mahal ko pa siya. It's been 7 years simula ng magmigrate sila sa Japan. Sa pitong taon na yun maraming nagbago sa akin, ibang-iba na ako sa pandak na matabang bata noon. Siya kaya? Siguradong marami na ding nagbago sa kanya, mas lalo pa nga siguro siyang gumanda.

Miss na miss ko na siya, hindi ko sigurado kung babalik pa siya kaya umaasa na lang ako sa sinabi niya noon sa akin na babalik siya. Babalik siya para sa akin dahil mahal  niya din ako. Ang hirap lang kasi wala kaming komunikasyon sa isa't-isa. I tried finding her on many social network pero nabigo ako.


As I grow up naging maganda ang pangangatawan ko dahil sa paglalaro ng basketball. I'm not a 6 footer but I'm 5"11, hindi na din ako mataba. Well build up ang katawan ko at hindi naman sa nagmamayabang but many girls are chasing me now pero wala akong pakialam sa kanila dahil may Kai na ako. Kahit umalis siya hindi ko na nakuhang tumingin sa iba, kahit magkacrush hindi ako nagkaroon kaya ang buhay ko ay umiikot lang sa basketball, school at bahay.


"Pagod na ako, ayoko na. Kaninang umaga pa tayo naglalaro. Gusto ko ng umuwi." gutom na gutom na nga din ako dahil hindi ako nakakain ng lunch at miryenda kasi ayaw akong paalisin ni Kai. Siguradong galit na din si mommy sa akin. Kung bakit ba naman kasi hindi ako makatanggi sa loves ko.


"Sige na nga pero pahinga muna tayo, halika dito." umupo siya sa bleachers. Nasa school kami ngayon, bakasyon na pero pwede pa din namang pumasok lalo na students naman kami dito. Hilig kasi talaga ni Kai ang basketball noon pa. Pangarap niya nga daw maging basketball player at masali sa NBA pero hindi pwede dahil babae siya.


Lumapit ako sa kanya at saka umupo sa tabi niya. Pawis na pawis na siya but it doesn't make her less. She's still very beautiful.


"Baka ito na ang huli nating paglalaro ng basketball." napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. I sense so much loneliness in her voice.


"B-Bakit naman? H-Hindi ba ako magaling? Alam kong mabagal akong tumakbo at nakakawalang-gana akong kalaro pero wag naman sanang ganyan." pinilit ko nga lang ang sarili ko sa larong 'to para sa kanya. We're grade 3 when I met her. Dito sa court ko siya nakilala, pauwi na dapat ako noon pero nakalimutan ko ang tumbler ko sa gym dahil naglaro kami sa P.E. kaya binalikan ko and then I saw her playing and the rest was history.


"It's not that Larry. You know how much I want you as my play mate. Hindi ako nakipaglaro kahit kanino." malungkot na sabi niya. Humarap siya sa akin at mataman akong tinignan. "Hindi na kasi ako dito magh-highschool. Magmimigrate na kami sa Japan at bukas na ang alis namin. Hindi ko agad nasabi sa'yo kasi kahit ako ayaw ko, gusto kong magpaiwan pero hindi pwede dahil ang buong pamilya sasama at walang maiiwan." parang may bumarang napakalaking bagay sa lalamunan ko. Gusto kong magsalita pero wala akong alam sabihin.

BasketballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon