Sandoval University

185 15 0
                                    

Madaling araw palang, gumising na kami ni tyronne, para magfinal review.Ngayon ang araw ng entrance exam, excited na may halong kaba, ang nararamdaman ko today.

"ready for today?" tanong ni tyronne. Katatapos lang nyang maligo.
"I feel nervous. I don't know, why?" sabi ko.
Umupo sya sa kabilang upuan at inagaw ang old notes na nirereview ko.
"tama na muna 'yan. Maligo ka muna." tyronne. Niligpit nya lahat ang old notes at libro na binabasa ko.
"but, I need to be prepared." pinilit kong inigaw ang mga gamit ko. Pero hindi nya binigay.
"jake, makakapasa tayo." inabot nya ang tuwalya at tinulak nya ako papuntang cr.

Wala akong nagawa kundi sumunod na lang.
Pagkatapos kong maligo at makapagbihis, pumunta na agad ako sa sala.

"oh, magrereview ka pa? anong oras na?" tiningnan ni ate ang kanyang wristwatch.
"8:30am na, diba 10:30am magsisimula ang exam?" sabi ni ate.
"just give me, 30mins. ate." sabi ko.
"no! kumain ka na, at ipahinga mo muna ang isip mo." sabi nya.
"ok, ikaw, kumain ka na??" tanong ko.
"tapos na." sabi nya.
Pumunta na ako sa kusina, at sumabay na akong kumain kay tyronne.

Tahimik lang kaming kumakain, walang nais magsalita.Pagkatapos naming kumain, hinugasan na namin ang aming pinagkainan.

"sya nga pala, pagnagsimula na ang klase nyo, dito ba kayo uuwi o maghahanap kayo ng dorm na malapit sa university?" tanong ni ate sa'min.
"actually, ate.." hindi ko na pinatapos si tyronne.
"actually ate, may dorm sa loob ng campus, nagdecide kami ni tyronne na hati nalang kami sa renta." pagsisinungaling ko. Pinandilatan ko ng mata si tyronne.
Mabuti nalang at sumang.ayon ang kumag sa pagsisinungaling ko.

"mabuti kong ganun." si ate. Tiningnan ang wristwatch. "naku, 9:35am na, kailangan ko nang umalis, may klase pa ako ng 10am." si ate.

"teka, ate abegail, saan po kayo nagtuturo?" tanong ni tyronne.
"sa San Agustin Academy." kiniss ako ni ate sa pisngi. "mauna na ako sa inyo." nasa pinto na si ate ng maalala ko, ang bilin ni lola.
"ate, sandali." tumigil at nilingon ako ni ate.
"ang sabi ni lola, ikumusta ko raw sya sayo." sabi ko. Ngumiti si ate.
"sa bakasyon, uuwi ako sa'tin. Namimiss ko na rin kasi si lola at bunso." sabi nya. Tuluyan na syang umalis.

"akala ko pa naman, ano yung sasabihin mo, ehh pwede mo namang sinabi yun kagabi." tyronne.
"ngayon ko lang kasi naalala." sabi ko.
"oh, sya nga pala, bakit ka nagsinungaling kay ate, kanina?" tanong nya.
"kasi, ayaw kong mag.isip sila ng kahit na ano, tungkol dun." sabi ko. Hinanda ko na ang  folder na may lamang school records ko, at inilagay ko sa bag ni tyronne.
"ok, pero, magpapadala sila tita ng allowance at tuition fees mo, kukunin mo?" tanong nya.
"yung allowance gagamitin ko, pero yung pang tuition, itatabi ko, para may magamit din ako in case of emergency." sabi ko.
"ok. Tara na nga." tyronne.

Mga 9:50am papaalis na sana kami ni tyronne, ng biglang may humintong sasakyan sa tapat namin.Pagbukas ng bintana ng kotse, dumungaw ang akala mo'y isang prinsepe sa isang kaharian.

"jake, sakay na kayo. Sabay na tayong pumunta sa university." sabi ng lalaki na sa phone ko lang laging nakakausap.
Siniko ako ni tyronne, at bumulong sa tenga ko.
"ang swerte talaga ng kaibigan ko." panunukso nya.
Hinila nya ako papunta sa front seat at binuksan nya ang pinto, saka nya binuksan ang pinto ng backseat.

"thank you, sa libreng sakay bro." sabi ni tyronne. Nang makapasok na kami sa loob ng kotse.
"no problem." sabi nya. Pinaandar na nya ang kotse.
"paano mo nalaman ang place namin?" tanong ko.
"dahil kay alex, pinahatid ko kayo kahapon, remember?" nakangiti nyang sabi.
"yeah right. Pero, bakit ka nandito?" tanong ko.
"hindi pa ba obvious? syempre, sinusundo tayo." sabat ni tyronne sa likod.
"do I talking to you?" pagsusungit ko.
"sorry naman po." nagzipper sign sya, sa kanyang bibig. Ngumiti lang si william sa ginawa ni tyronne.
"bakit ka nga nandito?" pag.uulit ko nang tanong.
"sinabi na nga ng kaibigan mo." william. Magsasalita pa sana ako.
"sya nga pala bro, Tyronne Mendoza pala." pakilala ni tyronne.
"William kenzo Sandoval." pakilala din ni william.
"edi, kayo na." reklamo ko.
Nagtawanan silang dalawa at nagkwentuhan ng kung anu ano.Tamihik nalang ako sa loob dahil na aoutcast ako sa usapan nila.

"dala nyo ba, ang mga school records nyo?" tanong ni william.
"oo, dala namin bro." sagot ni tyronne. Kinuha nya sa loob ng bag nya, ang folder naming dalawa.
"ito, bro." inabot nya kay william ang folder namin. Kinuha iyon ni william at inabot sa'kin.
"ilagay mo sa bag ko." utos nya. Sinunod ko ang sabi nya.

After a long ride, sa wakas nakarating na kami sa Sandoval University. As I expected, sobrang laki ng campus nila. Hindi pa nga kami nakapasok, pinara na kami ng guard sa main gate ng campus.Binuksan ni william ang bintana sa driver seat, nang makita ng guard si william, pinapasok kami agad. Nagpark kami sa harap mismo ng dormitoryo.May parking lot, kasi doon.

"dito tayo titira ng magkasama." sabi nya. Namula ako sa sinabi nya.
"oyy! kinilig." panunukso ni tyronne. Ngumiti lang si william sa biro ni tyronne.
"yuck! ako, kikiligin? no way!" defensive kong sabi. Nagtawanan lang sila.
"sige, pagtulungan nyo ko." iniwanan ko na silang dalawa.

Nang magsimula na ang entrance exam, ang dami naming nagtake ng test, ang karaniwang tanong dun ay napag.aralan ko ulit, pero ang mas nakakatuwa dun ay halos essay ang test. Kaya kampante akong, makakapasa ako.

"sa wakas, natapos din." sabi ko.
Nasa labas kami ng gymnasium ngayon, kung saan ginanap ang entrance exam.
"napaka easy lang pala ng test." pagmamayabang ni tyronne.
"wow, ang hangin tsong." sabi ko.
"easy lang naman talaga. Ikaw ba, nahirapan ka?" tanong nya sa'kin.
"hindi." maikli kong sabi.
"oh, yun naman pala. Ikaw ba bro, nahirapan ka?" tanong nya kay william.
"medyo, hindi kasi ako, palaaral." sagot nya.
"ahh, ok. Mabuti pa't kumain nalang tayo, nagutom kasi ako." pag.iiba ni tyronne ng usapan.
"I know a place, masarap ang foods dun." sabi ni william.
"sige, tara! gutom na gutom, na kasi ako." nauna syang naglakad sa'min, at tinungo ang parking lot.

Naiwan kami ni william, na naglalakad sa hallway. Tahimik lang kaming naglalakad at para bang pinakikiramdaman ang kilos ng bawat isa.

"jake." basag nya sa katahimikan.
"ano yun?" tanong ko.
"I'm so happy, cause you're here." patuloy pa rin sya sa paglalakad. Napahinto ako saglit.
Huminto sya sa paglalakad, at nilingon ako sa likod.
"I really mean it." dagdag nya. Mas lalo akong natigilan and this time, ang lakas ng heart beat ko.Ewan ko ba, hindi ko maexplain, para akong nawala sa sarili bigla.
Magsasalita na sana ako, nang biglang..

"kakain ba tayo, o hindi?" pambasag moment ni tyronne.
"tara na." nagmadali na si william maglakad.

Pumunta na kami sa restaurant, na sinabi ni william. Infairness, maganda ang ambiance ng restaurant.Bukod sa maganda ang view, masarap din ang mga pagkain, kaya lang mahal.Nang makatapos na kaming kumain, hiningi na ni william ang bill.
Sabay aming kinuha ni tyronne ang mga wallet namin.

"ako na magbabayad, treat ko na ito, sa mga bago kong kaibigan."inabot ni william ang kanyang credit card, sa waiter.

"thanks bro/salamat." sabi namin ni tyronne.
"no problem." william.

Pagkatapos, may binigay na papel ang waiter at pinirmahan iyon ni william.Saka lang binalik ng waiter ang credit card nya.

"thank you, sir." nagpasalamat yung waiter. At umalis na.

Hinatid kami ni william pauwi.At niremind ako, na itetext nya sa akin ang result ng exam.

"sige, I need to go." paalam nya.
Nagpaalam at nagpasalamat kami ni tyronne, sa free foods and free rides.Pinaandar na nya ang kotse at umalis na.

"what?" tanong ko kay tyronne. Nakangisi kasi ang kumag sa'kin.
"nothing, masaya lang ako for you." sabi nya.
"tyronne, may aljosh na'ko. And we promised, na maghihintay kami nang right time." sabi ko.
"are you sure? na tutuparin nya ang pangako nya for you?" weird nyang sabi.
"bakit parang, pinagdududahan mo si aljosh? may I just remind you, na kaibigan natin si aljosh." sabi ko kay william. Nakita kong nagpigil sya sa kanyang sarili.
"I know you tyronne.Kapag nagpipigil ka, may gusto kang sabihin.What is it??" tanong ko.
Napabuntong hininga sya.
"nothing." binuksan nya ang gate.
"how would I know? kung hindi mo sasabihin sa'kin." pangungulit ko.
" I'm not the right person, to tell you the truth!" pumasok na sya sa loob.
Naiwan akong puzzled sa sinabi nya.

" I'm not the right person, to tell you the truth!" Paulit ulit yung bumabalik sa isip ko.

"sinong tinutukoy nya? si aljosh ba? what kind of truth, that I need to know?"
Daming tanong ang nabuo sa isipan ko.

to be continue...

Casual Lovers [Completed]Where stories live. Discover now