Two days na akong nagkulong ng kwarto, walang kain at walang ligo. Feeling ko ang baho baho ko na that time, and I started to feel dizziness. Although, dinadalhan ako nang foods ni tyronne,pero hindi ko pa rin kinakain. Ewan ko ba, ang lakas ng impact nang ginawa ni aljosh sa'kin."hoy, kumain ka na, pang 3days mo na bukas, kapag hindi ka pa kakain." inilagay ni tyronne ang kanin at ulam na adobong baboy sa kama.
"I'm not hungry." sabi ko.
"anong you're not hungry?.Two days ka nang hindi kumakain. Nauubusan na rin ako nang idadahilan para pagtakpan ka kay ate abegail." sabi nya.
"fine, kakain na ako." kinuha ko ang kanin at ulam, at nagsimula nang kumain.
"buti naman." nakatingin lang sya sa'kin, habang kumakain ako.
"dun ka nga sa labas." pagtataboy ko sa kanya.
"bakit ba, gusto ko lang siguraduhing, uubusin mo ang pagkain." sabi nya.
"anong tingin mo sa ginagawa ko ngayon?" pamimilosopo ko.
"I just want to make sure, period!" sabi nya.
"whatever! teka, nasaan ang tubig?" tanong ko.
"heto na po, your highness." inabot nya ang bottled water.
"thank you, utusan." sabi ko.
"utusan ka dyan, baka gusto mong upakan kita?" tyronne. Ngumiti nalang ako.Pagkatapos kong kumain.Kinausap ako ni tyronne na lilipat na sya sa unit nya bukas, at nagpaalam na rin sya kay ate, tungkol dito.
"ha?! so, you mean..." pinutol nya ang sasabihin ko.
"don't worry, your secret is safe. Sinabi ko lang kay ate, na mauuna akong lilipat sayo, para makapagbonding kayo together." sabi nya.
"buti naman, akala ko talaga ipapahamak mo'ko." sabi ko.
"gagawin ko ba yun sa kaibigan ko." sabi nya.
"actually, ginawa mo na.Ipinahamak mo ang kaibigan natin." sabi ko. Naging seryoso sya at tiningnan ako sa mata.
Bumuntong hininga sya, bago nagsalita.
"kung hindi ko yun gagawin, patuloy kang aasa sa kasinungalingan nya. Kung hindi ko sasabihin, hanggang ngayon tanga ka pa!!" real talk nya.
"ouch naman, masyado mo namang diniin." hawak ko sa chest ko.
"pero seryoso, sobra akong nagpapasalamat sa ginawa mo. Ngayon, narealize ko, na dapat huwag magseryoso sa pag.ibig." sabi ko.
Lumapit sya sa'kin at inakbayan ako.
"actually jake, hindi naman lahat katulad ni aljosh, may iba namang tapat magmahal katulad ni william." banat nya. Siniko ko sya sa tagiliran.
"masingit lang eh no." sabi ko. Tinawanan lang ako ng kumag.
"pero seryoso, paano kung liligawan ka ni william? sasagutin mo ba sya?" tanong nya.
Natigilan ako sandali.
"hindi siguro, natuto na'ko." sabi ko.
"what if seryoso sya? hindi mo pa rin ba sasagutin?" pangungulit nya.
"hindi nga, ang kulit." ako.
"what if, kayo talaga ang tinadhana?" pangungulit pa rin nya.
"what if, ihatid mo'to sa baba." inabot ko sa kanya ang pinagkainan ko.
"what if, hugasan mo na rin 'yan. What if, pagkatapos mong maghugas, matulog ka na rin." dagdag ko. Wala na syang nagawa kundi sundin ang sinabi ko.Pagbaba nya, nagpalit na rin ako nang damit kasi ang baho na ng amoy ko.Pagkatapos nun humiga na ako sa kama. Hindi ko na namalayan ang pag.akyat nya, kasi nakatulog na ako.
_
_
_
_
Kinabukasan, nagising nalang ako, na wala na ang mga gamit ni tyronne.Bumaba ako sa pagbabakasakaling nasa sala lang sya."good afternoon." bungad ni ate sa'kin. Tiningnan ko ang phone ko. Putcha, 11:43am na pala.
"tinanghali tayo ng gising ah." si ate.
"nasan si tyronne?" pag.iiba ko nang usapan.
"umalis na, kaninang alas dyes lang." sabi ni ate at lumapit sya sa'kin.
"may problema ka ba lately?" tanong nya.
"problema? walang problema ate." sabi ko.
Tinapik ako ni ate sa balikat, at hinila nya ako sa upuan at pinaupo.
"sa'kin ka pa talaga, magsisinungaling." sabi ni ate.
"bakit naman ako, magsisinungaling." hindi ako makatingin nang diretso.
"nathan, bata pa lang tayo, alam ko na kung kailan ka nagsasabi ng totoo o hindi." ate.
"sige nga, tumingin ka nga sa'kin ng diretso, at sabihin mong hindi ka nagsisinungaling." sabi nya.
"fine! may problema ako lately." pagtatapat ko. Umupo na rin sya sa tabi ko.
"ano yun? ate mo'ko, pwede mong sabihin sa'kin ang problema." sabi nya.
"hindi naman big deal." sabi ko.
"anong hindi big deal, eh hindi ka nga lumalabas ng dalawang araw sa kwarto." si ate. Nabigla ako sa sinabi nya.
"paano mo nalaman? si tyronne ba ang nagsabi?" tanong ko.
"walang sinabi si tyronne. Napapansin ko lang, tuwing gabi dinadalhan ka nya ng pagkain." sabi ni ate. Humarap sya sa'kin.
"anong problema? huwag kang mag.imbento ng kung anuano ha, malalaman ko rin kung nagsisinungaling ka." sabi nya. Wala talaga akong ligtas sa kanya."ano kasi, baka ijudge mo lang ako." kinakabahan kong sabi.
"promise, kung ano man 'yan, hinding hindi kita ijujudge." sabi nya. At hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"ano kasi ate." kinakabahan ako.
"ano nga?" naghihintay sya sa sasabihin ko.
"ate, I'm gay! sana huwag mo'kong ijudge!" nakapikit kong sabi.
"and so?? ano naman, kung bakla ka?" sabi nya. Dahan dahan kong, iminulat ang mata ko, at tiningnan ang reaction ni ate.
"hindi ka nashock? o nandiri man lang?" tanong ko.
"bakit naman ako mashoshock o mandidiri? Ehh, matagal ko nang alam na gay ka." sabi ni ate. Nagulat ako sa sinabi nya, eh hindi naman ako pa-girl o mababakas na may pagkabakla sa kilos at pananalita. In short lalaking lalaki akong kumilos sa bahay man o sa school."ha? how did you know?" tanong ko kay ate.
Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko.
"ganito kasi yun, may lalaki bang hindi nagkakacrush ng babae, kahit isa lang?? may lalaki bang hindi nagkaka girlfriend??" sumabat ako kay ate...
"yes, may lalaki ring hindi nagkaka girlfriend, kasi naghihintay ng the one." sabi ko.
"pero, hindi sa katulad mo. Tingnan mo nga sarili mo, gwapo ka, matalino, mabait din, total package kumbaga,tapos walang girlfriend?" ate.
"at higit sa lahat, kung bakit ko nalaman na kakaiba ka. Nung umuwi kang umiiyak, ng malaman mong may girlfriend na si aljosh." dagdag nya." dagdag nya.
Yumuko ako, at sinabi ko kay ate ang dahilan ng pagkukulong ko sa kwarto.Niyakap nya ako, at kiniss sa noo.
"yaan mo na nathan, ganyan talaga ang pag.ibig. Masasaktan at masasaktan ka, ang mahalaga nagmahal ka." seryoso nyang pagkakasabi. Kumalas ako sa pagkakayakap nya.
"bakit ate, nasaktan ka na ba, nang dahil sa pag.ibig??" tanong ko. Tumango lang sya.
"seryoso?? bakit hindi ko alam?" tanong ko.
"dito ko kasi sa maynila nakilala 'yon." sabi nya.
"pero, bakit kayo naghiwalay?? third party ba?? " tanong ko. Naging seryoso ang hitsura ni ate.
"hindi. Pero, mas pinili nya ang negosyo nila, kaysa sa'kin." sabi nya.
"pero, mahal mo pa rin sya?" tanong ko.
"sobra." umiyak na si ate. Niyakap ko sya at nakiiyak na rin ako.Matapos naming nag.iyakan.May sinabi sa'kin si ate, na sobra kong ikinatuwa.
"basta, tandaan mo'to nathan. Kamahal mahal ka, at walang sinuman ang pwedeng manakit sayo! Ako ang unang makakalaban nila, proprotektahan ka ni ate." sabi nya.
"salamat ate." sabi ko.
"mahal na mahal ko kayong pamilya ko." niyakap pa ako lalo ni ate.
"tanggap kita, at tanggap ko rin si ethan." dagdag pa nya. Kumalas ako sa yakapan namin ni ate.
"alam mo ring bakla si bunso, ate?" tanong ko. Ngumiti lang sya.
"but, how??" dagdag ko.
"nagtapat sya sa'kin, at sa relasyon nila ni zeke." pagtatapat ni ate.
"ok lang sayo?" tanong ko. Tumango lang sya.
"basta, kung saan kayo sasaya, doon din ako." niyakap ulit ako ni ate.
"masarap magmahal, kahit masakit minsan." dagdag na wika ni ate.to be continue..
YOU ARE READING
Casual Lovers [Completed]
RomanceWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...