SY 2

21 1 0
                                    

Still You 2

Di ko alam pero iba kutob ko ngayon.. Parang may ibang mangyayari eh..

Hayy bahala na nga..

"Sis.. Nandito na tayo.. Ano may balak ka pang tumuloy??"

Dahil sa pag iisip ko ng kung ano ano.. Ayun nasita tuloy ako ni Sync..

"Sorry naman.." Sabi ko na lang sa kanya..

"Iniisip mo na naman sya noh?" Sabi nya..

"Nope.." Totoo naman eh

Pumasok na kami sa trabaho namin.. At bumungad sa amin ang isang malditang babaeng matanda..

"Bat ngayon lang kayong dalawa?" Oh diba?? Tsss..

"Ma'am hindi naman kami late eh.. Sa katunayan nga po.. May 5 minutes pa kaming natitira." Sabi ni Sync.. Makasita naman kasi parang late na kami..

At isa pa.. Kina Sync toh restaurant tapos syang isang empleyado lang dito.. Grabeh na sya makasita??

"Whatever.. Go to your designed work" utos nya samin..

Tsss..

"OPO MA'AM!" sabi naming dalawa at tumakbo na kami..

Pag dating ko sa assigned place ko which is waiter.. Inutusan na agad ako.. Si Sync kasi sa Cashier..

"Niach!! Ikaw naman mag hingi ng order dun sa costumer number 21" sabi sa akin ni Ate May.. Sya yung pinaka-close ko dito sa work ko..

"Opo Ate May" sabi ko at inihanda na ang ballpen at notebook na pagsusulatan ko ng order nya..

Dumiretso na ako dun sa lalaking nasa table number 21..habang papunta ako dun bigla akong kinabahan.. Ewan ko ba.. Baka nag hahallucinate lang ako..

"Ahmm.. Good evening Sir.. Can I take your order now?" Tanong ko dun sa lalaking nakayuko at kasalukuyang tumitingin sa menu..

"Ahm.." Bigla nyang inangat ang ulo nya kaya nakita ko ang mukha nya..

Bigla kong naihulog ang ballpen na hawak-hawak ko..

Sya.. Sya.. Nga..

Imposible Naich!!! Patay na sya..

Di kaya... Ito yung kambal nya?? Yung nag hulog ng sulat??

Bigla kong naramdaman na parang may mainit na tubig ang dumaloy sa mga pisngi ko..

"Miss.. Are you okay??" Bigla naman akong nagising sa imahinasyon ko..

Pinunasan ko na lang ang luha kong tumulo galing sa mata ko..

"Ahh.. Yes.. Im fine.." Sagot ko at kinuha ko na ang order nya..

After nun bumalik na ako sa lugar ko.. At hinintay na may mag tawag sa akin....

Bakit ganun?? Bakit kung kelan handa na akong kalimutan sya eh nag pakita naman yung kambal nya?? Paano ko sya makakalimutan kung laging may nag papaalala sa kanya?

Aish!!! Ito na naman ang sakit eh..

"Hey Naich! Anong nangyayari sayo? Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Ate May sa akin..

Naluluha na naman ako..

"ahmm.. Yup! Okay lang ako Ate" sagot ko at pinunasan na ang luha ko..

Ano na naman bang nangyayari sa akin?? Hayy.. Dapat kalimutan ko na sya.. Wala na sya eh..

"Ate.. Pwede bang umuwi na muna ako? Sumasakit kasi ulo ko eh" pag dadahilan ko.. Ayaw ko kasing makita ang kambal nya dito.. Naaalala ko lang sya eh..

"Oh..sige.. Kakausapin ko na lang si madam"

"Salamat ate.. Una na ako.."

Niligpit ko muna yung gamit ko at sinilip kung nandun pa ba yung kakambal nya..

Good thing wala na sya..

Lumabas na ako ng resto at tinexan si Sync.. Di na ako nakapagpa alam eh..

Nag abang na ako ng taxi pero bago pa man ako maka-para ng taxi biglang may tumawag sa pangalan ko..

Di ko maaninag ang mukha nya kasi nga diba gabi na..

Basta ang alam ko lang lalaki sya..

Di kaya magnanakaw sya?? Holdupper?? Rapist?? Waaaahhhhh!!!!! Omma gosh!!!! Lord help me... Huhuhu

Tatakbo na sana ako pero biglang may humawak sa kamay ko..

Nanginginig na ako sa takot.. Di ko magawang sumigaw.. Ewan ko ba kung bakit..

"Wag kang matakot miss.." Sabi nya..

Yung boses nya parang familiar..di ko alam kung saan ko sya narinig basta familiar talaga..

Dinala nya ako.. Or lets say hinila nya ako papunta sa may ilaw.. Madilim kasi dun sa pwesto ko kanina..

Nung makarating na kami dun.. Agad kong tiningnan ang mukha nung lalaking sumigaw ng pangalan ko at lalaking humila sa akin papunta dito..

Napako ako sa kinatayuan ko at ni isang salita walang lumabas sa mga bibig ko..

"Niach.. Alam kong di mo pa nakakalimutan si Niel.. At alam kong pilit mo syang kinakalimutan.. Kaso dumating ako.. Kaya ka nagkakaganyan.. Tama ba ako?" Sabi nya sa akin..

Tumango na lang ako.. Di ako makapag salita.. Biglang tumulo ang luha ko na agad nya namang pinunasan..

"Wag kang umiyak.. Sigurado ako di matutuwa si Kuya sayo.. Sige ka.." Para syang bata na pilit akong pinapatahan at parang sinasabing 'sige ka pag hindi ka tumahan di kita bibilhan'

Napangiti naman ako.. At pilit kong wag tumulo ang luha..

"Simula ngayon.. Lagi na akong nandito sa tabi mo.. Wala man si kuya at least nandito naman ako.." Sabi nya sa akin..

"Salamat nga pala" at last nakapag salita na rin ako..

"Oo nga pala. Di na ako nakapag pakilala.. Ako nga pala si Nathan.. Kambal ko si Niel pero mas matanda sya.."

So Nathan pala name nya.. Parehas silang nagsisimula sa N..

Ngayon.. Ang tanong ko.. Paano ako makaka move on kay Niel kung laging may nag papaalala sa kanya? Kung laging nandito ang kambal nya?

Still You (Part 2 of LAFS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon