Prologue

122 9 2
                                    

Naaalala mo pa ba yung mga panahong, sobrang inosente mo pa at sobrang saya pa ng mundo? Yung panahong tanging problema mo lang ay paano ipilit si mama ibili yung laruang nakita mo sa toystore. Yung mga oras na yung pinakamasakit na nangyayari sayo ay ang masugatan ka sa pagkakadapa at hindi sa pagkawasak ng puso?

Yun bang pag pumasok ka sa school feeling mo mamamasyal ka lang sa park at yung assignment mo lang ay tungkol sa pagbasa ng ABAKA o ABC. Yun bang uuwi ka mula eskwela, ang madadatnan mo sa bahay ay ang Kumpleto mong pamilya. Yung bagay na kinatatakutan mo pa lang ay mapagalitan ni papa. Yung mga lalaking mahal mo, hindi ka matatakot na iwan ka kasi pamilya kayo eh.

Yung sa tuwing iiyak ka ay dahil sa umiiyak din si Cinderella. Na yung pangarap mo dating tumanda ka para maging kasing ganda mo si Cinderella, sabi mopa sa sarili mo lalaban ka gaya ni Jerry, magiging matalino ka gaya ni Dexter or Professor X, na ikaw ang magiging tagaligtas at sasali sa powerpuff girls.

Pero nung lumalaki kana, paunti unti ka nang nagsisi sa pangarap mong tumanda. Unti unti mo na kasing nakikitang naglalaho yung bata mong pangarap kasi ang layo pala ng realidad sa pantasya mo dati. Unti unti, paisa isa or magkakasabay mong mararanasan ang tunay na problema, madama ang tunay na sakit. Iiyakan mo na ay may mas mabibigat na rason.

Yan ang mundo, mundong di man lang nasabi ng kahit isa sa mga characters na pinanood natin dati na iba pala sa mundong pinakita nila. Walang monsters pero may aapi sayo, walang castles pero may lugar ka, walang tatlong batang lumilipad para tulungan ka. Hindi pwedeng takbo takbo lang ang gagawin gaya ng sa tom and jerry. Ang hirap no? tapos, walang perpektong Prinsepe na hindi ka papaiyakin. Ang tunay lang sa nakita natin? ay may pagsubok bago mo matagpuan ang magpapasaya sayo.

- imqueenladyboss

ABAKADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon